Story#2 - Si Janus (Part 3)

13.5K 143 25
                                    

"Aalis ka na ba?" tanong ni Aling Maya, part-time kasambahay na walong oras nagtatrabaho na ini-hire ng Daddy ni Mar. Sa katagalan ng pagsisilbi alam na nito ang tungkol sa pagkakaibigan namin ni Mar.

Tumango ako. "Pwede po bang mag-request sa inyo for the last time?"

"Ano bang last time ang sinasabi mo? Hindi ka na ba babalik?"

"Baka hindi na po. Kaya pwede pong pakitingnan si Mar at pakitulungan na rin siya sa pag-alis niya mamayang hapon?"

"Saan ba punta niya?"

"Dadalaw po siya sa kanila," sabi ko na lang.

"Hindi mo na kailangang makiusap. Iyon ang papel ko dito ang tingnan ang mga pangangailangan niya."

Makalipas ang tallumpung minuto, palakad- lakad na naman ako sa Mall at umaaktong college student. Patingin-tingin sa mga lalaking makasalubong at iyong tipong titingin din sa akin.

Pero apektado ang acting ability ko sa pag-iisip kay Mar. May ilang porsyento ng isip ko ang nagsasabing sumama na lang ako sa kaniya hindi dahil lalong walang mangyayari dito sa akin pag-alis niya kundi dahil mahal ko siya at gusto kong malaman niya iyon at gusto ko siyang makasama.

Dalawa ang magkasunod na lalaking sumipat sa akin. Dahil hindi ko masyadong trip kaya tinaasan ko ang presyong iminuwestra ko sa aking apat na daliri na gulat na gulat namang nagtaas ng kilay at biglang umalis.

Kumain ako ng lunch kaya lalong nabawasan ang pera ko. Naisip ko kung may magbigay sa akin ng malaking halaga ngayon kapalit ng aliw na kaya kong ibigay, malamang tuluyan ng magbago ang isip ko at sumama na kay Mar or kaya'y sumunod na lamang at sorpresahin siya.

Pero sa hirap ng buhay ngayon, madalang na ang makatagpo ng galanteng customer. Ayaw ko namang mag-pagarahe gaya ni Mar na dahil lang sa pangangailangan kaya napilitan.

Mukhang masi-zero yata ako ngayon at madalang ang mga prospective clients sa mall. Nagpasya akong bumaba sa lower ground parking lot, minsan sa CR ako nakakahanap ng medyo gwapo at maperang customer. Mga tipong kahit libre okay lang sa akin.

Walang katao-tao pagdating ko sa loob ng CR. Tangina! Pag kinakantot ka nga naman ng malas.

Paglabas ko, may itim na BMW ang dumaan sa aking harapan at nag-park sa di-kalayuan. Lumabas ang dalawang lalaki na parehas matangkad, mga lampas six feet at parehong malakas ang dating. Unusual lang na may hawak na camera iyong bumaba mula sa driver side at habang nag-uusap kinukuhanan niya ang kasamahan.

Naisip ko na baka college project ang ginagawa nila. Paglapit nila sa kinatatayuan ko, ngumiti ang lalaking may hawak na camera.

"Dude, kumusta?" napaka-friendly ng tono ng boses.

Napatingin ako sa maliit na Tshirt niyang suot na kulay itim, naitanong ko sa isip kung hindi ba siya nahihirapang huminga sa paghakab sa kaniyang alsadong pecs at biceps. Pansin kong alsado din ang harapan ng suot nitong puting board shorts.

Tumutok sa mukha ko ang camera. "Okay naman," casual kong tugon.

Lumapit naman sa aking iyong isa. "Ako nga pala si Aman. Siya naman si Edmon," inilahad ang kamay na tinanggap ko saka sinabi ko na rin ang akıng pangalan.

Kagaya ni Edmon hapit din sa katawan ang suot nitong asul na tshirt at medyo bakat ang pagkalalaki sa jogging pants na adidas.

"Bakit may camera?" tanong ko pagkatapos makipagkamay. Ngayong malapitan, sa tingin ko hindi na sila mga estudyante na gumagawa ng isang school project. Mukhang nasa late twenties na sila parehas.

Ngumiti si Edmon ng nakakaloko saka bumaling kay Aman. "Ikaw na ang magsabi pare."

"May ginagawa kasi kaming video na pagkakakitaan," paliwanag ni Aman.

Chained Lust (Related One-Shots Extreme SPG - ON HOLD)Where stories live. Discover now