Chapter 22: A Tough Trust

130K 2.5K 233
                                    

Chapter 22: A Tough Trust

"I dont think that we're meant to understand it all the time. I think that sometimes we just have to have faith." ― Nicholas Sparks, A Walk to Remember.

❤❤❤

PINUNASAN ni Eunice ang mga luha.

Magmula nang magising siya kaninang madaling araw ay hindi na siya nakatulog ulit kahit pilitin pa niya. Gusto niyang isipin na isang panaginip lang ang pagpapaalis sa kanya ni Terrence, pero hindi. Totoo ang lahat ng nangyari at hindi niya maintindihan kung bakit biglang naging ganoon.

Napabalikwas siya ng bangon nang marinig ang tunog ng isang kotse. Baka si Terrence na iyon! Umalis kasi ito kanina at hindi pa ito bumabalik.

She rushed to the window but to her dismay, it's not her husband's car. Kay Matthew iyon. Nakita niyang lumabas roon ang pinsan ng asawa.

Lumabas na rin siya ng kuwarto at bumaba.

"Matthew!" tawag niya rito, saktong pagpasok nito ng pinto. "Alam mo ba kung anong nangyari kay Terrence? Hindi pa siya umuuwi mula pa kaninang madaling araw." bungad niya agad rito.

Parang nag-isip ito saglit bago umiling.

Bumagsak ang mga balikat niya. "Alam mo ba kung bakit... bakit bigla na lang niya 'kong pinapaalis? Bigla na lang niya 'kong pinapabalik sa Paris? I can't understand why. Suddenly, he's cold. Wala naman akong ginagawa. I just saw last night how cruel Frances' fiance is!"

Maybe she over reacted. Pero hindi niya maiwasang matakot nang ganoon sa nakita. Hindi niya magawang isipin na ganoon ang pinagdadaanan ng babae. And she swore she saw the devil in that man's eyes.

Napabuntong-hininga si Matthew. "Huwag mo nang pansinin si Terrence. Minsan kapag wala sa sarili iyon, kung anu-ano na lang ang nasasabi. He over reacted, maybe." Hinawakan siya nito sa balikat. "Halika, umupo muna tayo sandali. I'll tell you something."

❤❤❤

HUMUGOT muna nang malalim na hininga si Terrence bago lakas-loob na pinihit pabukas ang pinto ng hotel room ni Frances.

"We'll tell you, Terrence, when the target's coming. Alam mo na ang dapat gawin."

Inayos niya ang nakakabit na earpiece sa tainga. He was given instructions by Matthew's team. Ito ang araw na magpapakasal si Frances at ang Brandon Thomas na matagal nang pinagplanuhang hulihin magmula nang tumapak ito sa Pilipinas.

Kahit ayaw niya noong umpisa, pumayag na rin siyang makipagtulungan sa operasyon ng pinsan niya sa huli. Nangako si Matthew na ito nang bahala kay Cyla at kay Eunice.

Pagkapasok niya ng kuwarto ay biglang napalingon sa kanya si Frances na inaayusan pa. Halatang kinapalan masyado ang make-up nito upang matakpan ang mga pasa sa mukha.

"What are you doing here?" mataray na tanong nito. Ngunit halata ang takot sa mga mata nito. Pinalabas nito ang mga nag-aayos rito.

"You know this wedding should not push through," aniya rito.

Umiling ito. "I love Brandon, Terrence. I can't see any other reason not to marry him," diretsang sabi nito na parang praktisado lang nito at hindi naman galing sa puso.

"If you really love him, you won't tolerate the bad things he's doing. If you truly love a person, you won't put up with his evil-doings. Kung mahal mo talaga si Brandon, matagal mo na siyang pinilit na tigilan ang mga krimeng ginagawa niya."

Kumuyos ang kamay nito. Pinipigil ang galit. "Easy for you to say. Hindi ganoon kadali iyon," mahinang sabi nito habang nanalim ang mga tingin. "I guess, alam mo na kung ano si Brandon, kaya umalis ka na, Terrence. Kung ayaw mong madamay ang pamilya mo rito."

Love at its Toughest (Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon