Chapter 3: wth are you doing here

80 1 7
                                    

* Nicole's pov*

"Hooy." tsk! Sino ba tong kumakalabit sakin? Ang aga aga e. Che! Bahala ka dyan.

Tinakpan ko ng unan ang mukha ko.

"Huuuy!" May pumipindot sa braso ko. Sino ba to?!

Tumagilid ako para di nako magulo neto.

Teka, Parang biglang-

"Nicole Loiz Alonzo Ybannez!!!!!" Nagising ako bigla sa pagsigaw.

"ANO??!!" Napaupo ako at sumagot kay Kirstein na kanina pa palang nang gigising sakin.

"HOY BABAE! May pasok kaya tayo. Bar bar pa kasing nalalaman e." Sabi niya habang nakapamewang.

"Tsk! Pwede bang mag absent?!"

"Hinde! May Exam kaya tayo!"

"Naamaaann eeehh!!!" Hihiga sana ulit ako nang biglang may nag doorbell. Tumingin ako kay Kirstein. HAHAHAH, Automatic kasi yun e. Kapag may nag doorbell, siya na magbubukas.

"Lagi naman e!" Padabog niyang sinagot tapos bumama na din para buksan yung pintuan.

Ako naman, nagmadali na akong maligo at magbihis. grabe lang! Kala ko Sunday ngayon, Ayun pala hindi. badtrip.

Pumunta na ako ng banyo at sinimulang maligo. Ipinikit ko ang aking mga mata (Wow, tumutula?) Basta ayun tapos parang may nag flashback. Yung pagkiss sakin ni Paul.....

Natigil ang aking pagmumuni muni nang biglang may kumatok sa pintuan ng banyo sa second floor.

"Nicole, Iha! Nandirito na akooooo.." Si Lola Merci pala. Totoong lola ko siya. Pinatira ni Mommy dito si Lola para may magbantay samin ni Kristein. Alam kasi ni Mommy na maloko kami e. Umaalis siya tuwing weekdays, Dun siya natutulog sa Pinsan ko. Dito din naman nakatira Pinsan ko sa Village ee. Malayo nga lang samin. Basta. Moma tawag namin sa kanya, Halong Lola at Mama. Wala lang. MASAMA?

"MOMAAA!!!!! Namiss kiiiiitaaaaaa!!!!" Sabi ko habang nagsh-shampoo.

Biglang bumukas yung pintuan tapos pagkatingin ko, Si Moma pala.

"NAMAAAANN MOMAAA EE!!! Naliligo ako dito e." Sabi ko habang tumatadyak sa tiles

"Naiihi ako! Sasabog na pantog ko no!" Sabay umupo si Moma sa toilet at umihi.

Hindi ko nalang siya pinansin, Nagsabon na ako at nagbanlaw na.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabanlaw nang biglang bumukas yung Shower Curtain.

"Iha, Sumesexy ka a. nagmamana ka sa Lola a." Sabi ng Lola ko na nakaposing.

"MOMA NAMAN! HUHUHHUHUUU.. Patapusin mo muna akooo." Sabi ko na parang bata.

"Osya, Bilisan mo dyan. May babaeng nakatingin sayo dyan, Bebe Ghurl. HAHAHAH" Sabay umalis ng banyo ang matandang mahal na mahal namin. Nga pala, Nasabi ko na rin ba na tawag sakin minsan ni lola ay bebe ghurl? EW!

"MOMAA!!!!!" Sinabi ko tapos nagmadali na akong magbanlaw.

Pagkatapos kong Maligo at magbihis, Dinampot ko ang Violet ko na Jansport at bumaba na ako ng hagdan papunta sa Dining room. Tumingin ako sa pagkain na nakahaing. BACON AT FRIED RICE! MAY FAVORITE!

"Sabayan mo nang Kumain si Kirstein, Bebe ghurl." Sabi ni Moma habang nilalagyan ng pagkain yung pinggan ko.

"EW BEBE GHURL! HAHAHAHAHA" Asar sakin ni Kirstein tapos umapir siya kay Moma

"Che!" Dumila ako kay kirstein.

Umupo na ako at Isinubo ang bacon at fried rice.

NOM NOM NOM NOM. NOM NOM NOM. SARAP NETO, GRABE!! NOM NOM NOM. TAPOS NA!

Tumayo na si Kirstein at Humalik kay Moma.

"Bye Moma, Alis na po kami ni BEBE GHURL" Talagang Inemphasize Ni Kirstein yung 'BEBE GHURL'

"Weh, Stein!" Sabi ko tapos tumingin ako kay moma. "BYE MOMA! MWUAH!" humalik ako.

Lumabas na kami ni Kirstein sa pintuan at isumakay sa sundo naming kotse. Isa itong Silver na 2011 Ford Escape Suv. Tito ko ang naghahatid samin papuntang Campus minsan. Malapit lang naman office niya sa Campus kaya siya na naghahatid samin.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa Campus ni Kirstein. Nagpaalam na kami Kay Tito at pumasok na ng gate.

"Anong oras na, Bes?" Tanong ko kay Kirstein habang naglalakad kami papuntang Fine Arts building.

"7:40 na. Bilisan natin. Mamaya na tayo rumampa dito no." Sabi ni Kirs habang bininilisan ang pagtakad. Halos makaladkad na ako. Nakakapit kasi ako sa braso niya tuwing naglalakad kami e.

"HUY TEKA LANG! Mapupudpod heels mo niyan" Pinisil ko ng mahina ang braso niya.

"EEEHH!!!!. Tara na. May Bago daw tayong classmate ee. Excited much na ako. Gwapo daw. " Kinikilig niyang sinabi.

"Gaga! Malandi ka talaga" Natatawa akong sinabi. "Tara na nga!" Hinila ko siya papuntang Building. Buti nalang nagflatshoes ako ngayon.

----------------------------------

BITIN MUNA. Short update. nasasabaw talaga ako ngayon e. Sorry kung korny a. Huhu.

Thank you din sa mga nagbabasa 108 reads na! OMG. I LOVE YOOUUU!!!!

Comment & Vote. MWUAH MWUAH.

P.s

Sorry sa typos. hhihi

Time to Love again (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon