NOTE 1: #000 Aki's Fan

13 0 0
                                    

NOTE 1: #000 Aki’s Fan

(note»» eto yung POV as in “point of view” ng protagonist)

“Kiraaaaaayyy.. Achuchuchu..” pag-iinarte kong tawag kay Kiray habang hawak-hawak ang phone ko at nakadapa sa kama.

“Oh? Anong problema mo? Parang nadaanan ng pison at nawisikan ng asido ang mukha mo.”

“Napakagandang compliment naman nyan mula sa isang bestfriend”. Sarcastic kong sinabe habang nakahiga at pinaglalaruan ang keypad ng phone ko.

“Ano ngang nangyare at ngumangawa ka dyan?” tanong ni Kiray habang tinatanggal ang facial mask nya sa mukha. Facial mask nga diba kaya malamang sa mukha.

Andito lang naman sya sa bahay namen para makilagay ng facial mask. At di lang yan, malimit sya rito para masulyapan ang gwapo kong kuya Aerrone Montañes. Siya lang naman ang pinagnanasahan ni besty but unfortunately, may girlfriend na si kuya Aerrone.

Isang supah-hot-newbie model ang girlfriend nya. Hindi ko pa sya nakikilala kase ilang days pa lang sila at hindi pa nasubukan ni kuya na ipakilala ‘to samen. Palagi nya lang kinukwento saken. At dahil sa bad news na ‘to, eto ngayon si besty, sobrang nag-eefort na magpaganda at baka daw sakaling mag-dilim ang paningin ni kuya at hiwalayan si girlfriend nya and ta-da maging sila. Napakalakas ng determinasyon ng bestfriend kong ito.

“Si Aki my loves… may girlfriend na! oh gosh, gusto ko ng mamatay.” Nanlulumo kong sabi habang may hawak na fake knife sabay bagsak sa kama at umarteng patay.

“Gaga ka talaga! Aya, natatandaan mo ba ang reaction ko nung malaman kong may aswang na girlfriend si Aerrone?” Napaka-mala-antagonist naman ng dating ni Kiray sa pagsasabing *aswang* ang girlfriend ni kuya.

“Umm.. reaction mo? Umm, yung parang gusto mong pumatay ng dinosaur. Yun ba?”

“Err.. mali.” Sa totoo lang hindi ko na natatandaan ang reaksyon nya malamang tulog ako nun.

“I have three important thoughts.” Wow, thoughts pala hah. Ano namang thoughts ang pinagsasasabi ni besty. Aber.

“At ano naman yang mga thoughts na yan?”

“First, BEAUTY.”

“Beauty? Nakakain ba yan?” hay, dapat ba akong makinig sa lokang ‘to? Baka naging baliw na sya dahilan sa pagiging broken-hearted nya.

“Think you’re way better than everyone else. Just bear in mind that you’re the most beautiful dinosaur in the planet Nemic. Stay beautiful. No matter how sleepy you are, tiisin mo besty, kelangan mong maging maganda sa harap ng maraming tao lalo na kay Aki. Wag kang uutot at wag kang mangungulangot sa harap nya. Kumilos tao at babae ka, wag clumsy at careless.”

“Err, hindi ako dinosaur. Meron na ako nyan besty. Tingnan mo nga oh, umaapaw na. Hulaan ko ang sunod. Yun ba yung TRUTH?” Naman eh, kapag truth yan, magwawala ako.

“Nope! EFFORT.”

“Eh? Yan ba yung ginagawa mo ngayon? Anong mapapala ko sa ipot este effort na yan?”

“Gawin mo ang lahat para mapansin ka ng mahal mo. Walang mapapala kung mananahimik ka lang sa isang banda. Just do your best in whatever way na gusto mo. Gawin mo kung ano ang sa tingin mo ay makakaattract sa kanya. Do it in a simplest way. Yung tipong pa-mysterious ka pero sweet na sweet ang dating. Just give your all. Wala namang mawawala kung gagawin mo. Ma-reject ka man, at least nakagawa ka ng bagay na makapagpapasaya sa taong yun.”

Nakakapatulala si besty. Ito ba ang result ng pagiging heartbroken?

“Eh ano naman yung third? Wag mo akong bibiguin dyan besty.”

“Ahem.. Umm. LUCK!”

Napatakip naman ako ng kumot ng marinig ko ang last thought nya. “Whaaaaat? Seryoso ka besty? Wala ako nyan. Paano na?” Sinasabe ko na eh, masama talaga ang kutob ko sa pangatlo. Hay.

“Aya, anuman ang mangyare, magka-landslide man, tsunami o tornado, susuportahan kita. Kaya naten ‘to.”

“Waaaaaaaaaaalllllaaaaaaaa na talaga besty. Loser na ako.”

“Best, chillax. Being sad is a big waste of time. Ang kelangan mo ngayong gawin ay alamin kung sino ang girlfriend ni Aki. Okay?”

Tama si besty, hindi ko pa nga kilala yung rumor girlfriend ni Aki.

“Teka, may team practice sila bukas besty. Wag mong sabihing papakabog ka sa ibang fans?”

“HINDEEEE!!”

Napasigaw na lang ako sa sinabe ni besty. Sabay tayo sa kama at “I’ll do whatever just to be with Aki my l♥ves. Aki. Here I go, the #000 fan mo. Hindi ako papakabog kahit kanino. No matter what happen, I’ll take the risk. Kahit pa sandamakmak na mukhang octopus ang kalabanin ko, ako si AYA, ang maganda at matinong fan ni Akihiro.  AKI.. AKIN KA NA LANG. PWEDE? *evil laugh*☻”

“Ikaw na besty, walang tatalo sa’yo pagdating kay Akihiro.”

NOTE TO AKIHIROWhere stories live. Discover now