10

2.2K 29 8
                                    

--lee nayla

"hoy nakita mo ba ung post sa univ. files?"
"oo nakita ko"
"siya ba un??"
"oo siya un"

wrong timing pasok ko sa school amp. pagkapasok na pagkapasok andaming bulungan dapat pala late ako pumasok. para mga late comers lang makakakita sa akin.

nagbubulungan ung mga tao kapag nadaan ako sa kanila. nakapunta na ako sa room at mostly sa kanila di namamansin.

TIME SKIP.

ewan ko di talaga namamansin ung mga kaklase ko. ung mga kaibigan ko lang napansin sakin.

habang naglalakad ay nagulat ako kasi may humablot sakin.

nasa isang room ako ngayon. puro sirang chairs lang nandito. tambakan to, bat naman ako napunta dito. sumilip ako sa bintana at nakita ko na gabi na. parang kanina hapon lang ah siguro nawalan ako ng malay.

triny ko tumayo pero ansakit ng katawan ko. andami kong sugat sa binti.

"oh buti naman gising ka na" bungad ng isang babae. "bakit niyo po ako dinala dito?" tanong ko. mukhang mas matanda sakin ih. "ang galang naman" sabi nung isa tas nagtawanan anong nakakatawa dun? amp. 5 sila lahat naka uniform ng school produce univ.

"alam mo ba na dahil sa tatay mo ay nawalan ng trabaho nanay ko" sabi nung isa. wala naman akong kinalaman dun. "matagal ko ng gusto bawian ang school director pero buti nalang may anak siya na pwede kong bawian" sabi niya.

"baka di naman maayos magtrabaho malamang matatanggal un" bulong kong sinabi. tapos biglang niyang kinuha ung damit ko at inangat ako tangina di ako makahinga.

"anong sinabi mo?!" galit siyang sumigaw sa akin. ung mga kasama niya parang gusto siya awatin. bigla niya akong hinagis at napatama likod ko sa pader. tangmother ang sakit. di ako makalaban dahil napalakas niya.

nung papalapit na siya sa akin ay kumuha agad ako ng walis na nasa tabi ko at agad siyang hinampas sa ulo. pota nagalit pa lalo. oops parang mali ginawa ko.

sinapak at sinipa niya pa ako lalo at tuluyang nandilim ang aking paningin.

--kim wooseok

naikot ako ngayon sa school para tignan kung may estudyante pa sa school. habang naikot ako sa school may narinig akong bulungan sa isang room.

"hoy ano na gagawin natin"

"baka namatay nato"

"lagot tayo sa school director"

"pota bat kasi anlakas mo nakipagaw--"

agad akong pumasok sa room at nakita si nayla na puno ng sugat at pasa. nakaupo lang siya sa isang sulok at halatang nawalan ng malay. "anong ginawa niyo kay nayla" galit kong sinabi gusto ko silang sigawan pero bawal. "sorry po sir" sabi nila.

"ano section niyo?" tanong ko. "4-c po" sagot nila. "nandun pa adviser niyo sa faculty pumunta kayo dun o kung hindi mas lalaki sanction niyo" banta ko.

nung pagkaalis nila agad kong binuhat si nayla. tumakbo ako papunta sa parking ng school at nilagay siya sa kotse ko. pinaandar ko ito at pumunta sa ospital. nakapunta na ako ngayon sa ospital.

"kamag-anak ka po ba niya?" tanong nung nurse. "ah hindi po" sagot ko. "bawal ka po sir pumasok sa room kung hindi ka niya po kakilala" sabi niya. "boyfriend niya ako" nasabi ko.

yun lang talaga pumasok sa isip ko ngayon. baka sabihin mukha akong bata para maging teacher niya. pero pwede rin naman kaibigan. bakit boyfriend nalabas ng bibig ko amp. pero gusto ko lang naman maalagaan si nayla ngayon. mahalaga na siya sakin

"ah ganun po ba sir pwede na po kayo pumasok" sabi niya. tapos binuksan ung pintuan. pumasok ako.  "sayang gwapo pa naman" narinig kong sabi nung nurse habang naalis. di ko un papatulan ews.

SMUT : k.wsWhere stories live. Discover now