Chapter 2

119K 2.9K 106
                                    

Chapter 2

Saved by the coconut.

Yan talaga ang nangyari sa akin dahil sa panahong hindi ko na alam ang gagawin at irereact ko dumating sila Nanette dala dala ang binili kong macapuno.

“Umalis lang kami may kayakap ka na?” Doon naputol ang pagyayakapan namin ni Lee. I mean Harley. Kasi siguro kung hindi dumating sila Nanette, hindi niya ako bibitiwan and as the seconds and minutes ticked by it is becoming awkward.

Umalis ako sa yakap niya kasi ako kanina pa hindi nakayakap sa kanya.

“Nette, hindi mo ba siya natatandaan? Si Harley!” I said with too much enthusiasm it already appeared fake. Pero mukhang hindi naman napansin ni Nanette because she was already gaping while she’s looking at Harley.

“Harley! Ikaw ba yan? Hala! Ang pogi pogi mo na! At ang tangkad tangkad. At ang pogi pogi. Teka, nasabi ko na bang pogi ka?” Tili pa ni Nanette. Tumawa ng mahina si Harley.  Nakangiti lang ako pero ang totoo bigla akong nilamig dahil basa nga ang likod ko dahil sa damit. Tapos naramdaman kong may pumatong sa likod ko. Nilagay niya ang jacket niya sa likod ko.

“Salamat.” And I took it off at binalik sa kanya. Nangunot ang noo niya and I smiled at him.

“Ano ka ba, sa init ng araw, wala pang 5 minutes tuyo na ang damit ko. Kung isusuot ko ang jacket mo mas mapupulmonya ako.” Mahabang paliwanag ko,  my smile not leaving my face.

“Nasaan na ang buko ko?” I asked Nanette.

“Ay uu nga pala. Ito.” Iniabot niya sa akin makapuno na nakayod na.

“Umupo nga muna tayo at nang makibalita naman tayo Raziel sa buhay nitong si Harley. Sa’yo ba yang motor na yan Harley? Naku bigtime ka na talaga. Ano bang pinaggagawa mo sa buhay mo na?” Nanette tactlessly asked.

Sumunod na lang ako sa kanya dahil ayaw ko namang masabihang bastos. Maano bang makipagkwentuhan ako saglit. Pumayag nga akong magtinda ng buko, tapos makipagkwentuhan di ko magawa?

Umupo si Nanette sa upuan na gawa sa katawan ng bamboo na pinagdikit dikit.  Umupo ako sa tabi ni Nanette and I expected him to sit sa kabila ni Nette kasi mas malaki ang space doon pero talagang pinagsiksikan niya ang sarili niya sa tabi ko na sobrang sikip. Bakit ba ang mga lalaki mahihilig sa masisikip? Nakakaasar ha.

“So kamusta ka na Harley? Saan ka nanggaling at bigla na lang kayo nawala ng dito…” And Nanette started interviewing him. Nakangiti lang ako at tumatango. Paminsan minsan sumasagot sa mga tanong. But I never asked any questions and I didn’t asked questions before and I would never ask now.

At saka, kahit naman kasi hindi itanong, nakikita naman kung ano ang naging buhay niya. Sa bike pa lang niya, alam na. And I’m glad na naging maayos ang buhay niya.

“Kelan ka lang dumating?” Nanette asked again at gusto ko nang umuwi.

“Last week.” Sabi niya and smiled at Nanette. Bakit kaya hindi na lang siya tumabi kay Nanette? Tutal, sila naman ang nag uusap. Ang awkward lang kasi na nasa gitna nila ako. 

“Tapos didito ka na?”

“Depende.” Itinaas niya ang kamay niya sa sandalan na kawayan din sa may bandang likod ko. Naramdaman ko ang braso niya at sa isang tingin, parang nakaakbay siya sa akin. Umalis tuloy ako sa pagkakasandal at umusog ng kunti.

“Depende saan?”

“Hindi saan. Sino.” Sagot niya. Di ko mapigilang hindi tumaas ang kilay ko. Of course, of course. I thought to myself.

“Huh? Aba! Iba na yan ha. Babae ba?” Kinikilig na tanong ni Nanette.

“Ay namula. Hala. Babae nga. My Gahd luma-lovelife ka na Harley!” Tili ni Nanette but I remain impassive. Siyempre,alangan naman na wala pa siyang girlfriend? Sa gwapo niyang yan?

“ O sige, depende kanino?” Excited na tanong ni Nanette. Kulang na lang tumayo siya sa harapan ni Harley at I shake ito.

“Depende kay Razie.” Biglang tumahimik ang mundo. Pati ata mga ibon tumigil sa pag iingay o baka naman ang mundo ko lang ang biglang tumahimik kasi pati ata tibok ng puso ko tumigil. What the heck!

Napatingin muna ako kay Nanette na nakanganga bago ako tumingin kay Harley na nakangiti.

Hindi ko na nakayanan. Tumayo ako bigla at kinuha ang lagayan ng macapuno na para bang doon nanggagaling ang lakas ko. Then I glared at Harley.

“At bakit naman ako nasali sa mga desisyon mo sa buhay aber?” Mataray na sabi ko with matching taas ng kilay.

“You know that you are always included in my life’s decisions Angela.”He stressed my name and I flinched. I chew on the profanities that is threatening to come out my mouth.

“Hala! Kayo ba…” Sabin g naguguluhang si Nanette. Pabalik balik ang tingin niya sa amin ni Harley.

“Hindi mo alam?” Nangingiting tanong ni Harley. Sino nga ba ang nakakaalam? No one but our family. Not even our friends. Sino ba naman kasi ang mag aakala na papatulan ko siya?  

“Naging kayo?” Tanong ulit ni Nanette.

“Uuwi na ako.” I declared. Kailangan ko nang umuwi bago pa ako magwala.

“Teka Raziel!” Pigil ni Nanette. Alam kong curious siya. Who wouldn’t?

“Hinihintay ni Lola ang buko. Mamaya magalit na naman yun.” I turned to leave pero hinawakan ni Harley ang siko ko. Gusto kong sumigaw at magwala.

“Ihahatid na kita.” He declared.

“Wag na. Ang lapit lang ng sa amin.Gusto kong maglakad.” Naisip ko kanina magpapasundo na lang ako dito kasi ayaw ko ng maglakad ng another 15 minutes kasi aminit na. Hindi katulad kanina na makulimlim.  

“Sabayan na kita sa paglalakad.”

“Paano ang bike mo? Iiwan mo dito?” Takot lang nitong mawalan ng bike.  

“Andito naman si Nanette. Iiwan ko muna. Babantayan mo naman Nette di ba?” At nag utos pa.

“Siyempre naman.” Nanette beamed.

“Okay lang talaga ako Harley. Nakarating ako dito ng naglalakad, makakauwi din akong naglalakad. Tsaka ang laki ko na kaya.” I laughed nervously.

“I insist. Sasamahan na kita. At isa pa gusto kong mag usap tayo.” Ayaw kong makipag usap sayo. Pero siyempre di ko yun sasabihin.

“Nagmamadali kasi ako kaya malamang hindi rin tayo makapag usap.”

“Eh di ihatid na lang kita ng bike kung nagmamadali ka. Mas mabilis pa tayong makakarating.” I wonder then, where did his intelligence go. Sa pagtaas ban g antas niya sa buhay, naiwan ang talino nya at hindi niya maintindihan ang gusto kong iparating?   

“Gusto ko ngang maglakad.” At ayaw kong kasama ka. Sana naman nakuha niya.

“Sige mauna na ako. Ay teka, Nette bayad ko pala.” Kinuha ko ang wallet ko at kumuha ng kahit na anong makuha ko.

“Ay wala akong barya.” Napatingin ako sa 500 pesos na hawak ko.

“Sige di bali na lang.” Ibinigay ko kay Nanette ang pera at nagmamadali akong tumawid ng daan.

“Angela!”  I heard him called after me pero hindi ako lumingon. Dahil hindi ako si Angela. No one calls me Angela. Mabilis akong naglakad braving the heat of the sun and the dampness of my shirt.  

I hugged myself  habang naglalakad ako sa maliit na path leading to our ancestral house. At automatic na napatigil ako sa paglalakd when  I passed through a clearing  near the river. I looked at a certain spot.  

Then I remembered myself 10 years ago.

Waiting patiently.

Hoping ardently.

Loving unconditionally.

Then I saw myself walking away from the spot, hugging myself because I was very cold and I’m also wet. It rained that night and my clothes are drenched. I’m shivering not because of my damp clothes but because of my cold heart. That night it rained water…

…and tears. 

When Princess FallsWhere stories live. Discover now