[Mikai's POV]
Sobra ang dami ng mga imememorize kong bagong kanta! Tapos gusto pa ng manager ko na sumabak ako sa acting? Di ba na maisip na baka malaman ng asawa ko, (na FYI artista at model din), na ako din si Mikai Villaruel na singer and model. AMPUPU!!! -_-
"Mikai!!" Narinig kong sigaw nung best friend kong si Stephen (aka Stephanie).
"Ano nanaman ba?" Sagot na tanong ko. "Pag yan tungkol nanaman dun sa mokong na iyon, di na kita papansinin."
"Eto naman tampuhin. Ou tungkol nga sa kanya. Pero hep hep muna dyan sa mood mo. Tungkol din ito sa kanyang leading lady sa teleserye. Si Junelle." May binigay saking digi-cam si Stephanie. Natameme ako sa nakita kong pic.
1
2
3
4
5
6
7
8
9
.
.
.
.
.
"WHAT?!!!!" Bulalas ko. Tinginan sakin ang buong klase..... AWKWARD>>>>>>
"Ano ba naman bes, over ang iyong pagsigaw. Tara nga." Hinatak ako ni Stephanie mula sa pinagkakaupuan ko. Hawak hawak ko ang digi-cam na binigay niya. We stopped sa secret garden ng school. Wonder kung bakti secret garden. Kelangan mo munang dumaan sa napaka-daming vines para makapasok at, kulob ito within wires and metal bars na puro vines din. Pero infernes, maganda ang garden. Naupo kami sa isang wooden bench.
"Oh yan, sumigaw ka na." Sabi niya, pero di ako sumigaw.
"Ano? Kala ko sisigaw ka na. Alam mo ba, kakakuha ko lang yan kanina. Sa may upuan pa sa malapit sa door naghahalikan. Sila lang sa classroom noon. And as you can see si Junelle ang nasa ibabaw. Alam mo kung puedi lang, hinampas ko na ang malanding iyon sa pader eh." Sabi niya na tuloy tuloy. Nakikinig na lang ako at kinikimkim ang galit ko. "Grabe, over ang ginawa nila."
"Oi bess!" Batok niya sakin.
"Ano ba, makabatok wagas!" Bulalas ko.
Eh kasi naman bes, tulala ka eh. Tell me...may gusto ka na sa asawa mo noh?"
"What?!" Matagal akong nakasagot.
"Pss...di nga, yung totoo?"
"Wala, nuh. Ewan...baka? Nako, ayaw ko munang isipin yun." Sabi ko.
"Haha, bahala ka bes...tara na, at baka tapos na ang break." Hinatak nanaman ako ni Stephanie.
----------------------------------------------------------
[Kent's POV]
Shit, talaga, shit! Napicturan pa naman ako nung best friend ni Mikai. Lagot ako mamaya. Ano ba yan. Kaasar naman kasi si Junelle eh, halikan ba naman ako. Pero, I admit, magaling siyang humalik. No no no!!! Di puedi yun
"Huy ano ba andyan na ang teacher!" Sabi sakin ni Jerome, kapatid ni Junelle na actor din tulad ko.
"Kaasar naman kasi yang kambal mo eh. Halik ng halik." Sabi ko.
"Di ka na nasanay. Eh ka-love team mo naman siya sa teleserye di ba? So what? Lagi naman kayo naghahalikan ah." Tumawa si Jerome.
"Gago, pag nalaman yan ng asawa ko."
"Ay, oo nga pala, taken ka na." Alam ni Jerome ang tungkol sa pag-aasawa ko, di tulad ni Junelle. 14 pa lang ako nuon nung ipinakasal ako kay Mikai. Asar talaga, kasi, gusto ko na nga magkalapit kami after ng 1st year anniv ng kasal namin, siya naman itong tuluyang lumayo. Laging busy. Di naman sinasabi kung saan pumupunta. Tapos, gabing gabi na pag umuuwi.
"Manahimik ka nga diyan Jerome. Pag may nakarinig, masasapak kita."
"Sori naman bro. Pero alam mo, kung mag-aayos lang talaga ang asawa mo, for sure, madami magkakagusto diyan."
"Sabi ng..." aakmang babatukan ko na siya ng tinawag ako ng teacher namin.
"Mr. Panlilio, di porket artista at matalino ka, puedi ka nang makipag daldalan. Sagutin mo nga ito," turo ng teacher sa isang problem na nakasulat sa bored...
*AFTER CLASSES*
[Mikai's POV]
"Hoy Mikia!"
Papasok na ako ng kotse ng biglang may tumawag sakin. At kilalang kilala ko kung sino iyon.
"Ano nanaman ba?" Malamig kong sabi.
"Gusto ko sana na ayain kang mag-dinner this saturday." Sabi ni Kent. Nakangiti siya, yung ngiting matutunaw na ako pag nagpatuloy.
"Sorry, busy ako this saturday." Mabilis kong sagot.
"Bat palagi ka na lang busy Mikai? Galit ka ba?"
"Ay di obvious!" Sigaw ko. "Pa-kiss kiss ka pang nalalaman galing kay Junelle. Dyan ka na nga!" Sumakay na ako ng kotse at pinaandar ito.
"Let me explain first!" Rinig kong sabi niya from the outside. Binuksan ko yung bintana.
"Then explain." Sabi ko.
"She kissed me. Though I must admit, maganda ang paghalik niya. . ."
"Shut up Mr. Panlilio," tigil ko sa kanya. "I had enough." With that, nag drive na ako.
---------------------------------------------------------------------------------------------------
*SA BAHAY*
"Manang, nakauwi na po ba si Kent?!" Tanong ko pagdating ko sa bahay. Walang akong photoshoot or recording for the rest of the week. Obviously nagpalusot lang ako kay Kent. Ayaw ko lang talaga ito makasama. Naiinis pa din kasi ako dun sa nakita kong pic kanina.
"Wala pa siya iha. Nagluluto pa lang ako ng hapunan, gusto mo bang tumulong?" Sagot ni Manang Rita.
"Sige po, magbibihis na lang po muna ako." Umakyat ako sa kwarto ko at natulog na. Five years na kaming kasal pero hiwalay kami ng kwarto. Bonga!
Pagkatapos kong magbihis ng short at blouse bumaba na ako at tinulungan si manang magluto ng sinigang.
"Kamusta naman ang araw mo Mikai? Nasabi mo na ba kay Kent?" Tanong saking ni Manang, habang naghihiwa ako ng kamatis. Alam niya kasi ang sikreto ko. Besides sa best friend ko at sa manager ko, si manang lang ang nakakaalam.
"Di ko pa po kayang sabihin eh." Sagot ko. "Feeling ko, di pa time."
"Kelan naman ang dapat na time Mikai? Asawa mo si Kent, dapat alam niya ang mga pinagagawa mo. Tignan mo, sinusuot mo ang mga pekeng glasses na iyan at ang napaka laking school uniform para di ka makilala. Mikai naman. Sayang ang ganda mo."
"Manang naman, gusto ko pag nalaman ng asawa ko na isa akong signer and model, mahal na niya ako."
"What if kung magalit siya."
"Di magagalit iyon."
"Sinong di magagalit?" Sabi ng boses ng lalaki. Muntikan na ako mapatalon sa narining kong boses. Tumalikod ako at nakita ko si Kent. Nakatayo, nakauniform, at may naamoy akong di ko maintidihan. Alak? Oh god, is he drunk?
"Oh ano? Sinong magagalit?" Tanong niya ulit.
"Wala," sabi ko at tinuon ko ang tingin sa hinihiwa kong kamatis.
"Oh iho, gutom ka na ba?" Singit ni manang. THANK YOU!!!!
"Di pa naman po masyado manang. Sige po manang, magbibihis po muna ako." With that, umalis si Kent. Patuloy na lang kami ni manang magluto.
"Anong meron dun?" Tanong ni manang.
"Nako manang, wag mo na pong pansinin yun." Sabi ko na lang. Kumanta na lang ako, ewan ko kung naririnig ako ni Kent sa kwarto niya, sa lakas ba naman ng boses ko. KABOG! Haha.
![^-^ Secret Fame ^-^ [On Hold]](https://img.wattpad.com/cover/2293821-64-k299623.jpg)