AKO SI KAREN. Sa lawak ng unibersidad na kung saan ako nag-aaral ay minsan ko lang mapuntahan itong gymnasium.
Pagpasok ko sa loob ay naabutan ko ang mga basketball player na naglalaro. Nagpa-practice siguro sila sa darating na laro. May mangilan-ngilan na mga estudyanteng nandito. Maririnig ang sigawan ng cheering squad. Kanya-kanya siguro silang bet sa basketball players. Naupo ako sa isang bakanteng kulay blue na silya na may numerong fifty-five. Akala ko makakapagbasa ako nang maayos dito dahil air- conditioned ang buong gym kaya nagpunta ako rito. Hindi pala...
Sinimulan kong buklatin ang notebook ko. Makalipas ang ilang segundo ng aking pagbabasa nang biglang may tumamang bola sa tabi ko, at sa gulat ko ay nabitiwan ko ang binabasa ko.
"Sorry, Miss! Natamaan ka ba?"
Naiangat ko ang ulo ko habang pinupulot ang notebook. Isang basketball player ang natanaw ko. Puno ng pag-aalala ang mga mata niya habang hawak ang bola't nakatingin sa akin.
"Ah, hindi ako natamaan, muntik lang."
Napangiti siya, lumabas tuloy ang dalawang dimples niyang malalim.
"Mabuti naman kung gano'n. Sige, miss, sorry ulit."
Ngumiti lang ako at sinundan siya ng tingin hanggang sa makabalik siya sa court. Naglaro na ulit sila habang ako nama'y panay ang buklat ng notebook. Nawala na kasi sa isipan ko kung ano ang huling binasa ko kanina.
Nang marinig ko ang bell ay napatayo ako't sinimulan ko nang maglakad palabas ng gym.
"Miss na naka-stripes green shirt!"
Napahinto ako at napalingon. Alam kong ako ang tinatawag. Ako lang naman kasi ang nakasuot dito sa loob ng gym ng green stripes. Nakita kong papalapit sa akin ang isang lalaking may malalim na dalawang dimples. "Hi! Gusto ko lang sanang mag-sorry ulit." Napangiti siya pati na ang mga mata niya. Iba na ang damit niya. Nakasuot siya ng kulay green na RRJ T-shirt.
Green? Uy! Soulmate kami. Wow!
"Ikaw talaga. Hindi naman ako natamaan kaya hindi mo kailangan mag-sorry nang paulit-ulit." Naglakad akong muli.
Napakamot naman siya sa batok. "Miss, ako nga pala si Kenneth."
"Karen," pagpapakilala ko sabay tanggap ng kamay niya at nag-shake hands kami. Tila may kuryente akong naramdaman kaya bumitiw kaagad ako sa mga kamay niya. "Saang department ka? Ngayon lang kasi kita nakita rito," tanong niya.
Tama nga naman siya, minsan lang kasi ako magawi sa main.
"Accountancy. Hindi naman ako kalayuan, madalang lang talaga akong magawi rito. Ikaw ba?"
"Ako, sa tabi lang ng gym 'yong department ko." Napatango lang ako.
Sabay kaming naglakad, hinayaan ko lang na magkasabay kami. Nang hindi inaasahan ay bumuhos ang malakas na ulan. Naipandong niya sa ulo ko ang dala niyang bag at hinila ako sa malapit na masisilungan.
BẠN ĐANG ĐỌC
Broken Status (Published under Binhi Publishing House)
Ngẫu nhiênAng mga kwentong nilalaman ng librong ito ay para sa mga taong umibig pero nasawi. Para ito sa mga minahal pero niloko. Para sa mga may minahal pero umasa. Para sa mga kinaibigan pero kailaman ay hind iibigin. Para sa mga taong wagas magmahal ngunit...