Chapter 3: A Tough Welcome

153K 2.7K 204
                                    

Chapter 3: A Tough Welcome


"ANONG sa tingin mong mangyayari mamaya?"

Napaisip si Eunice sa tanong ng asawa. Ibinaba niya ang isang baso ng orange juice sa lamesita sa gilid ng kinauupuan ni Terrence sa garden nila. She also gave him his medicine. Pagkuwa'y nakisiksik siya sa tabi nito.

"I don't know. Hintayin na lang natin mamaya."

Inakbayan siya nito pagkatapos uminom ng gamot. "Kinakabahan ako," wala sa sariling sambit nito habang nakatingin sa malayo. "I-I don't know how to be a father."

Alam ni Eunice na matagal hinintay ng asawa ang pagkakataon na makita na nito ang anak sa wakas. She can't really blame how excited and nervous he is.

"I believe you will be a great father, Terrence. It will come naturally to you," aniya at saka isinandig ang ulo sa balikat nito. "And Alfred might tell you some tips."

He sighed. "Speaking of him, kailangan pa naming mag-usap. Where will he stay, by the way?"

"Pinaayos ko kay Mang Emman ang dati kong kuwarto. That will be his room."

Tumangu-tango ito. Ngunit halatang may iba pang iniisip dahil nakatingin pa rin sa malayo. Kaya naman si Eunice-as playful as she is, panakaw niyang hinalikan ito sa mga labi.

Napakurap ito at napatingin sa kanya. She charmingly smiled. "Huwag ka nang masyadong mag-isip. Everything will be fine."

Napangiti na rin ito at ito naman ang agad na humalik sa mga labi niya. Hinapit pa siya nito sa balikat at pinaulanan siya ng mumunting mga halik sa buong mukha.

She giggled and embraced his neck. Sobrang na-miss niya ang mga paglalambing ni Terrence katulad ng ganoon. Hindi niya na talaga maisip ngayon kung paano siya kung sakali ngang tumigil na sa pagtibok ang puso nito.

But they made it through with God's goodness. Hindi niya na kailangang balikan pa ang mga nangyari sa nakaraan, tanging mga natutunan niya na lang ang dapat niyang pakatandaan.

"Eunice..." he whispered as Terrence planned to claim again her lips for a long sweet kiss. Pinikit niya ang mga mata at hinintay ang mga labi nito sa kanya at-

"Ma'am Eunice! Sir Terrence!"

Napadilat si Eunice at natawa nang makita si Mang Emman na palapit sa kanila.

"Nakatulog na 'ko ng sobrang haba at lahat, si Mang Emman, 'maganda' pa rin ang timing," natatawang sabi ni Terrence.

"Mang Emman is Mang Emman," komento na lang rin niya at bumaling sa natatanging matandang kasambahay. "Ano po iyon, Mang Emman?"

"Mukhang naabala ko kayo. Pasensya na," apologetic na sabi nito.

"Sanay na 'ko, Mang Emman," ani Terrence.

Natawa ang matanda. "Pasensya na talaga. Pero sa tingin ko kasi ay kailangan niyo nang harapin ang kanina niyo pa hinihintay."

Nagkatiningan sina Eunice at Terrence. Nawala na ang mga ngiti ng huli at halatang bumalik na ang kaba nito.

"N-Nandyan na po si Alfred?"

"At ang bata."

Napatayo si Eunice. Biglang kinabahan na rin siya at hind niya alam kung bakit. Tumayo na rin si Terrence.

"Nasaan po sila?" tanong nito.

"Pinatuloy ko na sa sala. Kayo na lang ang hinihintay."

Tumango siya. "Salamat, Mang Emman."

Love at its Toughest (Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon