Chapter 23

299 18 28
                                    

A/N:

Nag expired load ko kaya medyo napatagal ang pagpa-publish ko. Pero atleast meron kayong mababasa at napadami ata yung UD ko since natambak lahat hehe.

Fiona's POV :

At ayun ang nangyari kaya kung bakit hindi ko alam kung paano pa pakalmahin ang nagwawala kong puso.

"Since you chose Truth, you should answer the truth, if you cannot dare to answer the question, you should take the consequence." paliwanag ni Grey sakanya na sya namang kinaaburido nya.


She's really irritated with Grey, maybe because of what's the deal between me and Grey. Hindi ko sya kayang sisihin.

"Pake ko sayo. Bilisan mo!" and here she goes. She looked at Megan. "Ano?! Ikaw magtatanong?! Nako wag na! Wala kang pake sa buhay ko!" pagbubunganga nya kay Megan.


"Tsk! I don't wanna ask you, either! I'm not interested tho!" Megan replied back.

"Oh edi magtanong na kayo!"


"Who was your last ex, and what's the reason of your break up?" pranka at diretsong tanong ni Grey na nagpahinto kay Lala sa paglagok ng iniinom nyang alak. Hindi pa naman sya ganoon kalasing.


Natahimik kaming lahat sa sobrang init ng tanong at dahil na din ata iyon sa nagbabagong presensya sa paligid namin. Takot na sumagot si Lala.


Hindi nakapagsalita si Lala ng isang minuto na naging hudyat na wala itong balak sagutin ang tanong, nakatulala lang ito at tinititigan ang baso na ininuman nya kanina ng alak.

"Consequence." nang maya-maya ay nagsalita na si Lala. "What's the consequence?" she strongly asked.



Knowing her, she can do anything just to avoid one question in her life. And I envy her for having that strong skill! I hope, I can be strong as her.




"Kiss Sebastian." we were all stunned when Grey said that. Halos malaglag nga ang panga ko ng narinig iyon. Masyadong mabigat yung ganoong consequence, and as far as I remember one day palang kami na nandidito.



Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Lala ng marinig din ito kay Grey. "It's your choice." he lift his side upper lip and evilly chuckled.




Napailing ako sa inasta ni Grey, is he up to something? O baka lasing lang sya?



Naghintay kami kung ano ang sunod na gagawin ni Lala, hindi ito gumagalaw at animoy naninigas na sa kinauupuan habang malalim ang iniisip.


"U-uhm.. You know what guys, it's okay lang if she cannot do the consequence, besides private life nya—" hindi nakapagpatuloy sa pag-eexplain si Sebastian ng daglian syang hinigit ni Lala upang halikan.


Lala just kissed Sebastian on the lips!


Lahat kami ay nawindang at napa-awang nalang ang bibig sa ginawa ni Lala. Mulat na mulat kaming lahat at ultimo si Sebastian na hanggang ngayon ay nakadilat pa din kahit na hinahalikan sya ni Lala.

"What the?!"

"Oh my!"

"L-Lala!"

"You asked for it."



Nabitawan ko pa nga ang baso kong hawak dahil sa sobrang gulat. This is so crazy!

Halatang gulat na gulat si Sebastian sa ginawa ni Lala pero parang wala lang iyon kay Lala ng humiwalay ito sa halik. Lala gave Grey a winning smirked.



My Sweetest Revenge Where stories live. Discover now