21

908 30 29
                                    

kim wooseok

pumunta ako sa amusement park. wala pa si nayla dito. umupo ako sa isang bench tapos nilabas ung cellphone ko.

nakita ko kasi bucket list ni nayla sa wallet niya. pati nga pic ko nandun. pinicturan ko nalang baka magtaka nawala ung bucket list niya sa wallet niya.

BUCKET LIST
1. makapagtapos ng pagaaral
2. magkaroon ng asawa (ehem *sir wooseok*)
3. 1st date sa amusement park
4. 1st kiss rin sa 1st date
5. magkaroon ng trabaho sa future

"sir" nagsalita si nayla sa harap ko. kinakabahan ako, ngayon ko na rin balak magconfess pero mamaya nalang pag may fireworks display. natibok ng malakas ung puso ko makita ko palang siya.

"nandito ka na pala, tara pasok na tayo" sabi ko tapos inilahad ung kamay ko hinawakan niya ung kamay ko. kinikilig ako ajjsjdjs

—lee nayla

nung bata pa ako last na nakapunta dito. lagi kasing busy tatay ko. kaya tuwang-tuwa ako ngayon. lalo na kasama ko pa si sir.

hinawakan ni sir ung kamay ko. ang lamboooott. "anong ride gusto mo?" sabi niya.

"kahit saan" sabi ko. "hmm dun tayo sa pirate ship" sabi ni sir sabay turo sa isang ride na may barko. pumayag nalang ako.

 pumayag nalang ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

pumila kami. parang gusto ko magbackout. pinanood ko ung mga tao na natili habang pataas ng pataas ung barko.

qaqo parang di lang tili magagawa ko jan pati pagmumura. :| pinasakay na kami sa ride. "ok ka lang ba dito?" tanong ni sir habang naghahanap kami ng pagpepwestuhan. "ok lang sir" hindi ok.

nagsimula na ung ride parang chill lang nung una tas nagsimula ng tumaas. pinikit ko ung mata ko at nyeta feeling ko mahuhulog ako. mahuhulog sa ride nde sa kanya kasi dati pa ako nahulog sa kanya char.

binuksan ko ung mata ko tapos napasigaw nalang ako. "AYOKO NAAA JUSQQQQ" sigaw ko. may narinig akong tawa galing kay sir. inirapan ko si sir. qaqo antaas naaa.

"PAKIBABA NA AKO DITOOO" sigaw ko ulit. tili ako ng tili buong ride. baka masira larynx ko dito jusq. nung natapos ung ride huminga ako ng malalim sa wakas tapos na.

binigyan ako ni sir ng mentos. "masaya ba?" tanong niya. "ok lang naman sir" sabi ko. "gusto mo pa ng extreme rides?" paganyaya ni sir.

gusto ko sabihin na ayaw ko kaso experience na rin to kaya pumayag ako. tas tinuro niya naman ung bilog na nagsiswing, di ko alam tawag. qaqo mas ayaw ko dito. pipiliin ko pa ung pirate shit na un kaysa dito

 pipiliin ko pa ung pirate shit na un kaysa dito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

rinig na rinig ko ung sigaw ng mga tao sa ride. "sure ka ba jan sir?, baka matanggal ung swing tapos lumipad tayo sa ere tapos iiwan mo ko sa ere cHaRoT" sabi ko.

"safe naman to natry ko na to" sabi niya. "wag ka magalala di kita iiwan sa ere" dagdag niya. aba humar0t si sir wooseok.

pumunta na kami sa ride. kingina dapat pala nagback out ako. parang hinahagis na kami ng hinayupak na ride nato deput—.

nung pagkababa namin ay agad akong nahilo feeling ko kailangan ko na sumuka nyeta. agad akong tumakbo sa basurahan at sumuka.

inalokan ako ni sir ng tubig. "kain nalang tayo baka sumaya ka" sabi ni sir. gutom na rin ako. nung 3:00 kami nandito, ngayon 5:00 na nyeta ang haba kasi ng mga pila.

"kailan ung fireworks display?" tanong ko kay sir. "mamaya mga 7:00" sagot niya.

habang nakain ay bigla niyang nilapit mukha niya. tumitibok na naman ang puso ko. nyeta wag ganyan sir baka umasa ako. tapos nilinis niya lang pala ung ketsup na nasa labi ko. wao kdrama ang peg.

nagtry pa kami magrides at triny rin namin ung ice skating. "marunong ka ba magiceskating?" tanong ni sir sakin. "hindi sir" sabi ko.

"alalayan nalang kita" sabi ni sir. pumasok kami sa ice rink. ang lamig dito brr. syempre ice rink to. "hawakan mo kamay ko, tuturuan kita" sabi ni sir.

hinawakan ko ung kamay niya at tinuruan niya ako mag ice skating. natuto naman ako. "try natin ung hindi kita hawak" sabi ni sir.

pero hawak niya parin yung kamay ko. nagtaka akong tumingin sa kanya. "nahawakan na kita bat pa kita pakakawalan" sabi ni sir. aNUEDAW?! keleg nemen eke ser.

"ha?" nagtaka kong sinabi. "wala, try mo na" sabi niya tumango nalang ako at binatawan ung kamay niya. nabalance ko naman sarili ko pero nadulas parin. sasakit pwet ko dito eh.

natapos na kami sa ice skating at pumunta kami sa fireworks display. pinanood ko ito. nagtaka ako kasi nakatingin lang sa akin si sir.

tinignan ko siya at nagtitigan lang kami. matutunaw ako niyan sir. "ang ganda ng fireworks pero mas maganda ka" sabi niya. "nambobola ka naman sir" sabi ko.

ewan ko bat pumipickupline si sir sa akin. "di ah" sUs. "may gusto nga akong sabihin sayo, sa tingin ko ngayon na yung tamang oras" sabi niya.

"ano un sir?" tanong ko. "sa tuwing nakikita kita may nararamdaman akong kakaiba habang natagal nalaman ko na pagmamahal na pala ung nararamdaman ko" sabi niya.

"mahal kita nayla" sabi ni sir. "mahal din kita sir" sabi ko. "tayo na?" tanong niya. "pwede naman.." sabi ko.

natuwa siya at niyakap ako. yumakap ako pabalik. tapos hinalikan niya ako sa labi. ansaya ko, yung taong mahal ko, mahal din ako.

SMUT : k.wsWhere stories live. Discover now