CHAPTER 8: Am I turning pretty?

97 2 1
                                    

CHAPTER 8: Am I turning pretty?

Yung mga sumunod na araw ay palaki ng palaki at paitim ng paitim yung mga eyebags ko. Ilang gabi na ako di makatulog sa mga confession sa akin nina Dustin at Bryce. Nagrerewind yung mga gwapo nilang mukha sa isipan ko. WAAA! Kaka-stress! LECHE yan! Nakakalito ng bongga. Umalis ako sa bahay at pumunta sa Ice cream Embassy. Sabi kasi ng mama ko kapag bitter ka raw at may pinopoblema kailangan mo lang raw ng something sweet at panpalamig. Inorder ko yung favorite ice cream ko. Na-upo ako dun sa may tabi. Yum. Kahit kailan di talaga ako binigo ni AVOCADO sa pagpapagaan ng loob ko. Ancharap nya! >.< 

"Hi miss, pwede ba kaming maki-upo?" tanong ng isang lalaki. Paglingon ko sa likod... B-Bryce? D-Dustin? waaa! ba't sila nandito, sabi ko na nga na mali ang paggala ko ngayon eh. Hay naku!!! Sila ang dahilan ng mga sleepless nights ko tapos heto sila mang-gugulo na naman?!  "Ba't kayo nandito?" tanong ko sa kanila. Stupid question, malamang bibili sila ng ice cream.

"We are here to buy some ice cream, tapos unexpected nandito ka rin pala." sabi ni Dustin. eer! sana di nyo na lang ako nakita. Sana di na lang  talaga kayo bumili ng ice cream. uwaaa! umorder na sila ng ice cream at umupo dun sa harap ko. Tiningnan ko yung kinakain nilang mga ice cream. Wait nga lang. Mga gaya-gaya ang dalawang to ah!!! Anong nangyayari dito ha?! Ba't parehas kaming tatlo. I know, itong si Dustin ay pinaplagiarize nya yung ice cream ko pero itong si Bryce, anong rason nya?

"Ellie, alam mo bang parehas kayo ng favorite ice cream ni Bryce. Kaya siguro nagtataka ka kung bakit." sabi sa akin ni Dustin. Wow. Dustin mind reader ka nga talaga. Nababasa mo ata ang mga thoughts ko ah. Sana mabasa mo rin na masyado na akong nalilito sa aking nararamdaman para sayo para matulungan mo rin ako. 

"Talaga?!? Gaya-gaya ka naman partner in crime eh." dumila lang siya sa akin at kinain nya na ulit yung ice cream nya. Kami lang kami ng kain dun. Nag-uusap naman pero malimit lang. Tipid na tipid nga ako sa mga sinasabi ko eh. Papano kasi ako ay naiilang ng bongga. Ikaw ba naman umupo kasama ang dalawang nag-gagwapuhang lalaki at yung thought na alam kong may gusto sa akin ang dalawang lalaking to kahit di naman kapani-paniwala. Sa kalagitnaan ng mga chikas ay napatawa na lamang si Bryce. Hala! Nabaliw na ata.

"Partner in crime, may ice cream sa labi oh" sabi ni Bryce na natatawa. Umabot naman si Dustin ng tissue at akmang pupunasan ako ng biglang pinunasan na agad ni Bryce yung labi ko. Ibinaba na lamang ni Dustin yung tissue. Napatingin na lamang siya kay Bryce at sa akin. This is bad. 

Pagkatapos namin kumain ay naglibot-libot kaming tatlo dun sa sentro. Na-iilang ako ng bongga! To the highest level tsong! Nakikitawa na lang rin ako sa kanilang mga biruan. Napansin kong ang lapit nila sa isa't-isa. Napadaan kami dun sa sinehan.

"tara! Nood tayo sine." pagyayaya ni Bryce. para syang isang maliit na bata. Nag-puppy eyes pa! Akala nya cute siya, di naman, kasi gwapo sya eh. Uie. Wala yung ibigsabihin ha

"Ah, Bryce. Nanood na kasi kami ni ellie ng sine nung isang araw eh." sabi naman ni Dustin.

"kayo talaga, di lang naman kayo nagyaya. Ano bang pinanood nyo?" tanong ni Bryce

"Battleship." sabay naming sagot ni Dustin. 

"Ahhh. Ano ba yan! Ang boring naman nun. Sana Despicable Me ang pinanood nyo." Sabi ni Bryce. Naalala ko tuloy yung araw na yun. Despicable me talaga yung gusto kong panoorin. Aba! Di inaasahang magkapareha pala kami ni Bryce ng likes ah. Sa attitude nya hindi sya yung tipong manonood ng mga cartoons, pero nagkamali pala ako. Mas masahol pa sya sa isang gradeschool na bata. May pagka-childish pala itong si Bryce di halata sa napakamasculine nyang appearance

"Well, na-enjoy naman namin yun ni Ellie, diba?" tanong sa akin ni Dustin. Tsss. Honestly di ko yun na-enjoy. Ni hindi ko nga yun naintindihan eh pero para sayo Dustin, sinubukan ko yun inenjoy kahit ang hirap sa kaluoban lalo na sa isip :(

THE SUMMER I TURNED PRETTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon