Chapter One

10.4K 283 6
                                    


MARAHAS na itinulak ni Camia si Cole nang maramdaman niya na naghahangad na ito ng higit pa sa isang halik. Bumangon siya at inayos ang kanyang sarili. Inimbita lang siya nito na maghapunana sa apartment na tinutuluyan nito at pagkatapos nga ng hapunan ay nauwi sa paghahalikan ang kanilang kuwentuhan. Isang taon na niyang kasintahan si Cole at ito ang unang lalaking minahal niya. Pero kahit mahal niya ito, hindi niya basta maibibigay rito ang kanyang pagkaberhin. Hindi pa siya handa kahit pa nasa hustong edad na siya. Twenty-five years old na siya at noon lang nagkaroon ng panahong makpagrelasyon dahil mas una niyang minahal ang trabaho bilang agent ng St. Bernard Intelligence Agency.

Walang imik na lumayo sa kanya si Cole. Pumasok ito sa kusina at kumuha ng naka-latang beer. Sinundan niya ito para magpaalam.

"I have to go. Thanks for the dinner," aniya.

"Okay. Next week magiging busy kami sa kumpanya kaya hindi na kita masusundo madalas," sabi nito.

"Sige. Naintindihan ko. Busy rin kami sa agency. Tatawag na lang ako."

"Hm. Ingat ka."

Ngumiti lang siya. Humalik siya sa pisngi nito saka lumisan. Hindi man lang nagboluntaryo si Cole na ihatid siya pauwi sa bahay niya bagay na dapat nitong ginawa. Mukhang nagtampo na ito sa kanya. Sumakay na lamang siya sa taxi pauwi.

Isang linggo ng lumipas...

Halos kada oras sinusubukang tawagan ni Camia si Cole pero hindi siya nito sinasagot. Tatlong araw na itong hindi nagpaparamdam sa kanya. Hindi rin ito sumasagot sa mensahe niya at lalong hindi ito on-line sa Facebook. Nag-aalala na siya. Naisip niya. Baka nagtampo na sa kanya ang binata dahil hindi niya ito napagbigyan sa gusto nito.

Katatapos lang niyang mananghalian at tumatambay siya sa agent's office ng agency. Wala siyang ginawa kundi tawagan si Cole. Nilalaro niya sa palad ang kumpol ng susi. Kasama roon ang duplicate ng susi ng apartment ni Cole na ibinigay sa kanya. Hindi pa rin sumasagod si Cole pero ring lang nang ring. Pumiksi siya nang may lamok na kumagat sa leeg niya. Sinampal niya ang sariling leeg pero hindi niya napatay ang lamok na kumagat, sa halip ay nahagip ng kamay niya ang kuwintas at napigtas. Nahulog ito sa sahig kasama ang pendant.

Napatitig siya sa nahulog na kuwentas. Iyon ang unang beses na napigtas ang kuwintas na regalo pa sa kanya ni Cole sa unang anibersaryo ng relasyon nila. Pagkuwan ay pinulot niya ang pendant kasama ang naputol na necklace. Unique ang pendant na iyon na hugis pyramid at may nakaukit na mata sa gitna at sa gitna ng mata ay mayroong butas na kasing laki ng botones. Yari ito sa ginto at may kabigatan.

"Bigay pa ng nanay ko ang kuwintas na ito. Wala akong maisip na regalo na magugustuhan mo kaya ito na lang. Ingatan mo ito. Ito ang magpapatunay ng pagmamahal ko sa 'yo. Hanggat duot mo ito, walang maaring makapaghihiwalay sa atin." Naalala niyang sabi noon ni Cole.

Bigla siyang inalipin ng hindi maipaliwanag na kaba. Aksidenteng naputol ang kuwintas. Isa iyong masamang pangtain. Naniniwala siya sa mga pangitaing ipinapahiwatig ng mga bagay. Lumaki siya sa pamilyang naniniwala sa usaping paranormal. Conservative ang pamilya niya at relehiyoso. Namatay ang parents niya noong sixteen years old siya dahil sa airplane crash. Pinalaki siya ng grandparents niya na may-ari ng St. Bernard Intelligence Agency, pero dahil sa malubhang sakit ng lolo niya, naibenta nito ang agency sa isang retired police. Pero nanatili ang shares niya sa kumpanya at patuloy siyang nagtatrabaho rito bilang agent. Namatay ang lolo niya noong nakaraang taon dahil sa colon cancer. Malaki ang pasasalamat niya sa grandparents niya dahil suportado ng mga ito ang pag-aaral niya hanggang college. Nakapagtapos siya sa kursong BS Criminology pero tinutukan niya ang intelligence work at nag-aral siya ulit ng ballistic.

Against the Dark (Preview Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon