Book I Chapter 12: The... Date?

1.7K 11 0
                                    

The... Date?

Nang matapos ang movie na pinanood namin ay agad na kaming lumabas ng sinehan. Habang papalabas ay tinititigan ko si Cyrus dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang kasama ko siya sa panonood ng sine. Pagkalabas namin ay ilang sandali pa ay bigla nalang dumirecho si Joshua papuntang escalator.

"Sai, san pupunta si panget?" tanong ko kay Cyrus.

"Ah, uwi na daw siya." sagot naman niya sakin.

Napasang-ayon nalang ako sakanya at tinext ko naman si Joshua.

uy panget! bat bgla

k nlng umlis?

"Chloe, gutom ka na ba? Tara kaen tayo." pag-aalok ni Cyrus kumaen.

"Hindi pa ako gutom. Andami kong nakaing popcorn kanina eh. Hahaha. Ikaw gutom na ba?" tanong ko naman sakanya.

"Medyo. Kain tayo ah. Libre kita." sagot niya naman sakin.

"Wag mo na ako ilibre. Nakakahiya kaya." pagtanggi ko naman sa panlilibre niya.

"Ok lang yan. Minsan lang naman eh. Oh wag na aangal ah." pamimilit niya at hinila ako paalis.

Hindi na nga rin ako nakapalag sakanya kahit nahihiya ako.

Sa KFC kami kumain. Bumili siya ng tig-isang 1piece chicken para sa amin. Nagdadate ba kami? Date ba tawag dito? Waaa.. hindi ko alam. Basta alam ko masaya ko dahil kasama ko na naman si Cyrus.

Habang kumakain kami, nagsalita si Cyrus.

"Chloe.." pagtawag sakin ni Cyrus.

"Bakit?" pagtataka kong tanong sakanya.

Maya-maya'y inilapit ni Cyrus ang kanyang mga kamay saking mukha at tinanggal ang kanin sa gilid ng aking mga labi.

"Para kang bata kumain." pabiro niya sakin habang nakangiti.

Napatulala naman ako pagkatapos ng mga sandaling yun at maya-maya'y bumalik na ang katinuan ko.

"Hindi noh. Yabang nito." kunyaring pagsusungit kong sagot.

"Binibiro lang kita eh." sabi naman niya sa akin at masaya kaming nagkukwentuhan habang kumakain.

Nang matapos naming kumain ay tinignan ko ang cellphone ko kung nagreply na ba si panget pero wala paring reply kaya naman napagpasyahan kong itext siya uli.

reply nmn jan!

nagaalala kmi sau,

MEDYAS: A LOVE STORY *BOOK I*Where stories live. Discover now