Chapter 2

22.4K 412 8
                                    

Chapter 2

"Sino kayo? At asan ako? Bakit amoy fried chicken? Bakit amoy mayaman dito? Bakit naging katulong si Sarah? Asan si Crispin at Basilio? Mga anak kooooooooo!" At ayun nabatukan ako ng babae na kasama ko sa kwarto. Tinignan ko yung paligid ng kwarto, infairness, sobrang ganda. Mala-prinsesa ang interior ng kwarto. Maraming frills at ribbons sa kama at halos lahat ng furniture ay pambabae ang disenyo.

"Pwede kumalma ka? Para ka kasing baliw eh." Sabi nung babae. Maganda na sana eh, kaso medyo tomboy. 

"Eh sino ba kasi kayo? Kagabi nasa park pa ako ah! At yung mga damit ko!" At ayun nabatukan ulit ako.

"Sabing kumalma eh."

"Julia, tama na ang pagbatok sa kanya. Baka lumala." Sabi nung matandang lalaki. Di ko alam kung nilait ba niya ako or what pero mukhang lait nga yon. "Pagpasensyahan mo na si Julia. Ganyan lang talaga yan."

Wala pang sumasagot ng tanong ko! Asan nga ba kasi ako? Oo, gusto ko 'tong lugar na 'to, pero baka mamaya na-sindikato na pala akong hindi ko alam!

"Nasa bahay ka ng mga Fuentabella. Ako nga pala si James Fuentabella at siya naman si--" bago pa matapos yung matanda ay inunahan ko na siya.

"James? James Fuentabella? As in yung babes ng lola ko?" Tanong ko sa kanya. Tinignan ko siyang mabuti, pogi naman si tanda kapag pinabata mo. Maganda yung shape ng panga at matangkad din. 'Babes' ang tawagan nila noon ni Lola. Ewan ko ba dun kay Lola at pumayag siyang yun ang tawagan. Napaka-jologs at corny.

"Lolo, seryoso ka ba? Babes tawagan niyo nung Josephine?" Tanong nung isang lalaki. Infairness, gwapings! Halatang yayamanin pero mukhang mas matanda ng konti sakin. Mukhang naka-graduate na 'to ng college. Sayang, type ko pa naman sana. 

"Ano ka ba naman, Jude. Yan yung uso noon." Sagot nung matanda. Tumingin ulit siya saken. "Oo, hija, ako si James Fuentabella."

"Anong meron? Bakit niyo ako dinala dito?" Tanong ko.

"Hindi ba nasabi ni Josephine sayo?" Kunot-noong tanong niya. Josephine is my beautiful Lola. Sayang nga lang at hindi ako nagmana sa kanya.

"Ano ba yun?" Jusko, kinakabahan naman ako dito kay tanda eh! Pa-suspense pa siya ng mga sasabihin niya.

"Meron kaming pangako sa isa't isa. At yun ay ang magiging magasawa ang aming magiging apo." Sagot ni Lolo kaya naman napatulala ako. Uso pa ba yun?  Yan yung tinatawag nilang arranged marriage di ba? Eh di ba pang mayayaman lang yun?

Nagtaka naman sila nung bigla ulit akong humiga. Susulitin ko na tong kama dahil baka mamaya panaginip lang pala lahat ng to. Sulitin na natin yung magandang kama at mabangong kwarto. Minsan lang ako magkaroon ng panaginip na ganito ka-realistic.

"Hoy, anong ginagawa mo?" Tanong nung Julia saken.

"Matutulog ulit kasi feeling ko panaginip to eh." 

"Hindi ito panaginip, Lorraine." Sabi ni tanda. "Bago pa kami maghiwalay ni Josephine, ipinangako namin sa isa't isa na magpapatuloy ang aming pagmamahalan. Our relationship ended but our love will last."

Ang taray naman ng sinabi ni tanda. Mag mga ganyan pala talagang lalaki ano. Yung tipong matagal makalimot ng first love. Totoo ngang sweet siya. 

"Edi kawawa pala si lola kasi hindi mo siya minahal." Sabi nung Jude kay tanda. Oo nga no, kung mahal ni tanda lola ko edi parang hindi niya minahal yung naging asawa niya. Hay nako, mga lalaki talaga. Hindi maiiwasan ang pagiging chickboy.

"Don't get me wrong. Minahal ko ang lola niyo, yun nga lang magkaibang pagmamahal ang natanggap niya." Sagot ni tanda. Yes, magaling magpalusot si tanda. Tek nga, bakit ba tanda tawag ko sa kanya?

"So mapapangasawa ko tong lalaking to?" Tanong ko sabay turo kay Jude. Okay lang naman, pogi naman siya. Mukhang gentleman pa. Ready na ready na po yung heart ko tsaka ring finger ko para mapangasawa siya!

"Excuse me, miss. Di kita type." Sabi ni Jude. Aba, kahit mahirap ako maganda naman ako no! Kahit hindi ko kasing ganda si Lola, nako may ibubuga naman 'tong beauty ko!

"Edi sino?" Tanong ko.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki. Parang tumigil yung mundo ko nung makita ko siya. Dahan dahan akong napa-upo, at ganun din siya. Parang nag slow-mo siya sa harap ko. Grabe, Lord, may ability ka palang gumawa ng ganito kagwapong nilalang? Jusko ah! Don't tell me ito yung tinatawag nilang love at first sight? 

"Lorraine, meet Jordan. Ang iyong fiance."

The Endless ChaseWhere stories live. Discover now