Chapter Seven

2.8K 27 2
                                    


         Nagambala ang tulog ni Cyrene sa pagtunog ng ringtone niya. Puyat pa siya at inumaga siya sa pagtapos ng reports na kailangan niya sa presentation niya para sa isang business proposal sa susunod na araw. Inaantok na kinapa niya ang cellphone niya sa headboard ng kama.
        “Hello,” nakapikit pa ang matang wika niya.
        “Good afternoon sweetie,” wika ni Greg sa kabilang linya.
        Ang antok na nararamdaman niya ay biglang napalis at napalitan ng inis at ito pa ang gumambala ng tulog niya.
        “Kung kanina good ang afternoon ko ngayon bad na cause I just heard your disgusting voice,” inis na wika niya ditto.
        “Ouch. Ang harsh mo namang magsalita sweetheart,” wika nito sa tonong kunwari ay nasasaktan.
        Naiinis na napaupo siya sa kama niya. “Cut the act Greg. Linggong linggo iniistorbo mo ako sa pamamahinga ko. Bakit ka napatawag?”
        “Oh my fiancée is so cold. By the way hindi ka ba na-inform ni Auntie na ngayon tayo susukatan ng mga damit para sa kasal natin?”
 
        “Kailangan pa ba iyon? Kayo naman ang may gusto sa kasal na yan kaya kayo na din ang magpasukat. Total hindi niyo naman hiningi ang opinion ko kung magpapakasal ba ako sa iyo o hindi kaya huwag niyo na din akong isali sa sukatan at mas gugustuhin ko pang matulog,” mahanghang niyang sabi dito.
        “Tsk tsk tsk. Too bad sweetheart our marriage is set now. You will ba Mrs. Greggory Ethan Arne in the next few months and you better be ready to be my wife,” ipinagdiinan pa talaga nito ang huling kataga.
        Mapait siyang napangiti. “Oh I’m more than ready Greg. I will be very much willing to make your life so miserable that you will wish to never be born in this world.”
        “Is that so? Then you’ll have to get your measurements for your wedding gown sweetheart and I am also excited on how can you make me miserable,” he said and let out a mocking laugh that annoyed her more.
        “That good news then. At least everything is straight out before we get to this stupid marriage,” she said not bothering to show her annoyance towards him.
        “Being married to you is not stupid sweetheart. At least not to me. So be a good girl and I’ll pick you up to get our measurements together, okay?”
        Napabuntong hininga na lang siya sa inis. Tuluyan na talagang nasira ang araw niya. “Whatever. You don’t have to pick me up. I have my own car so just give me the location and time.”
        Pagkatapos nitong idikta ang address ng boutique at kung anong oras ang appointment nila ay agad niyang pinutol ang tawag kahit hindi pa siya nakakapagpaalam ditto. What’s the use eh sinira nito ang araw niya kaya theres no need to be polite to him anyays.
 
        Nang tiningnan niya ang orasan 1:30 na pala ng hapon kaya may thirty minutes pa siyang gugugulin sa pag-aayos. Gusto niyang magpalate para inisin ang binata. Ngunit may mas maganda pa siyang ideya kung paano ito mas lalaong inisin. Napangiti siya sa naisip. Agad siyang d-in-ial ang number ng taong tutulong sa kanya para sirain ang araw ni Greg.
HINDI MAPIGILANG MAINIS ni Greg habang nakaupo sa sofa ng boutique ng sikat na wedding designer na si Monique Lhuiller. Kanina pa niya hinihintay si Cyrene pero kahit anino nito hindi pa rin nagpapakita. Isang oras na itong late kaya naman inis na inis na siya kaya naman nauna na siyang magpasukat dito para naman mas hindi lalong nakakahiya sa napaka-busy na designer.
 
                Agad siyang napatingin sa labas ng shop ng makarinig siya ng ugong ng sasakyan. Bakas ang relief sa mukha niya ng makitang kotse na iyon ng fiancée. Ngunit agad siyang napakunot noo ng makita na isang lalaki ang umibis mula sa sasakyan at inilalayan pa ang mapapangasawa niyang bumaba.
                Bakit kasama nito ang half-breed human being na pumunta dito? Hindi mapigilang ngitngit niya sa sarili.
                “You’re late,” agad na wika niya ng makapasok ang dalaga sa shop.
                “Do I have to say sorry that I’m late?” she said with a mock of innocence in her eyes.
                Nang mapansin nitong hindi niya nilulubayan ng tingin ang kasama ay isinukbit pa nito ang balikat sa lalake.
                “I believe that you haven’t meet Dwight yet. Dwight this is Greggory Ethan Arne Ledesma my arranged fiancé. Greg this is Dwight Johnson my close friend,” pakilala nito sa kanila at isinukbit pa talaga ng dalaga ang kamay sa braso ng hudyong half-breed na ito.
                Iniabot naman ni Dwight ang kamay sa kanya para makipagkamay pero tinitigan niya lang iyon. Kaya naman binawi na lang ng nauna ang kamay nito.
                “Why are you with him?” hindi mapigilang tanong niya sa dalaga.
 
                “Oh I forgot to tell you that Dwight lives near this area kaya naman nag-request akong magpahatid sa kanya dito kaysa naman maligaw ako sa pagpunta dito,” she said in a manner na para bang hindi big deal na may iba itong kasamang lalake sa pagpunta ditto.
                Ito maliligaw? You gotta be kidding me.
                Magkatabi pang naupo ang dalawa sa sofa. Kinuha ng dalaga ang folder na naglalaman ng designs ng mga wedding gowns at tiningnan.
                “Prince what do you think of this design?” tanong nito sa katabi na mas lalong ikinainis niya.
 
                Siya ang fiancé nito pero bakit sa ibang lalake ito nanghihingi ng opinion para sa gagamitin nitong wedding down sa kasal nila? She is really making him mad.
                “Princess whatever you wear will look good on you. You will be the prettiest bride ever,” wika naman ng binata at nagngitian pa ang dalawa ng matamis.
                At may endearment pa talaga ang dalawa. Sila ang ikakasal pero kung ituring siya ng mga ito ay parang sabit lang siya sa lakad na ito.
                “Why are you asking him what gown will you wear when you’re fiancé is here?” naiinis na niyang tanong ditto.
                “Oh I’m sorry nandiyan ka nga pala,” wika naman ng dalaga na parang mas lalo pa siyang iniis. “Nakalimutan ko kasing kasama pala kita. Alam ko naman kasing wala kang pakialam kung ano man isusuot ko basta makasal ako sa iyo kaya I am asking my Prince na lang.”
                What the fuck? Did she just called him her prince? Doon na naputol ang pagtitimpi niya. “Excuse us,” wika niya sa binata at hinila ang dalaga. Kinaladkad niya ang dalaga papunta sa lugar kung saan sila makakapag-usap. Naiwan naman si Dwight na nakangiting napapailing.
                What a complicated love affair, naisaloob nito.
                “Bitiwan mo ako Greg. Ano ba nasasaktan ako,” wika ng dalaga at pilit kumakawala sa pagkakahawak niya.
 
                Nakita niyang nakabukas ang restroom ng shop kaya pumasok sila doon. Ni-lock niya ang pinto at tuluyan ng binitawan ang dalaga.
                “What the hell was that?” agad niyang tanong ditto.
                “Ano bang ipinagsasabi mo?” she said with fiend innocence.
                “Bakit may kasama kang ibang lalake at bakit sa kanya ka nakadikit kahit nasa harap mo ako?” galit na tanong niya ditto.
                “Sinabi ko naman sa iyo kanina kung bakit ko siya kasama di ba? Saka wala kang pakialam kung nakadikit man ako sa kanya,” sikmat naman sa kanya ng dalaga.
                “Anong wala akong pakialam? I have every right Cyrene at ako ang fiancé mo,” bulyaw niya ditto.
 
                “Really?” she asked. “I was your fiancée four years ago Greg and that did not stop you to have many flings kaya naman huwag mong gamiting rason sa akin iyan ngayon para hindi ako makipaglapit sa kung sino man ang gusto ko.”
                Natigilan siya sa sinabi nito. “But that doesn’t count Cy. Hindi ko pa nare-realize na mahal kita ng mga panahong iyon kaya naman nagawa ko iyon.”
                “Talaga lang huh. Bakit sa mga panahong iyon ba naisip mo ba sa mga panahong iyon na may fiancée kang parang tanga na nag-aantay sa pagbabalik mo at umaasang mamahalin mo rin?” puno ng pait na sabi nito.
                Napipilan siya sa sinabi nito. Nakita niyang bumalatay ang sakit sa mukha nito. Alam niyang nasaktan niya ang dalaga sa mga panahong iyon pero masakit din pala na ipamukha sa kanya ang pagkakamali niya. Masakit din pala na sumbatan ka na kaya naghihirap siya na makuha uli ang pagmamahal nito dahil sa sariling kagagawan mo.
                Nilapitan niya nito at pilit hinawakan ang dalaga ngunit maagap na umiwas ito. “Don’t you dare touch me. Ano pa ba ang gusto mong palabasin Greg? After three years na umalis ka pagkatapos mo akong saktan babalik ka na parang walang nangyari at muling ipagpipilitang makasal sa akin? Ano pa ba ang gusto mong mangyari?”
                “I love you dammit,” hindi niya mapigilang magmura sa sobrang frustration na nararamdaman. “I came back to make things right.”
 
                Sarkastikong ngumiti ito sa kanya. “You can’t expect me to believe that you love me after leaving me for four years with a broken heart. Nagpapatawa ka naman Greg.”
                “I admit that I was wrong for giving you so much pain that is why I am making amends now. Bumalik ako Cy para bumawi sa lahat ng pagkakamaling nagawa ko. Alam kong sobrang nasaktan kita noon kaya handa akong gawin ang lahat para lang mapatunayan sa iyo kung gaano kita kamahal kaya huwag mo naman akong pigilan na gawin iyon,” pagsusumamo niya.
 
                Nakita niyang unti-unting namuo ang luha sa mga mata ng dalaga. “But why only now Greg? Ang tagal kong naghintay para mahalin mo lang ako. Ang tagal kong umasa na magkakaroon ng happy ending ang nararamdaman ko para sa iyo at ngayong tanggap ko na walang kahahantungan ang feelings ko sa iyo babalik ka parang walang nangyari at basta mo na lang uli bubulabugin ang nananahimik kong buhay? Ano ba talaga ang gusto mong gawin ko para tantanan mo lang ako?” puno ng hinanakit na tanong nito habang walang pigil ang pagdaloy ng luha.
                Hindi niya kayang makita ito sa ganoong sitwaysyon na nasasaktan ito ng labi ng dahil sa kanya. Tuluyan na niyang hinila ito at isinubsob sa kanyang dibdib hindi alintana ang pagpupumiglas nito. Pilit nitong pinagsusuntok ang dibdib niya kaya hinigpitan niya ang yakap ditto. Kung gusto nitong saktan siya ng pisikal ay papayag siya kung makakatulong iyon para gumaan ang nararamdaman nito.
                Huminto ito sa pagdamba sa dibdib niya marahil sa pagod ngunit naririnig pa rin niya ang mahihinang hikbi nito. Sobrang nasasaktan din siya na nakikitang naghihirap ang kalooban nito.
                “Sana hindi ka na lang bumalik. Sana hindi mo na ginulo pa ang buhay ko. Sana nakontento ka ng hayaan akong mag-isa,” mahinang wika nito habang yakap-yakap pa rin niya.
                Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at inangat ang mukha nitong nabasa sa luha. Hinawi niya ang magulong buhok nitong tumatabing sa mukha nito.
                “Alam kong dapat hinayaan na lang kita at hindi na sana ako bumalik pa para makabawi man lang sa lahat ng sakit na naidulot ko sa iyo. Pero alam ko rin na patuloy mo akong kakamuhian kapag ginawa ko iyon. Kaya ako nagbalik para patunayan sa iyong mahal na mahal kita,” wika niya na puno ng pagmamahal.
 
                “I admit I was such a jerk for hurting you. Nang hindi mo tanggapin ang proposal ko four years ago para akong pinagsakluban ng langit. Sobrang nasaktan ako pero tinanggap ko iyon because I deserve to be rejected after all. Nang mawala ka sa buhay ko doon ko naramdaman ang sobrang pangungulila para sa iyo. Hindi mo lang alam kung gaano katakot sa tuwing mababalitaan kong may lalaking nanliligaw sa iyo. Takot akong baka maagaw ng lalaking iyon ang pagmamahal mo na dati kong ay binabalewala ko lang. At noong akala ko na tama na ang binigay ko sa iyong panahon para mag-heal ang sugat na ginawa ko noon, bumabalik ako sa iyo ngayon para patunayan na mahal kita. Wala akong pakialam kahit maghintay pa ako ng matagal para mahalin mo ako uli basta makasama lang uli kita,” mahabang patuloy niya.
                “Bakit ang tagal mong bumalik? Ang tagal ng apat na taon Greg ang pinalipas mo bago mo naisipan na suyuin ako. Hindi ko alam kung dapat ko nga ba talagang paniwalaan ang lahat ng sinasabi mo,” wika nito na hindi pa rin maawat sa pag-iyak.
                Napangiti siya sa tinuran nito. Parang nabuhayan siya ng pag-asa sa sinabi nito. “Alam kong natagalan ako sweetheart. Pero naduwag ako. Nang mga panahong iyon takot akong harapin ka. Baka naman kasi ipa-salvage mo na ako kapag sinuyo kita noon. Galit nag alit ka kata sa akin noon.”
                “Hindi ko alam na naduduwag ka pala sa akin Greg. Ang laki mong tao pero natatakot ka sa akin,” she said while pouting her lips.
                Hindi niya mapigilan na halikan ito pero sandal lang ang halik na iyon at hinampas siya nito sa ulo.
                “Aba Mr. Ledesma hindi pa nga kita napapatawad nanghahalik ka na. Pwede na kitang kasuhan ng sexual harassment ngayon,” wika nito sa mataray na tono.
                “Halik pa nga lang nagtataray ka na. Baka sa honeymoon natin hindi mo ko paiscorin,” kunwari ay nagrereklamong wika niya.
 
                Namumula ang mukhang hinampas nito ang balikat niya. “Anong honeymoon ang pinagsasabi mo? Hindi ka pa nga tapos mag-explain sa akin score na agad ang iniisip mo.”
                “Huh? Hindi pa ba tapos? Sa haba ng sinabi ko kanina akala ko iyon nay un. Ano pa bang gustong malaman ng mahal na reyna?” wika niya at kinurot ang pisngi nito.
                Agad naman nitong hinawakan ang kamay niya at tiningnan siya ng seryoso. “Talaga nga bang mahal mo ako?”
 
                “Mahal? Sinabi ko bang mahal kita?” tukso niya ditto na ikinainis naman agad nito.
                “Wala ka talagang kwentang kausap! Magpakasal kang mag-isa! Babalik na lang ako kay Dwight at yayain ko siyang pakasalan ako!”
                Akmang tatalikod agad ito nang yakapin niya ito mula sa likod. “Ano ba bitiwan mo ako! Huwag mo na din akong kakausapin kahit kalian!” wika nito at pilit nagpupumiglas.
                “Mahal na mahal na mahal kita Cy. Sorry kung nasaktan man kita noon pero pangako wala akong ibang gagawin ngayon kundi makabawi sa iyo at ipadama sa iyo kung gaano kita kamahal,” seryosong sabi niya. “Kaya please lang huwag mong sabihin na hindi ka na magpapakasal sa akin at magpapakasal ka sa half breed na iyon.”
                Ibinaba nito ang mga braso niyang nakayakap ditto at hinarap siya. “Nagseselos ka ba kang Dwight, Greg?”
                “Sino bang hindi magseselos? Sobrang close mo sa kanya tapos prince at princess pa talaga ang tawagan niyo. Samantalang noon ni wala ka man lang endearment para sa akin. Tapos noong welcome party pa sa bahay ang sweet niyo pang nagsasayaw. Kaya oo nagseselos ako ng sobra-sobra sa mestisong bangus ng iyon,” parang batang sabi niya.
                Nakita niyang lumuwak ang ngiti nito sa sinabi niya. “Anong gagawin mo kapag sinabi ko sa iyong boyfriend ko si Dwight?”
 
                Bigla siyang kinabahan sa tanong nito pero agad naman niyang pinalis ang kabang iyon. “Kung boyfriend mo man siya, malas lang niya. Aagawin kita sa kanya at sa gwapo kong ito wala siyang kalaban-laban sa akin,” confident na wika niya.
                Sinimangutan siya nito. “Ang yabang mo talaga. For your information mas gwapo sa iyo si Dwight noh! Gentleman, malambing at hindi pa katulad mong pakipot. Kung ako ang papipiliin siya—
                Hindi na nito naituloy ang sasabihin nito dahil siniil na niya ito ng halik. Sinamantala niya ang pagkakabukas ng bibig nito para lalamiman pa ang halik. Akmang itutulak siya nito ngunit maagap niyang hinawakan ang mga kamay nito at isinampay sa balikat niya. Kapwa sila hinihingal ng matapos ang maalab na halik na iyon.
                Nakasandal ito sa hamba ng pintuan ng restroom habang  naka-trap ito sa mga nraso niyang nakatukod sa magkabilang gilid ng ulo nito.
 
                “Ngayon mo sabihing sa akin na siya pa rin ang pipiliin mo,” hinihingal pa rin niyang hamon sa dalaga na hindi pa rin nakakabawi ng composure.
                “Bakit anong gagawin mo kapag sinabi ko uli iyon?” naghahamon din tanong sa nito sa kanya.
                Pilyo siyang ngumiti ditto. “Kapag sinabi mo pa uli iyon hahalikan kita hanggang sa wala ka ng ibang laman ang isip mo kundi ako lang. Malay mo maka-advance pa ako sa honeymoon.”
                Namula ang dalaga sa sinabi niya. “Pervert,” she hissed at mas lalo pa itong namula.
                Hindi niya tuloy mapigilan ang sariling tuksuhin ito. “Asus kunwari ka pa. Muntik na ngang may mangyari sa atin noon di ba kay huwag ka ng mahiya pa.”
                Tiningnan siya nito ng matalim. “Shut up!” bulyaw nito sa kanya na ikinatawa niya.
                “Nahiya pa. Naalala ko lang naman. Grabe ka nga makaungol noon eh akala ko mabibisto tayo nila Unle noon sa sobrang lakas mong makaungol noon.”
                Para ng hinog na kamatis ang mukha nito sa sobrang pula. “Greggory Ethan Arne Ledesma will you please shut your fucking mouth,” wika nito na may halong pagbabanta na.
 
                Natatawang itinaas niya ang dalawang kamay.” Okay, okay I’ll shut up. But first you have to say that you love me.”
                “And what if I don’t?” naghahamong tanong nito sa kanya.
                Mas lalo niyang inilapit ang mukha niya ditto. “Huwag mo akong hamunin Cy. Hindi mo alam kung ano ang iniisip kong gawin sa iyo ngayon kaya sabihin mo ng mahal mo ako.”
                “I, I-,” wika nitong nauutal.
                “You what?” bulong niya sa tainga nito.
                “I love you,” diretsong wika nito at agad na pinihit ang seradura na nasa likod nito at tumatakbong lumabas.
                Malawak ang ngiting naiwan siyang sinusundan ng tingin ang dalaga.
                You’re still so sly sweetheart. I promise next time you won’t get away from me, napapailing na naisaloob niya.
                Ilang minuto na siyang naiwan doon pero para pa rin siyang tanga na nakatayong nakangiting mag-isa. Wala siyang pakialam kung mukha man siyang sira ulo basta sobrang saya niya na sa nalaman na mahal pa rin siya ng dalaga.
 
                Ngayon na alam niya na wala pa ring nagbago sa feelings nito ay para siyang lumulutang sa alapaap. Hindi tuloy siya nakaganti sa “I love you” nito at tumakbo ito agad. Pero di bale marami pa namang pagkakataon.

Whipped by You (To be Published under Precious Hearts Romances)Onde histórias criam vida. Descubra agora