Chapter 5

4 0 0
                                    

Jetro's PoV

"Apo,  nakita mo ba si Jupiter?" tanong sakin ni lola

"Nasa kwarto nya po la" sagot ko

At heto nanaman ako. Pinagtatakpan ko nanaman ang mokong na yun. Naku talaga pag ako hindi nakapagtimpi sa fafable na yun talagang gahasa abot nun. Pero syempre biro lang enebe bukod sa incest pag nagkataon,  hindi ko naman sya ganun ka type no Duh! with capital letter D mga besh!

Alam nyo ba kung pano ako napapayag nung ungas na yon ha?  Aba nangako ba naman na bibilhan nya ako ng maraming bra,  duh tatanggi pa ba ako.

So ayun,  ewan ko rin kung bakit halos araw araw syang nagpupunta dun sa may puno ng mangga. Dun na nga sya halos tumira eh,  uuwi lang naman sya kapag nagugutom sya para kumain at kapag alas sinco na ng hapon. Tapos yun tulog na agad.

Ewan ko rin dyan. Para ngang baliw eh. Sa Isang linggo at tatlong araw na nandito sya,  halos araw araw syang nandun.

Kada susunduin ko naman sya dun wala syang kasama. Nakakaloka. Buti nalang maganda ako hays.

Stressed na ang beauty ko takte. Malapit na mag alas sinco wala pa sya. Naku pag nahuli kasi sya ni lolo na nasa labas pa ng ganung oras ay pagagalitan nanaman sya.

"Huy Jetro!  tulala ka dyan pre"

"Ay tipaklong! Takte ka naman fren ginugulat mo aketch"

sabi ko. Hindi ko namalayan na nandito na pala sya sa kwarto ko.

"Ang gwapo ko namang tipaklong" sarkastikong sabi nya

"Sareh naman, ano bang pakay mo sakin hah?  nakuu hinahanap ka nanaman ni lola. Malalagot ka na talaga pag nahuli ka" sabi ko.

Strikto kasi si lolo pagdating sa oras kaya yun.

"Ays lang yan. Nga pala, turuan mo ko gumawa nung sinasabi mong bestlet"

bestlet pala, yun yung may pinaka kumplikadong paraan ng paggawa ng bracelet pero yun rin yung talagang maganda.

"hmmm. I smell something fishy" Sabi ko

Konti nalang talaga iisipin ko ng may kadate to sa silong ng mangga.

Sinamaan nya ako ng tingin. Ay aba naman!

"Turuan mo nalang ako. Dami pang daldal eh" sabi nya. So bad. Ganyan ba ang tamang pakikitungo ng isang lalake sa binibining tulad ko.

Chos hahaha. Pero syempre maganda parin ako.

At ito pa hah,  mga teh,  Naninibago talaga ako dito sa lalaking to. Bigla bigla nalang magpapaturo eh,  porket natapos nya na kagabi yung trentang bracelets pinapagawa sakanya ni lolo eh.

Wala akong nagawa kundi ang turuan sya.

Dave's PoV

Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay dumiretso agad ako sa kwarto ko dala ang mga materyales na gagamitin ko para sa gagawin kong bracelet.

Mula nung unang beses kasi na ngumiti ng sobrang tamis si Sunny ay gusto ko ng laging nakikita yun.

Mula nun ayoko ng mawala ang  ngiti sa kanyang mga labi

<<Flashback>>

Nakahiga nanaman ako dito sa sanga ng puno ng mangga kung saan ang paborito kong tambayan.

Kahit alas otso pa lang ng umaga ay nandito na ako. Hinahantay ko kasi sya.

May dala rin akong bulaklak na balak kong ibigay sakanya.

Napangiti nalang ako. Hmm. Bakit ko nga ba ito ginagawa? 

Ah alam ko na.

Dahil bigla nalang tumibok ang puso ko para sakanya. Korni mang pakinggan pero bahala kayo,  wala akong pake alam sa saloobin nyo. Basta para sakin kakaiba ang nararamdaman ko para sakanya.

Tatayo sana ako dahil nangalay na ang likod ko ng may biglang tumusok sa kamay ko.

Hindi naman ako nasugat pero masakit hah.

Ano ba yun?

Kinuha ko yung bagay na yun at napangiti nalang ako ng marealize ko kung ano yun.

Pffft. Sabi na nga ba at may pagka eng-eng talaga minsan si Sunny.

Dito nya lang pala nahulog yung hikaw nya.

***

"Hi Dave!" unang bungad sakin ni Sunny ng makarating sya dito

Kahit kelan ang ganda talaga nya.

Napatingin naman ako sa dala nya.

May hawak kasi syang sketchpad at isang lapis.

"Sayo yan?" tanong ko

"Oo, mahigil kasi ako gumuhit" sagot nya

Woah,  artist din pala ang isang to.

"Oh,  gusto mong tignan?" tanong nya.

Tumango lang ako at kinuha yung sketchpad na inaabot nya.

Sa unang buklat ko ay may nakaguhit na rose. Ang ganda.

Binuklat ko pa ito sa mga sumunod na pages at lahat ng nakikita ko ay talaga namang nakakapag pa amaze sakin.

Pero may isang nakakuha ng atensyon ko.

May isang babae kasi na nakahiga sa isang kama at maraming wires na nakakabit sa katawan nya.

Kung hindi ko lang namumukhaan na hospital bed ang kinahihigaan ng babae ay iisipin ko ng robot yun sa dami ng wires na nakapaligid dito.

"bakit ganito tong drawing mo?" tanong ko sakanya.

Bigla naman syang napangiti,  pero halata ang lungkot na nakatago sa mga ngiting yun

"A-ah ginuhit ko lang ang kalagayan ko ngayon" sabi nya na hindi ko naman naintindihan.

Kalagayan ngayon?

eh?  di ko talaga gets. Kaya iniba ko nalang ang topic

"May ibibigay pala ako sayo Sunny" sabi ko

Kinuha ko ang kamay nya. Shet!  Nung  dumapo ang mga kamay ko sa palad nya ay parang may dumaloy na bolta boltaheng koryente sa katawan ko.
Shit!  Why do I sounded like a gay?

"hah?"

Nilagay ko sa kamay nya yung hikaw.

Pagkatingin nya ay bigla syang napangiti. Yung ngiting halos langgamin na ako s sobrang tamis.

*lub-dub* *lub-dub*

Geez! What's with this heart?!

"Thank you, Dave. Nahanap mo. Bigay kasi sakin ni mommy to kaya sobrang importante nito saakin" Sabi nya.

"My Pleasure" sabi ko at nginitian ko rin sya

<<End of Flashback>>



Inlove with the thought of YouWhere stories live. Discover now