Chapter 7

316 19 0
                                    

Fiona's POV:

"Fiona lumabas ka dyan. Darating ang parents mo at parents ko." malamig na usal ni Grey habang nakatok sa pinto ng kwarto ko kaya naman napabalikwas ako sa pagkakahiga ko.

What? Darating sila Mommy?!

"S-sige... Magbibihis muna ako." paalam ko rito at agad ng pumasok sa CR.

Wala akong masusuot neto! Crap!

Teka! May binili nga pala akong dress,ayun nalang suotin ko since na dryer ko naman yun kahapon pagdating ko.

Agad Kong tinapos ang ritwal ko sa loob ng banyo ko dito sa kwarto at mabilis na lumabas.

Ang isusuot ko sa dalawa ay yung white off shoulder dress na above the knee. Wala na din akong choice baka kung ano pa masabi ng parents ni Grey.

Inabot ko sa loob ng closet yung nabili kong white dress at itinapat ito sa salamin para tignan ang imahe ko sa napili kong suotin.

I think it will perfectly fit my body kaya agad na akong nagbihis para makababa na ako.

Nang maisuot ko na ito ay inilugay ko lang and buhok kong hanggang bewang at nag ayos ng mukha saka naglagay ng manipis na liptint saaking labi para naman maging maaya-aya ang mukha kong ihaharap sakanila.

Nang makatapos ako ay huminga muna ako ng malalim.

"Come on, Fiona. Cheer up!" pagpapalakas ko sa sarili ko.

Natatakot kase akong harapin ang mga magulang namin dahil alam kong kung ano-ano nanaman ang tatanungin nila na hindi naman kami nakakarelate ni Grey dahil hindi niya ako tinuturing na asawa. Oo masakit yun pero kailangan ko pa rin syang pagtakpan para hindi sya malayo saakin dahil mahal ko si Grey.

Napagdesisyunan kong bumaba na sa dining area para harapin sila Mom and Dad. Habang pababa ay nakita ko ng nakatingin saakin sila Grey at ang parents naming dalawa kaya wala na akong iba pang nagawa kundi ngumiti nalang kahit napipilitan lang naman ako. Nakatingin sila saakin na para bang hindi sila makapaniwala sa nakikita nila kaya naman nailang ako at naiiwas nalang ang paningin ko.

...

"So how's Grey?" nakangiting tanong ni Tita Rita na Mama ni Grey.

Nasa hapag kami ngayon at kumakain na. Nag hire ng isang magaling na Cook si Grey at masasabi kong napaghandaan ito dahil napakarami naming pagkain ngayon.

"He's definitely okay, Mom." nakiki-mom ako kapag sa harapan nila pero kapag sa harapan ni Grey ay nagiging Tita nalang.

"That's good to hear then. Pero isang bagay nalang talaga ang hinihintay namin,diba mare? HA HA HA HA! " nagagalak na ani ni Tita Rita kay Mama habang si Mama naman ay nakangiti rin.

"Oo nga. Kailangan na din naman namin ng apo,anak. Galaw-galaw. " pabirong ani ni Tito Edward kay Grey na muntik ng masamid sa sinabi ng sariling tatay.

"A-ah. Yeah dad, about that. We've already tried but we're too busy so we decided that we'll do that thing on the right time and day." nakangiting pagpapaliwanag ni Grey pero hindi niya man lang ako tinatapunan ng tingin kaya napatungo ako.

"Oh! That's right,ijo! Business first." masayang tugon naman ni Daddy.

Naramdaman kong may sumipa sa paa ko kaya ng tignan ko si Grey ay nakatingin ito saakin at nakangiti ng pilit na para bang nanghihingi ng tulong para iiba ko ang topic.

My Sweetest Revenge Where stories live. Discover now