chapter 6

2.8K 30 3
                                    


Halos marindi si Cyrene sa katutunog ng cell phone niya kinabukasan pagkatapos mai-announce formally ang engagement nila ni Greg. Lahat yata gustong makibalita kung totoo ba na ikakasal siya at kailan nakatakda ang kasal.
                Sinagot niya lang iyon ng makita niyang si Janet ang tumatawag.
                “Totoo ba ang nasagap kong balita bestie? Tuloy daw ang kasal ninyo ni Greg?” agad na tanong nito pagkatapos niyang sagutin ang tawag nito.
                Napabuntong hininga siya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung papaano niya sisimulang ipaliwag sa kaibigan ang lahat ng nangyari.
                “Mahabang istorya bestie.”
                Pumalatak naman ito. “Kahit gaano pa yan kahabang storya bestie handa akong makinig.”
                Hindi ito makapaniwala ng ikinuwento niya dito ang mga nangyari ng mga nagdaang araw.
                “OMG! As in Oh my God! Talagang bumalik siya para patunayan sa iyo bestie na talagang mahal ka niya.”
                She grunt at her friend. “Mukhang malabo bestie. Kung talagang totoo na minahal niya ako noon, bakit napakadali sa kanyang iwan ako ng sinabihan ko siyang tantanan na niya ako. Dapat man lang sinuyo niya ako kahit konti.”
                “Sabagay,” sang-ayon nito. “Ikaw din kasi masyado kang pakipot. Inalok ka na nga ng kasal tinanggihan mo pa eh, alam ko namang hanggang ngayon mahal mo pa rin siya.”
                “Hindi ah,” agad na deny niya sa sinabi nito. “Wala na akong feeling sa kanya. Saka masyadong hindi kapani-paniwala na mahal niya ako tapos sinaktan niya ako ng sobra. Hindi ganoon ang pagmamahal.”
                “Eh, bakit ka pumayag na magpakasal sa kanya ngayon kung hindi mo na siya mahal?”
                An evil smile appeared on her lips. “Sinong may sabi na payag ako? I have a plan bestie.”
                Napatawa ito ng mahina sa kabilang linya. “Sinasabi ko na nga ba. Hindi ka basta-basta padadaig kang Greg pagkatapos ng lahat. So what’s your brilliant plan my evil friend?”
                “Ipaparamdam ko sa kanya ang lahat ng sakit na idinulot niya sa akin. I will make him suffer until he beg for mercy. And I will make his heart bleed ten times more pain that he caused me.”
                “But let me just remind you friend, walang maidudulot na maganda ang paghihiganti. Sabi pa nga ni Confucius ‘before you embark on a journey of revenge, dig two graves’. Baka magback fire sa iyo ang mga plano mo.”
                Siya naman ang napatawa dito. “Never my friend. Tapos na ang panahon na sobrang minahal ko siya. This time around, siya naman ang paglalaruan ko. This is my only chance of getting payback from him and I won’t mess this up by falling in love with him again.”
                “Sigurado ka?” diskumpiyadong tanong nito sa kanya.
                “Sure na sure bestie. Kaya huwag ka ng kumontra at suportahan mo na lang ako.”
                “Okay I’m on your side bestie. So what’s the master plan?”
                “Just wait and see bestie. This is gonna be a one hell of a ride.” And she evilly smirk as her mind plotted a plan to make the guy who broke her heart suffer.
 
KINAKABAHAN SI GREG HABANG NAGMAMANEHO NG SASAKYAN. Ngayon ang pamamanhikan ng pamilya nila para pormal na hingin na sa mga magulang ni Cyrene ang kamay ng dalaga. Matagal na silang engage nito kaya hindi niya ine-expect na kakabahan pa siya ng ganito sa pamamanhikan pa lang.
                Paano na lang kapag hindi pumayag ang dalaga? The last time that he saw her at the party she wasn’t happy at the idea of marrying him. Baka bigla itong magback out mamaya.
                Naputol ang pagmuni-muni niya ng mapansin na malapit na sila sa bahay ng dalaga. Agad naman silang sinalubong ng mga magulang nito pero hindi niya nakita ang dalaga.
                “Si Cyrene po, Uncle?” hindi nakatiis na tanong niya.
                Ang ina na ng dalaga ang sumagot. “Nasa taas pa hijo. Alam mo naman ang mga babae inaabot ng oras para magpaganda.”
                Nakahinga siya ng maluwag sa narinig. Inaya na sila ng mga ito sa sala at doon na nila hinintay ang pagbaba ng dalaga.
                “Kumusta ka na Greg?” nakangiting tanong sa kanya ni Aunt Cheska.
                Sasagot sana siya ng bigla siyang mapatingin sa hagdan. Ang balak niyang pagsagot ay nabitin ng makita niya ang dalaga. Bakit para yatang mas lalong gumaganda ang dalaga sa paningin niya.
                Tumikhim ang ama ng dalaga. “Ah, hijo kung gusto mo pwede mong salubungin ang mapapangasawa mo.”
                Napapahiyang napayuko siya. Natulala siya sa dalaga sa harap pa man din ng mga magulang nito. Gayun pa man ay sinalubong niya ang dalaga ay inalalayan itong makaupo sa sofa. Hindi naman ito nagreklamo ng tumabi siya dito.
                “Brod yaman namang mukhang patay na patay sa anak mo ang anak ko gusto ko sanang itakda ang kanilang kasal sa lalong madaling panahon,” wika ng kanyang ama kang Uncle Gab.
                Sumang-ayon naman ang ama ng dalaga. “Tama ka diyan Brod. Yaman na man lang na nasa tamang edad na ang dalawang ito dapat na siguro silang ikasal.”
                “Kailan mo gustong ikasal, sweetheart?” tanong niya sa dalaga.
                Nagkibit-balikat lang ito. “Kayo ang bahala. Tutal naman napagkasunduan niyo ng ikasal ako sa iyo bakit hindi na lang kayo din ang magdesisyon kung kailan?”
                Nasaktan siya sa sinabi nito ngunit hindi niya iyon ipinakit dito. “Kung mamarapatin niyo po sana Uncle Gab, gusto ko pong ikasal kami after three months time. Gusto ko pong maibigay kang Cyrene ang enggrandeng kasal na pinapangarap niya.”
                “Oo nga naman mare,” sang-ayon ng kanyang ina. “Minsan lang ikasal ang isang tao kaya naman dapat maging magarbo iyon. Payag ka ba hija?”
                “Kayo po ang bahala,” tipid na sagot nito.
                Napangiti ang kanyang ina. “Hayaan mo hija kami na ang bahala sa pag-aasikaso ng kasal niyo ng anak ko. Kami na ng ina mo ang maghahanda para hindi kayo masyadong mai-stress sa araw ng kasal ninyo.”
                “Mare, hindi pa man ay excited na ako sa kasal ng mga anak natin,” wika ni Aunt Cheska. “Parang kailan lang na kabuntot nitong si Greg si Cyrene tapos ngayon ay ikakasal na sila.”
                “Oo nga mare. Ang bilis ng panahon. Excited na din akong magkaapo,” sagot naman ng kanyang ina na ikinasamid nila ng dalaga.
                Natawa ang mga ama nila. “Kayo talaga. Wala pa ngang kasal apo na kaagad ang pinag-uusapan ninyo. Tingnan niyo ang tuloy nasamid ang dalawa,” nakangiting wika ng ama ng dalaga.
                Nag-blush naman ang dalaga. “Uncle naman huwag kayong mag-usap ng ganyan sa harap namin tingnan mo si Cyrene nagbu-blush na,” he said teasing her.
                Cyrene glared at him. “Tumigil ka nga Greg kung ayaw mong ipatapon kita sa labas ng bahay namin.”
                Tumawa siya sa reaksiyon nito. “Okay sweetheart. Takot ko lang sa iyo.”
                “Why don’t we talk in the balcony mare? Doon na tayo magkwentuhan para naman mabigyan natin ng privacy ang dalawang ito,” wika ng ina nito at iginiya na ang mga matatanda papunta sa balcony.
                Naiwan sila ng dalaga na magkatabi pa rin sa sofa. Hindi niya maiwasang mapatitig dito at pinag-aralan ang anyo nito. Sobrang na-miss niya ito sa loob ng apat na taon na hindi niya ito nalapitan. Kung pupwede nga lang ikulong niya agad ito sa bisig niya ay ginawa na niya ngunit alam niyang hindi niya iyon pupwedeng gawin ng walang permiso ng dalaga. Ayaw niyang kamuhian siya ulit ng dalaga kaya naman hangga’t maari ayaw niyang magkamali.
 
“WHAT? DON’T YOU KNOW IT IS IMPOLITE TO STARE?” hindi nakatiis na sikmat ni Cyrene kay Greg. Kanina pa siya nito pinagmamasdan.
                “I miss you sweetie.”
                She smirked at him. “Talaga lang huh. Kaya pala hindi ka nagpakita sa akin within four years tapos ngayon sasabihin mo sa akin na namiss mo ako. Cut the act Greg. Wala na ang mga magulang natin sa paligid kaya hindi mo na kailangang magpanggap.”
                Napahigit ito ng malalim na hininga bago ginapgap ang kamay niya. “I am sorry sweetheart. Kaya ako lumayo noon para bigyan ka ng sapat na panahon para patawarin ako. Alam kong hindi ganoon kadali para sa iyong patawarin ako pero I swear gagawin ko ang lahat para mapatawad mo lang ako.”
                “Oh really? Paano kung sabihin ko sa iyong may mahal na akong iba Greg? Papakasalan mo pa rin ba ako?”
                He jaws tightened with the thought that she loves someone else. “I’ll still marry you. You are only mine. Kung may mahal ka ng iba pwes gagawin ko ang lahat para mawala ang pagmamahal mo sa kanya at ako muli ang mahalin mo.”
                She smiled sarcastically. “Let’s just see Greg. Dahil kung ako ang tatanungin mo wala ka ng magagawa pa para maibalik ang pagmamahal na iyon.”
                “Hanggang ngayon pa rin ba Cy hindi mo pa rin ako napapatawad?” mahina ang boses na tanong niya dito.
Ang sakit palang marinig mula sa taong mahal mo na hindi ka na niya mahal. Hindi siya makahinga sa sakit pero siya din naman ang dapat sisihin. Nasa sa kanya na ang dalaga noon pero hindi niya ito pinahalagahan.
        “What do you expect Greg? That I will forgive you that easily? Nakalimutan mo na ba kung ilang beses mo akong ni-reject noon? Baka gusto mong ipaalala ko pa.”
        “I know sorry won’t undone the hurt sweetheart. Sana naman ngayon bigyan mo na ako ng chance na ipakita sa iyo na minahal kita noon at ngayon.”
        Bahaw itong napatawa. “It’s funny how fate works. Dati ako ang hahabol-habol sa iyo tapos ngayon ikaw naman ang nagmamakaawa sa akin. Tell me Greg ano ba talaga ang gusto mo at ginugulo mo na naman ang buhay ko?”
        “I love you. And I won’t just lay down and give you up. The past years had been miserable without you sweetheart. Please forgive me. I don’t want to go back to that miserable state of my life,” pagmamakaawa niya dito.
        “Don’t you dare lie that you love me!” she hissed. “I’m done with all the lies Greg. Kahit kailan hindi na ako maniniwala sa mga sinasabi mo. All I experience was pain in loving you. Kaya huwag mong sabihin na mahal mo ako.”
        “But I love you. That is the truth. However, it was too late when I realize that. I already hurt you. Do you know how much pain you caused me when you turned me down after proposing to you?”
        She stared at him coldly. “Maybe not as much pain that you have caused me when you rejected me repeatedly. Kung nasaktan man kita noon wala iyon sa kalahati sa sakit na naramdaman ko. Ngayon ko sasabihin sa iyo na may mahal na akong iba kaya itigil mo na ang kabaliwang ito.”
        “At sino naman ang sinasabi mong mahal mo?Sa pagkakaalam ko wala kang naging seryosong relasyon. Face it sweetheart ako pa rin ang mahal mo.”
        Her face turned murderous at him. “Don’t be so conceited Greg. You have seen Dwight right? Sa tingin mo sinong babae ang tatanggi sa ganoong lalake?”
        “You’re lying,” he said as if begging her to take back the words that she loves that bastard.
        “Who said that I am lying to you. News flash honey, you are the liar between us.”
        Hindi siya makapaniwala sa sinasabi nito. Nahuli na ba siya? Talaga bang mahal na nito ang mestisong bangus na iyon?
        “You still love me,” pangungumbinsi niya dito.
        “Do you want me to help you convince yourself that idea Greg,” she said cold heartedly. “If I still love you then maybe noon pa kita napatawad.”
        “How can you be so heartless Cy?”
        Salat sa emosyon na tumawa ito. “This is all your fault Greg. Kaya huwag kang magtaka kung naging heartless man ako sa tingin mo. Kung susumahin Greg mas heartless ka pa sa ginawa mo sa akin noon.”
        Sobrang sakit ang nararanasan niya sa ginagawa ng dalaga pero he won’t give her up without putting a hell of a fight. Kung kailang niyang lumuhod at kumain ng putik para lang mapatawad siya nito gagawin niya.
        “I’ll still marry you,” determinadong wika niya. “I will never give you up to anyone.”
        “Suit yourself,” bale-walang sagot nito. “Just don’t expect that I will be happy in marrying you. Just to set the records straight Greg, I will make your life a living hell if I will marry you.”
        Tumayo na ito at iniwan siya doon. Hindi siya kailan man susuko na suyuin ito. Kahit ialay pa niya ang buhay niya para lang mapatawad at muli siyang mahalin nito gagawin niya.

Whipped by You (To be Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon