fifty seven

9.9K 294 19
                                    

DANIELLE

nakatingin lang ako sa laptop ko watching our pictures together

hindi ko maiwasang maluha

"mam yung pong delivery ng cake dumating na po" sabi ni Jake ng sumilip sya sa office

pasimple kong pinahid yung luha ko

"sige lalabas ako,si tita Precy ba yung nagdeliver?" tanong ko while clearing my throat, si tita precy yung tita ni Sab nabanggit ko kasi na minsan kay Sab na kelangan ko pa ng cake supplier.

nakita kong parang kinikilig sya "naku mam hindi po yung anak nya po ang nasa labas" yun lang at umalis na sya

pinilipit ko ayusin ang sarili ko bago lumabas ng office

then i saw this petite girl she look radiantly happy, maputi medyo hawig sya kay Sab

"hi" lumunok muna ako kasi hindi ko talaga maitago yung lungkot ko

"hello, i'm Adileine but call me Adi" cheerful na sabi nya sa akin then she extend her hands to me i took it and it was warm

"my kausap kasi si mama kaya ako ang pinagdeliver nya dito"

tumango lang ako at inaya ko sya pumasok sa malaking cold stock room namin

napansin ko yung t-shirt nya saying

I MAYBE ALONE BUT IT DOESN'T MEAN I'M LONELY

"nice shirt" sabi ko sa kanya "ay oo nga pala Danielle here, Danny for short"

"ah ito ba bigay lang ng friend ko" yun lang

"ilan taon ka na ba?" nahihiyang tanong ko

"22 years old na ako"

huh? hindi sya mukhang 22 mukhang 16 lang sya eh

"you look younger" nangiti ako sa kanya

"kasi maliit ako" ayun lang at nagkatawanan kami.

nagbilang kami ng mga delivery hindi ko maiwasang matitigan sya she's a happy person always smiling, yung mata nya parang puno ng happiness. nakakainggit naman.

"ok na ba?" narinig kong sabi nya sa akin

"ah...eh oo tara sa office para masettle ko yung payment at receipts"

nagpunta kami sa loob ng office ko i was about to get the cheque but for some reason i like to keep her around

"you want na magmerienda muna?"

"sure wala naman akong gagawin" she smile to me

nagdesisyon kaming kumain sa malapit na fastfood chain, tahimik kaming kumakain hindi ko alam kung anung sasabihin ko.

"so matagal ka na bang kumukuha ng cake sa mom ko?" sabi nya in between eating sundae

"five months siguro nirefer kasi sya sa akin ni Sab" sabi ko sa kanya

"ah i see si Pinsan pala...so you liked my t-shirt ha"

"oo maganda yung message" then i try not to sound crazy "why are you so happy?"

natawa sya sa akin yung tipong hindi naman nakakaoffend

"kasi pinipili ko maging masaya, sa totoo lang 5 years ago naaksidente ako kasama yung boyfriend ko childhood sweetheart kami, nagising ako after 2months na nacoma ako pero hindi ko sya maalala i remember kung sino ako pero lahat sa paligid ko stranger at kahit gusto ko magluksa hindi ko magawa kasi hindi ko talaga kilala ang sinasabi nilang love of my life"

tahimik akong nakinig

"lumipas ang taon nakamove-on na lahat hanggang last year nagising ako lahat nung memories ko bumalik na di ba ang weird habang ang lahat nakamove-on na ako magluluksa pa lang, i did crazy things but one thing for sure there is a life after a failed relationship hindi man ngayon baka bukas o next week o next month kahit pa taon and when that times come haharapin ko yun ng masaya ako"

tinamaan ako sa sinabi nya...bakit nga ba kelangan ko harapin ang araw-araw na malungkot ako?

"sana kaya ko din yan" then i started telling her yung nangyari sa amin ni Apple

ewan ko bakit ang gaan ng loob ko magkwento sa kanya siguro dahil stranger sya at hindi ko iniisip kung anung pwede nya isipin toward sa akin.

"Danny kaya mo yan isipin mo lang your a princess and you deserve a true prince not a frog"

gumaan ang loob ko kahit panu my napagsabihan ako ng pain ko...ng fears ko...

hinatid nya ako sa shop then she give me her number para daw anytime na malungkot ako at kelangan ko ng kausap macontact nya ako.

pumasok ako sa loob ng office ko para lang mapaatras andito sya...

then my heart beats irregularly parang yung gaan ng loob ko kanina nawala

nasasaktan na naman ako...naluluha na naman ako

"Danielle..." then she hugged me

halos tumigil yata ang hinga ko totoo ba ang nangyayari o panaginip lang ito

ang dami ko na naman gusto sabihin pero wala akong kaya sabihin

walang salita ang kayang magexplain ng nararamdaman ko

"sino yung kasama mo?"

"si Adi" bulong ko

tumingin sya sa akin tila naiiyak sya pero bago pa pumatak ang luha nya nauna na ang sa akin

"Danielle don't cry"

"don't leave Apple" luhaan na talaga ako "love me...have me back"

niyakap nya ako na halos nadudurog ako pero hindi ko yun alintana basta yung yakap nya lang ang importante

"Bib handa ako makinig sa mga paliwanag mo wag lang mawala yung lahat ng meron tayo, ikaw lang gusto ko sa puso ko at buhay ko"

"kahit hindi ngayon basta sabihin mo na aayusin natin toh" sabi ko pa rin habang humihikbi ako

"Danielle hindi ko na kaya bumalik pa" she turn her back to me "kalimutan ko ako bigyan mo ng chance yung sarili mo"

ang sakit marinig mula sa kanya ang salitang yun akala ko talaga aayusin namin ang relasyon namin akala ko nagising na sya sa bangungot na sya mismo ang gumawa

bumitiw sya pagkakayakap sa akin at naglakad palayo

"Apple kung meron ka pa kahit konting pagmamahal sa akin jan sa puso mo wag kang lumabas sa pintong yan bumalik ka dito at yakapin ako kakalimutan ko ang ginawa mo...hindi na ako hihingi pa ng explaination"

huminto sya

umasa ako na babalik sya

pero umalis sya

just like that

she walk away...

naiwan na naman akong luhaan at bigo

but i promise huli na ito

tama na

pipiliin ko na maging masaya kahit para lang sa sarili ko...

fall for me gorgeous <completed book1> Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon