Story#2 - Si Janus (Part 5)

11.6K 98 17
                                    

Mabilis silang nakabihis at parang walang nangyari na lumabas sila ng CR ng parang hindi ako nakikita.

Nagbihis ako at nagmumuog sa lababo. Binilang ko ulit ang pera saka muling isinilid sa front pocket ng aking bag. Ramdam ko ang hapdi ng aking butas sa bawat galaw ko ng katawan. Kita kong mapula ang aking mga labi at bahagyang namamaga.

Last na ito. Ayaw ko na ng ganitong buhay. Tama si Mar, walang magandang nangyari sa aming dalawa sa pagpunta dito, maliban sa nagsama kami sa iisang kwarto kahit walang malinaw tungkol sa aming realsyon.

Paglabas ko ng CR, gusto ko ng takbuhin ang daan papunta sa lovenest nina Mar. Gusto kong sabihin sa kaniyang nagbago na ang isip ko, payag na ako sa plano niya na bumalik na kami sa aming bayan. Payag na akong magsimula kami ng isang maliit na negosyo, ise-share ko sa puhunan ang huling kinita ko sa pagbebenta ng aking katawan. Higit sa lahat sasabihin ko na sa kaniyang hindi lang naman siya ang nagmamahal sa akin dahil matagal ko na rin siyang mahal. Hindi ko lang masabi dahil sa hirap ng sitwasyon namin at baka makaapekto pa sa aming kinasadlakang trabaho sakaling sinabi ko na nang una pa.

Nakaramdam ako ng katiwasayan ng loob at excitement sa magiging reaksiyon niya. Siguradong walang pagsidlan ang tuwa niya, kagaya ko.

May isang oras pa bago siya umalis ng bahay. Bumili muna ako ng paborito niyang siopao bago sumakay ng jeep. Pagbaba ko sa tapat ng gate ng subdivision, nagsimula na akong i-rehearse kung paano ko sasabihin sa kaniya ang magandang balita.

Mga ilang bahay na lang bago ang lovenest nila ng Daddy niya, nang biglang may dumaang dalawang ambulansiya magkasunod na palabas ng subdivision. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako lalo na nang makita kong madaming tao sa mismong harapan ng tinitirhan ni Mar.

Parang lumaking bigla ang aking ulo. Nabitawan ko ang plastic bag ng siopao. Bumagsak ito sa sementong daan saka gumulong palagas ang laman. Bigla akong tumakbo ng mabilis palapit.

Oh God please no! Please... please.. No!

Hinawi ko ang mga taong nakaharang sa paligid. Hindi ako makahinga, parang umakyat ang pulso ko sa aking lalamunan. Saka tumambad sa akin ang barikada at mga pulis at imbestigador na nasa labas ng bahay.

"Janus...!" umiiyak na tawag sa akin ni Aling Maya.

Nilapitan ko siya. "Si Mar po?"

Kinuha ko ang nakaplastic na bagay na iniabot niya sa akin. "Nagtalo sila ng Daddy niya. Hindi ko alam kung bakit. Basta narinig ko na lang ang putok ng baril. Pagsilip ko sa silid nila, duguan na si Mar na nakahandusay sa sahig. Tapos nakita kong isinubo ni Sir ang baril saka kinalabit ang gatilyo." Nagtakip siya ng mukha sa biglang pag-alala sa nakaka-traumang nasaksihan.

Para akong naging bato. Hindi ako makagalaw. Hindi makahinga. Nang magsimulang pumatak ang aking luha sa mga pisngi saka lang ako nagsimulang habulin ang aking paghinga.

"Nasaan na po siya?"

"Wala na siya Janus. Pero bago siya nalagutan ng hininga, nakuha pa niya akong tawagin. Sabi ko tatawag ako ng ambulansiya para matulungan siya pero mas mahalaga daw ang kaniyang sasabihin. Kunin ko iyan at ibigay sa iyo. Mahal na mahal ka daw niya."

Para akong nawalan ng buto sa aking narinig. Napaupo ako sa lupa. Nanaghoy ang aking damdamin.

Tangina! Mahal na mahal ko din siya. Mahal na mahal kita Mar.

Kinuha ko ang laman sa loob ng plastic. Pass book sa banko. Binuksan ko at lalo akong napaiyak nang makita kong ipinangalan pala niya sa aming dalawa. Joint account ng mga naipon niya galing sa taong kumitil sa kaniyang buhay.

Cliche talaga ang kwento ng buhay ko kaya cliche din ang huling sasabihin ko: You only live once and life is short, there is no time to leave important words unsaid.

WAKAS

//Fuel my passion to keep me writing with your Votes and Comments on every part...tc 

NEXT: Si Aman at Si Edmon

Chained Lust (Related One-Shots Extreme SPG - ON HOLD)Where stories live. Discover now