Part Two - The Unexpected News

164 5 4
                                    

After ng mga class ko agad akong umuwi. Balak kong puntahan si Shey sa school niya para sabihin yung nalaman ko. Kailangan ko tong sabihin agad sa kanya.

Nagpatulong ako kay Balili para hanapin siya sa loob ng school , bawal kasi akong pumasok sa loob kaya sa gate ako naghintay.

Ayaw pa akong puntahan ni Shey sa labas ng gate nung una buti na lang na pilit siya ni Balili. Nang makita ko na siya hindi ako makapagsalita.

"Sobrang na miss ko tong lalaking to. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit." sabi ko sa isip ko.

"Ano ba yun ?" malamig na tanong niya sa akin. Kaya na tauhan ako bigla. "Tama. Wala na kami. Pero ..." sabi ko ulit sa isip ko.

"May kailangan ka malaman." sabi ko sa kanya. Tinitigan niya lang ako as if sinasabi niyang 'bilisan mo ayokong makita ka'. Kaya lumapit ako sa kanya at bumulong , "Buntis ako. 2weeks." Na paatras siya sa sinabi ko.

"Tama. Sabi ko na nga ba ganito ang magiging reaksyon niya." sabi ko sa isip ko.

"Sigurado ka bang akin yan ?" Sabi niya.

Yun ang ikinagulat ko. Hindi ko ineexpect na masasabi niya yun. Gahd ! Nakaramdam ako ng galit. Alam kong alam niya na sa kanya ko lang binigay lahat , tapos ngayon itatanong niya sa akin yan ?!

That moment gusto ko siyang sampalin. Pinipigilan ko lang yung sarili ko.

"Wag tayo dito mag usap. Umuwi ka na pupuntahan na lang kita sa bahay niyo." Sabi niya sabay tulak sa akin ng mahina.

Ayokong umalis. Alam kong hindi siya pupunta. Alam kong gulat na gulat pa siya sa sinabi ko. Pero yung time na yun hinihiling ko na sabihin niya na "Nandito lang ako , kaya natin to."

Pero wala. Una siyang tumalikod. Kaya umuwi na lang ako at nagbaka sakaling darating siya.

Sinamahan ako ni Balili at ng friend niyang si Ralph sa bahay. Tinanong ni Balili kung anong na pagusapan namin kaya ikinuwento ko. Hindi ko maiwasang umiyak habang nag kukwento ako. Sobrang sakit.

"Tama na iyak. Masstress lang yung baby mo. Huminga ka muna ng malalim at magrelax." Sabi ni Balili.

Tama. Si Baby. Kailangan kong magrelax.

Nagtext bigla si Shey. Hindi daw siya makakapunta. Hindi daw niya akong kayang harapin. Kaya na galit yung dalawa kong kaibigan at kinumbinsi siyang pumunta sa bahay.

Tinakot pa nila si Shey na pag hindi siya pumunta sa bahay , pupunta kami sa bahay nila at ang mama niya ang kakausapin namin.

Ilang oras pa kaming naghintay bago dumating si Shey. Hinayaan muna kami nila Balili na makapag usap na kami lang kaya lumabas muna sila ng kwarto.

Nangingilid na yung luha ko sa katahimikan.

"Mahal mo pa ba ako ?" tanong ko. Hindi ko alam kung bakit yan ang lumabas sa bibig ko ng oras na yun.

Tahimik lang si Shey. Hindi siya sumagot kaagad.

"Kailangan kitang iwan dahil kila mama. Kapag hindi pa daw kita iniwan susugod daw siya  sa bahay niyo." Sagot niya.

"Mali Shey ! Hindi yun ang tanong ko sayo !" Gusto kong isigaw sa kanya. Pero hikib lamang ang maririnig mo sa akin.

"Hindi mo ba ko kayang ipaglaban ?" Tanong ko sa kanya.

"Shey ipinaglaban kita noon sa magulang ko nung gusto nila tayong paghiwalayin. Please. Sabihin mong ipaglalaban mo ko .." sabi ko sa isip ko.

"Ayokong masaktan ka." Sagot niya.

Teenage Mom (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon