SWEETY

293 6 0
                                    

Thursday Morning

Maaga akong nagising dahil ngayon ang alis namin papuntang DLSU.

"Mami Nang is it Ranz na po ba?"

"Oo anak... bumaba kana"

"Okay po.. Salamat"

Napag-usapan naming sabay nalang kami ni Ranz papunta sa school. 7:30 ang call time namin at kailangan kasi naming makarating sa DLSU ng 8:30. Napagpasiyahan ni President na sa bus ng school nalang kami sasakay instead of using our own cars. Okay lang din naman para hindi na kami mapagod magdrive. At hindi rin naman ordinary school bus ang mga buses sa aming school. It's a luxury school bus.

"Hi!"

"Hi! Babygirl... grabe ang ganda mo naman ngayon"

"Ngayon lang?...hindi ba everyday Zee?"

Tumawa siya.. Nawala nanaman ang kaniyang mga mata.. Singkit kasi si Ranz.. Bakit kaya I'm so attracted sa mga boys na nawawala ang mata kapag ngumingiti? Ganiyan din kase si Ca... Woooohh!! Wait! wait! bakit pumasok siya sa isip ko?

"You okay babygirl?" nag-aalalang tanong ni Ranz sa akin. "

"Yah...yah.. may naalala lang ako.." pilit ang ngiting sagot ko.

"ano naman babygirl?"

"Nothing... just some school work?"

"Ahh...Okay..let's go now baka nandun na sila"

"By the way remember dapat tabi tayo ha?"

"Oo na Zee... as if I have a choice?.. wala rin namang tatabi sa akin diba? remember everyone hates me"

"Tsk..Tsk..Tsk..yun lang ang akala mo"

"What do you mean?"

"Wala...basta dapat tabi tayo.. just me and you...Okay?"

"Yah...right"

Mabilis lang ang aming byahe papunta sa school dahil malapit lang din naman ang Emperial Palace, ang subdivision kung saan ako nakatira.

Sakto ang dating namin at andito narin ang lahat. Ang iba ay nakasakay na sa aming bus. I wore a crop top and I pair it with a high waisted skirt and a classy office coat. I should look presentable dahil hindi rin naman biro- birong schools ang mga kasama namin.

There I saw the higad. She's wearing a floral wrap dress. Pati sa pananamit we are way too different. She likes girly thing and I like bitchy thing.

Lumapit agad siya kay Ranz.

''Ranz, let's go tabi tayo nakapagpareserve na ako ng upuan natin sa bandang harapan "

"Ah...wait Shane kasi nag-usap na kami ni Bernice"

"No it's okay Ranz.. pagbigyan mo na si Shane... You know she seem so desperate for your attention"

"What did you just say?"

"Di mo narinig Shane?.. Sige I'll make it simpler for you. Ang sabi ko pagbigyan kana kase Attention Seeker ka.... gets?"...

"So slow"

Kita kong natulala si Shane sa mga sinabi ko.. Bagay sayo bitch..

"Sige Zee..akyat na ako.. enjoy kayo ha?"

I smirk at pumasok na sa aming bus..

May mga katabi na ang bawat isa. Pinili ko nalang pumuwesto sa bandang likuran. Two rows bago ang pinakalikuran. Pero bago pa man ako umupo nakita ko si Caleb na nakaprenteng nakaupo na sa pinaka likuran. Naka pikit siya at may nakasaksak na earphones sa kaniyang tenga. Malaya ko siyang napagmasdan. He's just wearing a gray sweatshirt and a black pants paired with white sneakers. Naka style ang kaniyang buhok at grabe lang talaga ang dating niya.

"I told you I like it when you look at me that way"

Nagulat ako paano niyang nalaman na nakatingin ako sa kaniya Eh nakapikit naman siya.

Hindi nalang ako nagsalita. Baka hindi naman ako yung sinasabihan niya. Magmumukha lang akong guilty kapag sumagot pa ako sa kaniya.Umayos nalang ako ng upo at sinimulang magbrowse sa aking cellphone.

Limang minuto lang at di nagtagal umandar na aming bus.

I thought makakapag relax ako kahit papaano pero hindi... rinig na rinig sa buong bus ang pabebeng tawa ni Shane. Nakikipag kulitan siguro kay Ranz. Gustong gusto ko na sanang sigawan pero pinigilan ko nalang ang aking sarili. Maya maya pa ay pumasok na ang aming bus sa magarang paaralan ng DLSU. Just like our school napakalaki rin ng paaralan nila. Mayayaman din ang mga estudyante at matatalino rin. Hindi ka kasi basta basta makakapasok sa mga ganitong klaseng paaralan kung hindi ka matalino. Sa parking lot ng kanilang paaralan nakaparada ang mga mamahaling sasakyan ng mga estudyante. May mga buses din mula sa ibat-ibang schools. Marami naring mga estudyante na nagkalat sa parking lot palagay koy kararating din nila. Naagaw ang atensyon ng karamihan ng dumating ang aming bus. Kilala kasi ang aming paaralan at ang Elite Class.

  Isa-isa kaming nagsibabaan. Ang mga gamit namin ay iiwan namin sa aming bus dahil may mga school personnel na nakaassign na magdadala ng aming mga gamit sa kaniya kaniya naming room assignment. Unang bumaba sina Andrew at Kian kilala ang dalawang ito bilang playboy kaya naman tilian ang mga babaeng nakakakilala sa kanila. Sumunod naman sina Samantha, Jhanelle, Bless at Aimee. Magaganda rin silang apat kaya naman agaw pansin din sila. Sumunod si Christof, at kung anong hatak ni Andrew at Kian ay ganun din sa kaniya. He's the 2nd hottest guy sa school remember? Well nung hindi pa dumating si Caleb. Mukha kasing si Caleb na ang 1st, 2nd nalang si Ranz at 3rd naman si Christof. Pati pala dito ay kilala din si Christof. Sumunod na lumabas si Shane at Ranz. At sobra naman ang hiyawan sa kanila. Todo kaway naman si Shane.

"Kahit kailan feeling artista talaga."

Halong pagkamangha at pagtataka ang reaksyon ng mga estudyante sa kanila. Ang iba'y nagtatanong kung sila na ba dahil magkadikit ang dalawa na para bang sila na nga.

Sumunod na lumabas ay ako. Sobrang lakas na hiyawan ang sumalubong sa akin. Ngunit dahil ako si Bernice wala silang nakuhang response mula sa akin. pero sigurado naman akong sanay na rin sila dun. Maya maya ay si Caleb na ang lumabas. Halos lumuwa na ang mga mata nila sa kaniya at sobrang lakas ng tilian.

"Oh my G! sino yan? sobrang gwapo naman niya"

"Ngayon ko lang siya nakita.. May gf na ba yan?"

Puro yan ang naririnig ko pero ang nakakapagtaka ay naiirita ko sa kanila.
Lalo namang lumakas ang tilian nila ng ngumiti ang malanding si Caleb.

Tinaasan ko siya ng kilay at dahil sa school naman namin ay hindi niya pinapansin ang mga nag papacute sa kaniya. At mukhang napansin niya naman kung paano ako mainis sa kaniya.

"What?" he ask me.

"Tsk... flirt" at nilayasan ko siya. 

At hinabol niya naman ako.

"Hey! don't get mad"

Humarap ako sa kaniya.

"You don't want me to get mad?"

"Ofcourse" He answered.

"Then stop smiling"

At ngumiti nanaman siya.

"I said stop smiling"

"Liwanagin natin yang gusto mo"

"Hindi ba ako ngingiti kapag sa ibang tao o sayo ko lang dapat ipakita ang ngiti ko?"

at dahil nababaliw na ako sinagot ko siya ng padalos dalos.

"Both! I don't wanna see you smiling at them at gusto ko ako lang ang nginingitian mo!"

"Sure sweety.. Sayo lang ang mga ngiti ko"

Nahimasmasan ako sa sinabi niya. At hiyang hiya ako sa mga pinagsasabi ko kaya naman tumalikod nalang ako at mabilis na naglakad. Rinig na rinig ko rin ang tawa niya sa likuran ko.

"Ang tanga ko my God bakit ko ba sinabi yun?....nakakahiya"

"Calling the attention of all the participants of today's seminar. Please proceed to the School Hall for the announcement of schedules, room assignments and orientation..Thank you"

MISS EMINENTWhere stories live. Discover now