Introduction

26 0 0
                                    

INTRODUCTION

“Vrrrrssshzzzhkrrrrrrrrr..”

“Hay, ano ba naman yan. Nakatulog na naman siya. Bina-vitamins ba nya ang sleeping pills?”

Sinipa, hinampas, sinabunutan at kinarate ko na sya pero hindi pa rin magising-gising ang taong to. Akong bestfriend nya ang nahihiya sa mga pinaggagagawa nya.

Dahil natutulog si Aya, hayaan nyong ipakilala ko sya.

She’s Ayabelle Montañes. Just call her Aya for short. Ang babaeng walang kapaguran sa pagtulog at pagnananasa kay Aki. Bestfriends na talaga kame kahit nasa tyan pa lang kame ng nanay namen. XD

We’re in the same class, same year and same course. We’re in 3rd year college and taking Hotel and Restaurant Management.

Aya is so obsessed when it comes to Aki. She gets so fussy pagdating sa ultimate lovey dovey crush nya. In all balderdash she’s doing, karamay ako kahit na hindi ko naman ganung ka-idol at hinahangaan si Aki. Karamay ako sa mga punishments na natatamasa nya at all time.

Akihiro a.k.a Aki Inoue is one of the heart-throb here in New Beverly Academy.

He’s the toughest among the toughest and terribly inhumanly handsome tennis player here and I guess among prestige universities. He’s a Filipino-japanese student here sa sikat na sikat na New Beverly Academy. Sa pagkakaalam ko eh nasa same year din lang kame and he’s taking Tourism ibig sabihin nasa same department kame.

At ako? Hayaan nyo akong magpakilala. Ako lang naman si Kimberly “Kiray” Raynolds ang nag-iisang bestfriend ni Aya sa balat at bedrocks ng tinubuang lupa.

Ako lang ang abnormal na taong nakikihalubilo sa isang hibang kagaya ni Aya na walang ginawa kundi matulog, umutot sa klase, mangulangot sa kung saan at mag-gangnam style sa tennis court.

“hey. WAAAAAAAHH.” Nagising ko yata si Aya. Napakalaki ng bunganga nya kapag humihikab. Sya talaga ang bestfriend ko. Ang WALANG-HIYA kong bestfriend na hindi nahihiyang ipakita ang totoong sya.

Nakaupo lang kame dito sa pavement malapit sa tennis court. At gaya nga ng nasabi ko, napaka-antukin nitong si Aya. Walang pinipiling lugar o oras.

NOTE TO AKIHIROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon