CHAPTER 3: I'm starting to like him

101 2 0
                                    

Today's another day. Inutusan ako ni mama na mag-grocery kasi daw magluluto sya pa para kina lolo at lola. Pumunta na ako dun sa isang 

mini-market dun sa sentro. Andami namang tao. Sana hindi ako mahirapan. Marami-rami pa naman ang mga bibilhin ko. Kumuha na ako ng isang maliit na cart at nagsimula ng mag-grocery. Di nagtagal ay bumibigat na yung cart ko. Di ko na sya masyadong matulak. Nabangga ko yung mga sardine cans at nagsihulugan lahat. Pinagtitinginan na ako ng mga tao dun. Wew. Spell Tanga. Nagta-thrash na ako sa aking isip ng may isang lalaking tinulungan akong pulutin yung mga nahulog na mga sardine cans. Pagtingin ko.. 

"Dustin?" gulat kong sabi nang makita ko ang napaka-among mukha ni Dustin na nakikipulot ng mga sardine cans

"Are these sardine cans giving you a hard time?" sabi nya sa akin sabay smile. Di ko yun naintindihan ha. Nu daw? :O

"Wag mo nga akong ma-english-english."  napatawa naman sya sa sinabi ko. matapos naming pulutin yung mga cans na yun ay tinulungan nya 

akong itulak yung cart ko.

"w-wag na kaya ko naman." Pagpupumilit ko sa kanya

"Ang dami mo atang binili ah. May fiesta ba sa bahay nyo?" Patuloy pa rin ang pagtulak nya sa cart kahit nagpupumilit na akong wag na nya 

akong tulungan. 

"U-uhmm. Magluluto yung mama ko." sabi ko na lang habang kumukuha pa ng ibang mga ingredients. 

"Ipatikim mo yun sa akin ha."sabi nya sabay smile. Eeek! Parang may biglang kumuryente sa akin pag tingin ko sa mga ngiti na yun. Parang 

namula ata ang mukha ko.

"A-aah.. s-sige ba." nagiging mailang na naman ako sa kanya. natapos na kaming nag-grocery. He still insist na ihatid na lang daw ako dun sa 

resthouse since napakarami kong dala. 

"a-ahh. wag na Dustin. kaya ko ng umuwi mag-isa. Ipapabuhat ko na lang to' dun sa tricycle driver" Tanggi ko sa alok nya

"Hatid na kita, Ellie. Mahihirapan ka pa eh." Ba't ba kasi napakamapilit nitong lalaking to. Everytime rin na magkikita kami tinutulungan nya rin 

ako. Ang gwapo nya na nga mabait pa. Total package naman. Whoa. I'm starting to like this guy. In the end, napapayag nya na lang ako. 

Nakakabingi ang katahimikan sa kotse. Bigla-bigla na lang nagsalita si Dustin nagulat tuloy ako buti na lang di halata

"San ba bahay niyo?" tanong nya

"Dun lang sa may likod ng mga resort na yun. Yung malapit sa dagat." sagot ko naman habang nakatingin lang sa labas. Kaka-awkward kasi eh. 

Magkatabi lang kami dito.

"I bet hindi ka taga rito."

"oo. Nandito lang ako para bisitahin yung lola't lolo ko ngayong bakasyon."

"ganun ba." and then after that naging tahimik na naman kami. Nakarating na rin kami dun sa resthouse at nagpaalam na ako sa kanya. Pero 

bago pa ako maka-alis ay humirit pa si Dustin.

"Uie, sabi mo diba papatikimin mo ako ng niluto ng mama mo. Lagi lang ako nandun sa Coffee shop ha." sabi nya sabay wink sa akin. Oo 

nagwink sya. At kapag ginawa nya yun nagiging... GWAPO sya ng bongga. Crush ko na ata sya eh. >.< 

"S-s-sure" kitams parang tinatamaan na ako ah. nauutal na ako eh. Umalis na sya at ako naman ay ipinasok na ang aking mga binili sa loob ng 

bahay. Lampas tenga yung ngiti ko. HEHE

THE SUMMER I TURNED PRETTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon