Chapter 5 - Away na This

3 0 0
                                    

[A:N - Diana in the pic]

Noela's POV

"Saan kaya pumunta si Dian?" pagsasalita ko sa sarili ko "Huy Noel, alam mo ba kung saan pumunta si Dian?" tanong ni Matt "Aba malay ko. Ayun nga rin iniisip ko. At paano ko naman malalaman e mukhang iniiwasan niya ako? tsk" sabi ko "Ikaw rin?" sabi naman ni Matt

"Nakita ko siyang may kasamang lalaki sa principal's office. And to be honest, I think its my fault kaya niya tayo iniiwasan" pagsulpot na sabi ni Euri "Nakakabigla ka naman Euri. Sa susunod nga wag ka bigla-bigla magsasalita ng hindi ko namamalayan na nandiyan ka na pala" sabi ko ng naiirita

"Ano to? Away na naman?" tanong ni Matt "Ewan ko sayo" sabi ko at palabas na sana "Saan ka pupunta?" tanong ni Euri "Edi sa canteen ta absent daw yung prof" sabi ko at sumabay naman sila

Diana's POV

"Haaay, sa wakas, nasa classroom na rin" sabi ko at pumasok na kaso "Waaaah, tapos na yung class ni Sir T-T Paano na yan? huhuhu" sabi ko ng nangiyak-ngiyak sa floor kasi hindi ko maaasahan yung magkapatid ta galit nga ako sa kanila "Miss, sorry. Hindi ka nakapunta sa klase mo ng dahil sa akin" sabi ng katabi kong si Yuta

"Wala ka ng magagawa e, tapos na. Pero pabayaan mo na ta iintindihin ko na lang kaya wag kang maingay sa tabi ko" sabi ko at umupo na sa upuan ko at may vacant sit naman sa gilid ko ta absent yung nakaupo doon "Ano ba yan?" tanong ni Yuta

"Geometry" sabi ko pero kahit anong intindi ko, wala akong maintindihan "Ahh, madali lang yan. Ganinto yan, makinig ka ha. Ituturo ko sayo yung shortcut" pagtuturo niya "Woah! Ang dali lang pala. Grabe, ang galing mo naman" sabi ko dahil madali lang talaga siya dahil sa pagturo niya

"Basics lang kasi yan, promise. Hindi sa nagmamayabang ako pero, nabasa ko na yan nung Grade 4 ako, kaya madali na lang sa akin. Self study kasi parati ang ginagawa ko kaso gusto pa rin ako pag-aralin nina mommy at daddy sa school kaya pumayag na ako" sabi niya

"Gah, palit tayo ng utak, hahaha" alam ko corny "Hehe, school na lang" sabi naman niya "Saan yung canteen niyo dito? Nagugutom na kasi ako. Hayaan mo, libre kita since tinulungan mo akong makapasok dito" sabi niya kaya pumayag naman ako. LIBRE daw kasi e

"Uhm, Ms. Kang-" sabi niya kaso "Just call me Dian or Diana but I prefer you calling me Dian" sabi ko

"Oh ok, Dian. Pero ano ba yung mga masasarap na pagkain dito? I wanna try it. Never pa kasi ako nakatikim ng ganyang mga pagkain" sabi niya "Weh? Ang dami-daming nagtitinda diyan sa labas at kahit ni isa, wala ka pang natikman?" Ano bang mga kinakain nito? Mga ginto?

"I wanna try it but my mom won't let me. Yung mga lalaki sa labas ng school, mga bantay ko yan. Over protected kasi si mommy" sabi niya "Obvious nga. Kaya habang wala sila, magfoodtrip tayo dito sa canteen, haha" sabi ko at pinili na yung mga masasarap na pagkain

Pagkatapos naming pumili, kinain na namin yung mga binili ni Yuta "Ahhh, busog na ako" sabi ko "Tama ka nga, ang sasarap ng mga pagkain dito" sabi niya "Ano ba mga kinakain mo? Mga ginto?" tanong ko

"Hindi naman sa ginto pero choosy kasi si mommy. Bibili na lang basta siya kapag gusto niya. Hindi na niya tinitignan yung presyo" sabi niya "Grabe naman pala ang mga parents ng mayayaman. Kasi pati yung magkapatid na kaibigan ko, protected din sila ng parents nila" sabi ko

"Talaga? So it means na mayaman sila?" tanong niya "Yep, super" sabi ko "How come they're studying here? Its so unfair" sabi niya at nagpout "Wag kang magpout kung ayaw mong masaktan. At curious nga rin ako kung bakit dito sila nag-aaral e" sabi ko

Noela's POV

"Huy, si Dian yun diba?" tanong ko "Oo nga noh" sabi ni Matt "He was the guy I was talking too a while ago" sabi ni Euri ng nakapoker-face "Anong problema mo, Euri? Hindi ka naman ganyan dati ah" tanong ko

"Wala" sabi niya at biglang tumayo "Bro, saan ka pupunta?" tanong ni Matt "I can't take it anymore. Can't you see that Dian is avoiding us? And if we continue on doing nothing, she might make new friends and forget us" sabi niya ng parang pinagsasabihan niya kami

"Bro, relax" sabi ni Matt "Why would I even relax if Dian is almost being close to that guy while she's avoiding us?" sabi niya na naman "Hoy ikaw, umupo ka nga muna" susugod na kasi sana siya kaso pinigilan namin ni Matt

"Umamin ka nga sa akin. May gusto ka kay Dian noh?" direct to the point na tanong ko "Tsk, wala" sabi niya ng nakapamulsa yung ulo niya sa lamesa, yung parang matutulog "Kilala kita Matt. Sa habang buhay ba na magkasama tayo sa iisang bahay at paaralan, sa tingin mo hindi ko makakabisado mga galaw mo? Kahit man lang kaunti?" sabi ni Matt

"Ok, fine, I admit it. I truly had gotten by her, happy? Its just that I feel something weird when I'm with her" sabi niya ng nakatingin kay Dian "Sinasabi ko na nga ba. Umpisa pa lang, pinaghihinalaan na kita na may gusto kay Dian. Hinihintay ko lang yung panahon na ikaw mismo ang magsabi sa kanya. Kilala ko na mga galaw ng mga lalaki noh" sabi ko

"Ang dami mong alam, tsk" sabi ni Euri "Oh, nasaan si Matt?... HOY MATT!!! BUMALIK KA DITO!!!" sigaw ko kasi papunta siya sa direksyon nina Dian kaya napatingin ang lahat sa akin. Mismo si Dian at yung kasama niyang lalaki "Saglit lang, kukuha lang ako ng tubig para kay Euri" sabi niya kaya yumuko na lang ako at umupo na

"Euri!!!? As in Prince Euricis!!!? OMO!!!" sigaw nung mga babae at pumunta sa place namin "Simula na ng kapaguran nina Euri at Matt" sabi ko at umalis na kasi alam kong may mangyayari at napahiya kaya ako kanina

Diana's POV

"Anong meron doon?" tanong nitong si Yuta "Yung magkapatid na sinasabi ko sayo. Sikat sila dito sa school kaya ganyan. Siguro meron ding ganinto sa school niyo? Sikat ka rin noh?" sabi ko "Hahaha, bakit mo naman nasabi?" tanong niya

"Ta kahit papaano naman, may itsura ka rin naman" sabi ko " Lahat naman ng tao may itsura ah, hahaha!!!" tawa niya "Common sense. Pero yung totoo, sikat ka noh?" pilit na tanong ko pa rin

"Ewan ko, pero hindi ako kasing sikat ng mga ibang tao doon sa school. Sa tutuusin nga, ayokong maging sikat kasi palagi na lang problema ang nakukuha ko sa tuwing pagpasok ko ng school" sabi niya ng malungkot

"Meron din yan dito, kaya parehas lang yung mararanasan mo kung dito ka mag-aaral. Mas lalong malala kung dito kasi maraming nag-aaral dito ta public nga ito. At baka mamaya, mabugbog ka pa ng mga syota ng mga babae dito kasi gwapo ka rin naman katulad nung magkapatid" sabi ko

"Mas mabuti na yun kaysa sa school ko. Kasi kapag mayaman ka, kontrolado ka ng parents mo. Hindi ka magiging masaya kahit pa bigyan ka nila ng bigyan ng pera. Aanhin mo ang pera kung wala naman yung buhay na gusto mo? Diba?" Sabi niya

"Tama ka nga naman. Pero change the topic na nga. Ayoko kasing may nakikitang taong malungkot sa harapan ko. Lalo na kapag kausap o kaibigan ko. Kaya ngiti ka na diyan" sabi ko at ginawang smiling face yung mga labi nya

"Edi ngumiti ka rin, hehehe" sabi ko at nabigla ako sa ginawa niya dahil yung magkapatid lang yung gumagawa nun sa akin "Thanks, you made my day amazing" sabi niya habang pinapat yung ulo ko ng nakangiti

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Life ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon