Chapter 12

72.1K 2.2K 71
                                    

Chapter 12

I was really never excited about being in love. Hindi ako ang klase ng babae na atat magkaboyfriend. Hindi ako nagwoworry na wala akong boyfriend o walang nanliligaw sa akin. Hindi ako ang klase ng babae na titili at mangingisay kapag nakita ang crush. Para sa akin love is over rated. Masyado lang ginagawang big deal.

Pero tama sila, love is a big deal. It could bring you too much happiness and it could also bring you too much sadness and too much pain. Hindi ko alam kung maganda ba na ang bagay na sobrang makakapagpasaya sa’yo ay may kakayahan ding sobrang magpalungkot sa’yo.

I never expected it to happen to me too soon. Masyado pa akong masaya sa relasyon namin ni Harley. I was so overwhelmed by the love that I am feeling that I never expected it to end too soon.

Hindi na issue sa amin kahit na sa Maynila pa ako mag aaral at siya naman sa province kasi palagi naman kaming nagbabakasyon. Magkikita at magkikita kami dahil hindi naman sobrang layo ng province. I know we could survive, I know we could make it.

Pero hindi pala ilang oras lang ang poproblemahin namin, hindi pala ilang kilometro, hindi lang pala ilang ilog. Hindi ko inakalang darating ang panahon na paghihiwalayin kami hindi ng mga magulang namin o kung sino pa man kundi ng tadhana mismo.

Damn! I never believed in fate or destiny. Pero nung araw na yun, pakiramdam ko pinapamukha mismo nina fate at destiny ang existence nila sa buhay ko.

I’ve already sense that there’s a problem pagkakita ko pa lang kay Harley na nakaupo sa clearing. It has become our favorite spot dahil hindi mainit, dahil nga sa dami ng puno ng manga.

Nakaupo siya with a hunch shoulder. Nakatingin siya sa malayo at ni hindi napansin ang paglapit namin ni Lady Gaga. Bumaba na ako at naitali ko na ang kabayo pero hindi pa din niya ako napansin. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya o talagang unaware siya sa sorroundings niya. Naglakad ako palapit sa kanya at umupo sa tabi niya.

Tiningnan niya ako nung nakaupo na ako pero hindi niya ako pinansin at bumalik sa pagtingin sa malayo.

Kinabahan ako, kung ano ano tuloy ang pumasok sa isip ko.

“Makikipagbreak ka na sa akin?” Hindi ko napigilang sabihin nung hindi pa din siya nagsalita kahit na nakaupo na ako sa tabi niya.

Napatingin siya bigla sa akin at nangunot ang noo.

“Ha? Hindi ah! Bakit mo naman nasabi yun?” Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib dahil sa sinabi niya.

“Kasi hindi mo man lang ako pinansin nung dumating ako.” May pagtatampo na sa boses ko nung sinabi ko yun. He looked at me tenderly and gently smiled but his smile didn’t reach his eyes.

“Lee.” Hinawakan niya ang isang kamay ko at pinaglaruan.

“Lee…”

“Angela may sasabihin ako.” Doon na nagsimula akong kabahan. Sa ilang buwan na naging kami, isama na ang mga time na hidni pa kami, kilala ko na si Harley. Oo nga at minsan maloko siya at palabiro pero malalaman mo kapag seryoso siya because his face says it all. At ito ang isa sa mga panahon na alam na alam ko na seryoso siya.

“Hindi ka pa naman mamamatay di ba? Wala kang cancer di ba? Wala pang taning ang buhay mo?” Naiiyak na tanong ko sa kanya. God! Hindi naman sana. Hindi naman sana maging katulad ng mga tragic love story ang love story namin ni Harley. Ngayon pa lang, hindi ko na maimagine ang iyak na gagawin ko kapag mamamatay na siya. Paano pa kaya kung ililibing na siya?Baka mabaliw ako.

“Hindi.” Natatawang sabi niya. Nawala na tuloy ang seryosong aura niya kanina.

“Hindi ka pa mamamatay?”

When Princess FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon