Thirty Seven

1.9K 54 7
                                    


Chapter Thirty Seven
I'm Leaving


KATHRYN



Pagkatapos ng usapan namin nung madaling araw parang naging casual nalang kami ni Kiera.

At dahil sa usapan namin, unti unti narin kaming nagkakaliwanagan. She didn't intended to hurt me because I know she was also hurt about what happened to us.

That talk was like a closure from our past.

Busy si Aly sa Mendeoz brand clothing niya at sa shooting naman si Selena. Nandito ako ngayon sa coffee shop ko nagbabasa lang ng libro ng umupo si Dane sa tabi ko.

Oo nga pala, may isang taong hindi busy ngayon sa trabaho pero busy sa pangungulit sa akin.

Tumungin ako sa kanya ng masama. Distorbo siya sa pagbabasa ko eh. Pero hindi niya ako tinignan busy lang siya sa pag kain niya ng cake.

"Spill it." binaba ko yung libro na hawak ko kanina, tumingin siya sa akin saka ngumisi. Bwisit talaga to! Nagiging ugaling Selena eh.

"Can you stop hanging out with Selena! You're creeping me out." inis na sabi ko sakanya pero hindi niya pinansin yun saka dinikit pa ang upuan niya sa upuan ko.

"So what's your plan?" curious niyang tanong. Oh see? Nag uugaling Selena eh. Chismosa.

"Plan?" kunwaring balik kong tanong. Nag roll naman siya ng eyes. "Hindi ka bobo para hindi maintindihan ang tanong ko. Come on Kat! Cat! Kitkat Kitty Kitty Cat! Show me your sexy brain." sabi niya kaya binatukan ko. Bwisit porke matalino rin siya eh.

Nagmaangmaangang tingin naman ako sa kanya. Nagtitimpi naman siya ng inis. "Ano ng meron sa inyo ni Axein? Ayan tagalog na yan ha!" sabi niya sa akin at nagroll pa ng eyes. Asar din to eh.

"Wala nagkamustahan lang kami hindi namin pinagusapan yung feelings namin. Kung mahal pa ba niya ako o mahal ko pa ba siya---" she cut me.

"Mahal mo pa ba siya?" natigilan naman ako sa tanong niya at tumingin ako sakanya ng matagal.

"And since when did I stop loving her? Kahit nga sirang sira na sarili ko noon siya parin naman iniisip ko ah." sabi ko saka inis na sumandal sa chair ko.

Naramdaman ko naman na napatahimik siya sa sinabi ko. "But... Are you okay now? Emo...tio..nally and Men...tally?" maingat niyang tanong sa akin habang pinapanood ang magiging reaction ko.

I deeply sigh.

"Still on the process of healing." simpleng sagot ko sakanya na ikinatahimik niya ulit.

After how many minutes of silence nagsalita ulit ako. "I'm leaving." sabi ko sakanya at nagtaka naman siya.

"You--what?" tanong niya. "I'm leaving next week." pag uulit ko.

"Okay... Saan? Sama ako sayo. Hindi naman ako busy." saka siya ngumiti sa akin pero umiling lang ako. "Aalis ako ng Pinas." sagot ko naman na ikinatigil niya sa pagkain ng cake.

Alam ko. Masyadong biglaan. Masyadong mabilis. Pero nakakatakot. Ngayon na nandito na si Kiera... natatakot akong piliin na naman siya, unahin siya kesa sa sarili ko.

My love for her will be the death of me.

Nakakatakot kung hanggang saan kaya kong gawin para sakanya.

"Wh---why?" gulat niyang tanong. "Hindi nalang palagi akong ganito. Dane, I need to get my shit together. You guys are all successful parang pinag iiwanan na ako ng mundo. I'm still stuck about what happened two years ago at hanggang ngayon mahal ko parin siya, hindi na ako nakakasunod sa pag galaw ng mundo. I'm still here waiting for her to come back to me and that is really stupid." naiiyak kong sabi sakanya.

Forbidden Love [EDITING]Where stories live. Discover now