Pragma, Enduring Love

76 2 0
                                    

IV

Pragma, Enduring Love

May pag-ibig na hindi nabubuo pero kinakailangan ng sakripisyo.

May nagmamahal ngunit nakakalimutang mahalin ang sarili dahil sa itinatagong sikreto; dahil hindi na niya kinayang gawin ito.

May mga bagay rin na binibigyan lamang ng pansin kapag nawala na sa mga palad.

Naging sa 'yo noon pero pinakawalan mo pa dahil sa pagiging bulag at bingi sa katotohanan.

***

AKO SI GIAN, manager sa isang marketing company. Hiring ngayong araw para sa mga new applicant.

Hawak ko ang isang folder at patungo ako ngayon sa 5th floor upang mag-interview. Nainip ako sa tagal ng elevator kaya naghagdan na lang ako. Umaga naman, mas mainam para ma-exercise ang mga tuhod. Nasa ika-apat na palapag na ako nang may

mamataan akong dalawang babaeng naglalakad pababa. Kilala ko 'yong isa,si Alie. Hawak ko siya sa group ko. Nag-uusap sila ng babaeng kasama niya. Nakakadalawang baitang pa lang sila nang biglang na- out of balance ang kasama niya. Dali-dali ko naman itong sinalo.

"Sir, pasensya na po," paghingi ni Alie ng tawad saka hinila ang kasamang babae.

Inayos ko naman ang coat ko. "Ayos lang, pakisabi na lang d'yan sa kasama mong tumingin sa binababaan."

Nakatulala lang na nakatingin sa akin ang babae. Dumiretso ako ng pag-akyat. Madali kong natapos ang pagi-interview sa mga na-hired na employee, isa na rito ang babaeng sinalo ko kanina. Coleen Perez former manager sa

Siya si Princess dating pinapasukang company. Bakit kaya nag-apply siya as assistant dito sa marketing company na to? Hindi ko na pala dapat alamin. Hired naman na

siya. Buti na lang at sa ibang group siya napabilang. Siya ang pinakamatagal kong na-interview. Hindi kami natapos kaagad dahil paligoy-ligoy siya. Parang sinasadya niyang matagal kaming magkausap.

"Good morning, Sir," bati sa 'kin ni Alie. Ginantihan ko naman siya ng bati.

"Good morning, Sir!" Dinaig ni Princess ang

mikropono sa opisina. Inayos ko ang eyeglasses ko at tinanguan si Princess.

Pangtatlong araw pa lang niya sa trabaho ay immune na ang utak ko sa noise pollution niya.

Tumikhim ako bago pumasok sa opisina ko. Nagulat ako dahil nasa likuran ko na pala siya, tila hindi siya nangangawit sa pagngiti.

"Ano'ng kailangan mo? Oras ng trabaho mo 'di ba?"

"Meron, sir. Just sign all these." Lumapit siya sa table ko at ibinaba ang tatlong folder. Binuklat niya ang mga 'yon at kinuha ang mga papel.

Nakaramdam ako ng pagkaasiwa. Nakatitig kasi siya sa 'kin dahil dito at minadali kong pirmahan ang mga papel.

"You know what, Sir... I like you."

Napahinto ako sa pagpirma at marahang napatingin sa kanya. "This is not the time of joke. Working hour ngayon." Natatawa kong pinirmahan ang huling papel. Inayos ko ang mga iyon at inilagay sa folder.

"Whatever you say, I'll court you, sir."

Lalo akong natawa sa sinabi niya. Nasa wasto ba ang katinuan niya? Siya ang babaeng nagtapat sa isang lalaki, tapos manliligaw pa?

What's going on?

"You know what, Ms. Perez? Mag-almusal ka tuwing umaga, ha. Nagugutom ka yata."

Kinuha niya ang mga papeles. "No, sir, this is not gutom only. Genuine feelings po to. Mahal po talaga kita."

Broken Status (Published under Binhi Publishing House)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang