Chapter Two

8.2K 246 4
                                    


NAGISING si Camia dahil sa malakas na tunog ng alarm clock na nakapatong sa bed side table. Kumilos siya upang kunin ang alarm clock ngunit napadaing siya nang biglang nanakit ang katawan niya lalaong-lalo na sa pagitan ng kanyang mga hita. Saka lamang niya naalala ang pinaggagawa niya. Wala siya sa kanyang kuwarto.

Mahinhin siyang kumilos at bumangon. In-off niya ang alarm clock. Alas-singko pa lamang ng umaga. Medyo madilim pa kaya hinanap niya ang switch ng ilaw saka binuksan. Kitang-kita niya ang pulang mantsa sa puting kobre-kama. Katibayan iyon ng pagkawala ng kanyang pagkaberhin. Pero ang katakataka ay bakit hindi niya kasama si Cole? Iniwan ba siya pagkatapos ng naganap sa kanila?

Nang hilain niya ang kumot ay tumalsik ang isang kuwintas na napigtas ang lace nito. Nakakabit pa rin ang bilog na pendant nito na kasing laki ng limang pisong coin. Mukha itong ginto at maumbok na tila may laman sa loob. May kabigatan din ito. Pinulot niya ang kuwintas. Kinapa niya ang dibdib niya. Suot niya ang kanyang kuwintas. Wala rin siyang nakitang kuwintas na suot ni Cole ni minsan. Puwede ring kabibili lang nito sa kuwintas. Pero ang tanong niya, nasaan si Cole?

Itinago niya sa kanyang bag ang kuwintas. Pagkuwan ay pumasok siya sa banyo at naligo ng maligamgam na tubig mula sa shower na mayroong water heater.

Pagkatapos maligo ay nakialam siya sa kusina. Pagbukas niya sa refrigerator ay wala itong laman. Naka-off ito. Nang buksan naman niya ang rice cooker ay napatakip siya ng ilong nang maamoy ang inaamag na kanin. Maging ang natatakpang ulam sa mesa ay inaamag na. Niligpit niya ang kalat ay naglinis. Nagtataka na siya. Kung umuwi si Cole, imposibleng hindi nito naisipang iligpit ang panis na pagkain. Maselan ang binata at ayaw na nappanisan ng pagkain. Nagugutom na siya kaya nagsaing siya nang kaunti at nagbukas lang ng nakalatang corned beef.

Kumakain na siya nang biglang tumunog ang door bell. Dagli siyang tumayo at nagtungo sa pinto sa akalang si Cole na iyon. Naisip niya na baka tulog pa siya nang lumabas ito at nag-jogging, bagay na palaging ginagawa ng binata. Subalit pagbukas niya ng pinto ay matabang babae ang tumambad sa kanya. Si Ginang Rosana, ang landlady ng two story apartment na iyon.

"Good morning! Nakauwi na ba si Cole?" nakangiting tanong nito.

"Ah, k-kagabi po. Hindi ko po alam kung saan siya nagpunta," sagot niya.

"Kagabi? Pumunta ako rito kagabi ng alas-otso pero walang tao. May tatlong araw nang hindi ko siya nakikita. Sisingilin ko sana siya para sa bayad ng kuryente."

Nawindang siya. Ganoon na lamang ang kabog ng dibdib niya. "Tatlong araw? Pero kasama ko po siya kagabi," aniya.

"Sigurado ka ba? E hindi naman nakita ng anak ko sa CCTV na pumasok na siya," wika nito.

Binalot na siya ng pagkabahala. Hindi siya kombinsido sa natuklasan. "Uhm, puwede ko po bang makita ang kuha ng CCTV sa ilang araw na sinabi ninyong hindi umuwi si Cole?" hiling niya.

"Sige. Halika sa unit ko."

Sumunod naman siya sa ginang. Pagdating sa tinutuluyan nitong unit kung saan din ang monitor ng lahat na CCTV footage ay pina-review niya sa anak na lalaki ng ginang ang nai-record na mga video. Ni-review nila ang kuha ng CCTV sa loob ng tatlong araw kasama ang kahapon. Lahat ng taong pumapasok sa gusali ay nakikita sa video mula pa sa garahe. Maging ang pagpasok niya kagabi ay nakita. May CCTV footage rin sa tapat ng unit ni Cole kaya alam kung pumasok ang binata. At sa loob ng tatlong araw ay walang nakita na dumating si Cole at pumasok.

Nagimbal si Camia. Kung hindi umuwi si Cole, sino naman ang lalaking nakasama niya kagabi? Binalot na ng kaba ang buong sistema niya. Imposible. Hindi iyon maari.

"Pero, Ma'am, may kasama po ako kagabi sa unit ni Cole. Ang alam ko siya 'yon. Hindi po ba nakita sa CCTV na may pumasok sa unit niya?" pilit niya.

Against the Dark (Preview Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon