DK彡Best Night Ever?

27.6K 1K 199
                                    

Isang oras na kami ni Denson na palibot-libot sa batangas at parang hindi niya alam kung saan kami pupunta hanggang sa tumigil kami sa isang drive thru at umorder ng isang coke float.

Noong una, akala ko para sakanya lang iyon dahil kanina pa siya nagrereklamo na nauuhaw siya, pero ng nasa isang park na kami- aba, kalain mo, inalok ako.

"Tititigan mo lang ba yan?" tanong niya habang pinapanood ako sa pakikipagtitigan sa straw ng coke float na ininuman na niya.

Napalunok ako ng laway sa isipan na kapag uminom ako sa straw na iyon may indirect kiss ng nagaganap at gustong-gusto ko iyon! Hindi ko alam na ganito pala kaexciting makipag lips to lips sa straw.

Dahan-dahan ko nilapit sa bibig ko ang straw na iyon na parang labi ni Denson ng-

"Ate palimos po." natigil sa ere ang gagawin kong pakikipag halikan sa straw ng may biglang sumingit na batang gusgusin sa harapan ko.

Wala akong dalang pera at malagkit ang tingin ng bata sa coke float ko!

Tiningnan ko ang katabing si Denson na patay malisya lang sa nagaganap.

"Nagugutom at uhaw na uhaw na po ako ate."

'Ako din bata! nagugutom na ako sa pagmamahal ni Denson at uhaw na uhaw na rin ako sa halik niya!' tiningnan ko ulit iyong coke float bago mabigat ang loob na inabot iyon sa bata.

"Salamat ate!" masayang sabi ng batang babae at sa harapan ko pa ininom iyong coke float. Akin yan eh!

"Hoy bata, saan ang mga magulang mo?" tanong ni Denson sa bata na nagkibit balikat lang bago kami iniwan at nanghingi na naman ng pagkain sa ibang tao na naroon sa park.

"Wag ka agad nagbibigay ng kung ano-ano sa mga pulubi Mercado."

"Bakit naman? hindi ka ba naaawa sa batang iyon?"

"Hindi. mas naawa ako sayo." halata sa boses niya na pinipigilan lang niya matawa.

"Mukha ba akong pulubi?"

Hindi na siya muli sumagot at nangingiti nalang na nakatingin sa dalawang lalaking nasa isang sulok at halatang nagso-solvent. Romantic naman ng lugar na to!

Bigla kumislap ang mata ko ng makita ang isang simbahan malapit sa amin kaya niyaya ko si Denson.

"Hindi ako nagsisimba."

"Sige na Denson, sandali lang tayo."

"Ayoko."

"Denson naman eh-"

"No."

"Sige, kapag hindi ka pumayag, hindi na kita kakausapin."

Napataas ang kilay niya sa sinabi ko.

"Kaya mo?" nagdududang tanong niya.

Tumayo na ako mula sa kinauupuan na bench bago sumagot.

"Hindi."

Tuluyan na siya napangiti sa sagot ko at tumayo na rin.

"Tara, ikaw lang ang magdadasal." nakangiting tumango lang ako sabay pulupot ng kamay sa braso niya.

"Para hindi ako maligaw." sabi ko agad ng tumingin siya sa kamay ko na nasa braso niya.

Hindi na siya umangal kaya parang bata talaga na dumikit pa ako sakanya ng naglalakad na kami patungo sa simbahan.

Feeling ko ng mga oras na iyon-isa akong bride, tapos siya ang groom. Amp! nakikiliti na naman si heart.

Sa pinto lang kami ng simbahan tumayo dahil ayaw niya talaga pumasok. sayang nga eh ang akala ko maglalakad na kami sa altar. amp!

Dear KILLER [Completed]Where stories live. Discover now