thirty six

16.3K 412 27
                                    

SABRINA

Kanina lang kasama ko yung girl na pinapangarap ko, Ako nga pala si Sabrina Martinez 18 years old pa lang ako ofw ang parents ko kaya magisa lang ako sa place ko most of the time, malayo kasi bahay ng grand parents ko sa school kaya hindi ako tumitira sa kanila, kapitbahay ko si Danny.

at tama kayo matagal ko ng crush si Danny kaso hindi ko naman alam kung pano sya iaapproach alangan sabihin ko na hi bisexual nga pala ako pwede ba kita i-date?, kaya hanggang tingin lang ako,meron din naman times na naguusap kami, sa iilan beses namin magusap sa elevator man yun o sa lobby ng building namin lahat yun kinikilig ako at lahat yun fresh sa isipan ko.

gaya nung una kami magusap :

nagmamadali ako nun makahabol sa elevator halos kakalipat ko pa lang nun,basa na ako ng ulan, kasi ang lakas kasi ng ulan sa labas pinagpag ko yung tubig sa bag ko at pinupunasan ko yung braso ko

"magwarm bath ka kasi baka lagnatin ka" sabi ng maganda kong kasakay sa elevator napapatitig lang ako sa kanya "sorry ako nga pala si Danielle just call me Danny"

"a..ako nga pala si Sabrina, Sab na lang" ewan ko pero bumilis yung tibok ng puso ko

yung sumunod naman :

kakagaling ko lang ng school gutom na gutom na ako pagbukas ko ng pinto nagmadali akong pumasok pero bago ko maisara yung door dumaan si Danny

"hi Sab bati nya sa akin" nagulat ako my inabot sya na box "here sample cookies at cupcakes yan from my coffee shop try mo" nahihiyang tinanggap ko yung box

pagkasara ko pinto napasandal ako at di ko na mapigilan ang kilig...

konti lang naman yung mga moments namin napapansin ko kasi lagi naman sya wala sa unit nya but I became her silent fan binibili ko yung ineendorse nya...at yung picture nya kinacapture ko sa cp ko...hindi naman sa stalker ako pero masaya ako kahit panu eh pakiramdam ko by doing so masnakikilala ko sya kaya nga kagabi lakas loob ko sya niyaya na sumama dito sa bar ni Aidan,akala ko tatanggi sya pero sumama naman kaya ang saya ko talaga.

pero grabe naman yun babae kanina sa iilan naming pagtatagpo wala yun ginawa kundi awayin ako kagaya kanina bigla na lang nya ako pinagbantaan na pag di ako lumayo kay Danny eh manghihiram ako ng mukha sa aso.

kaya eto ako ngayon magisa akala ko pa naman pwede ko na simulan yung paglalapit ko ng loob kay Danny

"wag mo na intayin yun hindi yun babalik" sabi ng girl na sumadal sa tabi ko btw andito ako sa parking lot nakasandal sa kotse ko, ang tangkad ng girl na ito she has this wavy hair na my under cut sa left patilya parang hair style ni demi lovato, yung dulo ng hair nya kulay yellow green,inalok nya ako ng yosi pere hindi naman ako nagyoyosi kaya tinanggihan ko.

"wala ako hinihintay,tsaka wag ka magyosi sa tabi ko ayaw ko ng amoy" malungkot na sabi ko,pero sabi ko lang yun ang totoo naiisip ko na baka bumalik si Danny kaya di pa ako umuuwi

"hindi naman ako nagyoyosi eh nilalagay ko lang sa bibig ko pero never ko sinisindihan" sabi nya

"bakit?" this time tumingin ako sa kanya wow she has this very dark eyes kung sa iba ay blue, gray o green sa kanya itim

ngumiti sya sa akin "alam mo yung feeling na hawak mo sa kamay mo yung reason para sirain mo ang lungs mo pero hindi mo binibigyan ng chance?"

naisip ko si Danny ang lapit nya lang pero never ko nasabi o naiparamdam na gusto ko sya

"wag mo na lapitan si Danny?" malamig na sabi nya sa akin

i give her the what-did-say-look

tinapon nya yung yosi "masasaktan ka lang hindi mo ba nakikita she belong with the girl who grab her awhile ago?"

"sila ba?" halos bulong ko na tanong

"ewan ko magulo yung dalwa na yun wag ka na makigulo masamang magalit ang pinsan ko"

"pinsan mo pala yung masungit na yun?" sabi ko sa kanya na ikinatawa nya wow! ang lutong ng tawa nya nakakahawa "coffee tayo gusto mo?" huh?teka san nanggaling yun

"i thought you'd never ask" sabi nya, akmang bubuksan ko ang kotse ng pigilan nya ako agad kong binawi yung braso ko kasi parang nakaramdam ako ng kakaiba hindi ko mapaliwanag

"maglakad na lang tayo malapit lang naman" sabi nya

tahimik kaming naglakad 4blocks away lang naman yung pinaka malapit na coffee shop,nang makaorder kami umupo na kami sa labas ng shop kung saan my malaking umbrella at dalawang magkaharap na upuan ,hindi ko alam kung dahil sa subtle na liwanag ng shop pero sa mata ko ang ganda nya, parang buhay na buhay ang mga mata nya yung tipong kumikislap

"ako nga pala si Sab" sabi ko sa kanya weird! ngayon ko lang sya nakasama pero parang magaan ang loob ko sa kanya

"Lime here" inabot nya yung kamay nya sa akin ang lambot ng kamay nya ang sarap hawakan ng hawakan

"so you like Danny?"prangkang tanong nya

nahihiyang tumango ako "obvious ba?"

ayan na naman yung tawa nya nagtataka ako bakit imbes na mainis ako dahil pinagtatawanan nya ako eh natutuwa ako sa kanya at nahahawa sa pagtawa

"oo...epic yung face mo kanina nung sinugod ka ni Apple but don't worry maganda ka pa rin naman"

nangingiti pa rin sya

"totoo?" nahihiya ako sa kanyasa mga papuri nya kasi kung tutuusin super ganda nya

"alin yung maganda ka? oo naman noh"

"i mean yung epic yung itsura ko" namula yata ako sa sinabi nya

"oo din eh kung hindi lang ako kumakanta kanina aawatin ko si Apple kaya lang hassle kung gagawa tayo ng eksena sorry kung possesive sya kay Danny" sabay kamot sa ulo nya

"bakit nga ba?" nagtatakang tanong ko kasi lagi na lang ako inaaway nun eh ngayon ko lang naman sya napagkikita

"lahat naman ng taong nagmamahal possesive eh"simpleng sabi nya "kasi kung girlfriend kita baka maspossesive pa ako kesa kay Apple" sa huling sinabi nya pumintig ang puso ko hindi lang doble kundi triple pa!

"alam mo ba na minsan masnakikita pa rin ang taong nagpapangiti sa atin kesa sa taong nagpapasaya sa atin" sabi nya habang kinakagat yung sandwich nya she has this bad eating habit pero ang cute pa rin!

"ang dami mong alam ah para kang si Kuya Kim" natatawang sabi ko pero totoo naman ang sinasabi nya

"masmadali kasi hanapin yung taong nagpapangiti kesa dun sa taong nagpapasaya talaga sayo" dagdag nya pa habang patuloy sa pag nguya

pinapanood ko lang sya nafafascinate ako sa bawat kilos nya sa pagbuka ng bibig nya, sa mata nya na parang my iniisip na kapilyahan she has this playful aura pero ang totoo malalim syang tao buong tambay namin sa coffee shop puro kung anu-anu ang pinaguusapan namin mostly love.

naglakad kami pabalik sa parking lot

"hindi ba mahirap humalik pag my braces ka" biglang tanong nya

nagulat man ako pero nakabawi din agad ako "hindi naman...siguro kasi----"

then she kiss me...whoaw!

ang warm ng lips nya at bago pa ako makatugon sa halik nya humiwalay na sya sa akin

"tama ako your lips is so sweet...i hope hindi ako ang magpapangiti sayo kundi ako ang magpapasaya sayo"

she caress my face pakiramdam ko nahuhulog ako sa mga mata nya...hindi ako makagalaw before i could utter a word magisa na lang ako hawak ang mga labi ko...na kanina lang eh angkin nya

=======================================

a/n hahaha commercial chapter lang po ito para mamiss nyo si apple at danny give more comment thank you po (n_n)

fall for me gorgeous <completed book1> Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon