IV

101K 3.4K 1.4K
                                    

MAHIGPIT NA NIYAKAP ni Flexus si Cristina matapos niyang buksan ang ilaw ng kwarto nila. Nanginginig ang kanyang asawa habang tuloy lang ito sa paghagulgol sa dibdib niya.

"Hey, Cristina... it's okay... it's okay..." pagkatapos ay iniangat niya ito upang pagmasdan ang luhaan nitong mukha. "Look at me, hon..."

Marahan naman itong nag-angat ng mukha upang tumingin sa kanya. Wala na ang bakas ng matinding takot sa mga mata ng kanyang asawa.

"See..." ngumiti siya rito. "I have a head. Baka guni-guni mo lang iyon kanina dahil lampshade lang ang ilaw kanina..."

Inaaninag pa rin siya ng kanyang asawa.

"Cristina... namalik-mata ka lang, okay?"

Pagkatango nito ay mahigpit siya nitong niyakap. "Flexus... natatakot ako... natatakot ako..." napahagulgol itong muli.

"Shhh... andito lang ako. Andito lang ako..." alo niya rito. Nang kumalas ito sa kanya, ginawaran niya ito ng halik sa noo. "I'm here... sleep na tayo..."

Tumango ito at umayos na ng higa. Tinabihan niya ito at yumakap ito sa kanyang dibdib. Nanginginig pa rin ito.

Panay lang ang alo niya rito. Hanggang sa hindi niya na rin namalayang nakatulog na pala siya. Nagising lang siya nang may biglang lumagabog.

Napabalikwas siya nang bangon. Dali siyang tumayo at lumabas ng pinto. Tinungo niya agad ang kwarto nina Vanessa at Apple na katabi lang ng kwarto nila.

Nangunot ang kanyang noo nang may mapansin siya. Bakit – bahagyang nakabukas ang pinto niyon? Kinabahan siya. Nag-alala siya sa mga anak. Marahan siyang humakbang patungo roon. Nang marating niya iyon ay agad na sinalo ng kamay niya ang doorknob ng pinto at marahang itinulak iyon. Pagkatapos ay sinilip niya ang loob ng kuwarto.

Madilim at wala siyang makita. Kinapa niya ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto. Binuksan niya iyon. Nakahinga siya nang maluwag ng makitang tulog na tulog naman ang dalawa..

Isinara na ni Flexus ang pinto. Pero nagtataka pa rin siya. Sinigurado niyang sarado ang lahat ng mga pinto ng kwarto ng dalawa niyang anak.

Bakit bahagyang nakabukas ang pinto ng kwarto ng mga ito ngayon? Unless na lang kung may sumilip sa kwarto ng mga ito. Napailing na lang siya. Siguro'y sinilip ni Cristina ang mga bata kanina at nakalimutan lang nitong isara ang pinto.

Muli na siyang bumalik sa kwarto nilang mag-asawa. Malalim pa ang gabi. Ang kaso, papasok pa lang siya ng pinto nang may namataan siya sa hagdan.

Sino iyon? May nakita kasi siya. May babaeng pababa ng hagdan! Mahaba ang buhok nito, naka-itim at nakayapak! Kahit madilim at naaninagan niya ang anyo nito ay tiyak niyang hindi ito si Cristina.

Agad niya itong sinundan. "Excuse me?!" Sigaw niya rito. "Hey!"

Hindi ito lumingon. Tumuloy lang ito sa pagbaba hanggang sa mawala sa paningin niya.

May taong nakapasok sa bahay nila?

Tiniyak niya namang naka-lock ang lahat ng pinto bago siya umakyat kanina.Nawindang siya bigla. Mabilis siyang bumaba ng hagdan. Nasaan na kaya iyong babae? Tapos nagulat siya. Kasi – bukas iyong main door nila!

Nakadampot agad siya ng pamalo at nakaamba siyang humakbang patungo doon.

Posible nga kayang magnanakaw iyon? Paano nakapasok sa bahay nila iyon? Nai-lock naman niya nang maayos ang pinto. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib.

Dahan-dahan siyang naglakad. Hanggang sa heto na siya na halos mapapikit sa kaba. Lumingon pa siya sa kanan at ganoon din sa kaliwa. Wala!

Nagpatuloy siya sa paglalakad nang palinga-linga ngunit wala na talaga.

InsanusDonde viven las historias. Descúbrelo ahora