Chapter 5.1 : Jealousy

24 1 0
                                    

*Nicole's Pov*

Aaaaaaaaaaahhhh...... Ang ganda naman dito sa resort.

Sayang 2 days kami dito. Huhuhu

Blue na blue yung tubig sa infinity pool tapos onting lakad pa, beach na.

Nakakarelax talaga! Buti nalang sumama ako.

Worth it yung byahe kanina.

Jusko.

Ikaw ba naman yung nasa pagitan ng dalawang taong kinaiinisan mo? At ang masaklap pa, kitang kita mo yung bestfriend na nakikipag-akbayan sa isa mo pang kaibigan.

How's my life naman diba?

Oh well. Kahit papaano , bawing bawi naman ng resort yung pagkabadtrip ko kanina.

"Nicole! Dito room natin a. " masayang sabi ni Kirstein habang nakatayo sa brown na pintuan ng cottage na tutuluyan namin.

Lumakad ako papalapit kay Kirstein.

"Maganda ba? " tanong ko dito habang sinisipa yung buhangin.

"Pasok ka kaya. Ang ganda. SOOOOBBBRAAA!!!"

Pumasok ako ng cottage.

Napatalon ako sa nakita ko.

Light blue ang kulay ng pader neto. Pag tumingin ka sa left, kita mo ang Isang napalaking tv na nakasabit sa wall.

Sa tapat ng tv, makikita mo ang tatlong beanbag na lime green.

Pag tumingin ka naman sa right, kita mo ang isang King-sized bed.

Lavander ang bedsheet at kumot neto.

Tapos ang mga cabinet ay puti.

"Stein! Ang ganda!" excited kong sinabi.

"Syempre, ako pumili e. Alam mo naman kapag maganda pumili ibig sabihin maganda ka" tawa niya habang nagaayos ng gamit.

Daming alam netong babaeng to.

Lumapit ako sa may bintana upang makita ang maganda view.

"Haaaaaaayy" bulong ko sa sarili ko.

Okay na sana e kaso naalala ko na kasama pala kaming iba.

"Teka, nasan yung iba?!" bulong ko ulit.

Humarap ako kay Kirstein para magtanong.

"Stein! Sila Adrian? Saan sila matutulog?" Sunod sunod kong tinanong.

"Si Adrian, kasama yung pinsan niya. Blaine daw yung pangalan?" napakamot siya sa ulo niya.

Wait... Paano si Paul at Cath?

HELL! Dont tell me na -

"Ay, Si Paul at Catherine pala yung nasa kabilang bahay e.. " lumapit siya sa bintana at tinuro niya ang katabing cottage.

"Pustahan. Paglabas ni Catherine dyan, may anak na yan. Hahahaha" bulong ko sa kanya.

"Asa! Selos ka lang e." asar neto sakin.

Nagseselos nga ba ako?

The Hell! Hindi no!

Teka, hindi nga ba?

"Letche." irap ko dito.

Pumunta na ako ng banyo upang magbihis ng pang swimming.

Itim ito na two-piece tapos may mga gold na details sa gilid. Pinatungan ko ito ng sleeveless na sundress para hindi exposed ang katawan ko habang nagpapalakad lakad dito sa resort. Nilugay ko din ang buhok ko para hindi masyadong halata yung iniwan ni Paul.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Time to Love again (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon