Two: Mr. Secret

43 3 0
                                    

First and foremost I dedicate this to ate purpleyhan, my girl crush.  Hahaha. Minsanan lang ako magkaroon ng girl crush. Hahaha. Anyways, kudos talaga ako kay ms. author. Ang galing nya kasi talaga gumawa ng story. :))))))

---

Anja's POV 

Nasa airplane na ako at naka-upo na sa naka-assign na seat para sa akin. First time ko lang sumakay sa airplane. First time ko lang na mag-travel papuntang ibang bansa. 

Gaaahhh! Excited na ako. 

Kumuha ako ng bubble gam sa bag ko at kinain ito. Sabi kasi nila Rache baka daw sumakit yung tenga ko kaya mas mabuting kumain daw ako ng bubble gam. Sabi nya rin maglagay daw ako ng earphones at maging komportable lang ako. Naka-seatbelt na rin pala ako.

Nagsimula ng umandar ang eroplano. Medyo kinakabahan ako. 

Yay! Ito na! Japan here I cooommmmeeee!!!

Naka-pwesto ako ngayon dito malapit sa may bintana kaya tanaw ko ang mga ulap. Gusto ko ngang basagin yung bintana at hawakan yung ulap. Para kasing ang lambot. Para silang mga coton candy.

Dahil medyo matagal pa ang byahe matutulog na muna ako. Medyo nahihilo rin kasi ako.

\\\

Pagkatapos ng ilang oras na pagbabyahe nandito na rin ako sa wakas sa Japan! Whoooo! 

Gosh! Hindi ako makapaniwala na nandito ako ngayon sa isa sa mga gusto kong bansa. Ang land of the rising sun!

Nasa labas na ako ng airport. Tanghali na dito sa Japan. Medyo malamig rin ang hangin kumpara sa Pilipinas. 

Kinuha ko yung maliit na papel na nasa bulsa at tiningnan ito. Itong papel kasi na ito ay ang lugar kung saan ako titira. Pero bago yun kakain muna ako saglit. Nagugutom na kasi ako. 

Tumingin-tingin ako sa paligid kung saan may malapit na makakainan dito. At buti na lang may nakita ako. 

Inayos ko na ang gamit ko at pumunta na ako sa resto.

Bago ako pumasok sa loob tiningnan ko muna yung buong resto. Hindi naman ako mapili sa pagkain, basta may laman lang tong tyan ko okay na ako.

Pumasok na ako sa loob at tumingin-tingin kung may pwesto pa. Sa kabutihang palad may pwesto pa ito. Medyo madaming tao dito at karamihan puro Hapon, may mga nakikita naman akong mga kababayan ko.

Umupo na ako sa may malapit na pwesto dito at inayos ang gamit ko. 

Hay! Nakakapagod! Ang bigat-bigat at ang dami-dami ng dala ko. Buti nakayanan ko pa pumunta dito. 

Huminga muna ako ng malalim bago ako tumaas ng kamay at nag-signal sa waiter na mag-oorder ako. Nakita naman kagad ako ng isang waitress at pumunta kagad sya.

Searching For Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon