Chapter 35

9.8K 202 24
                                    

-Hana's POV-

Juice colored. Hindi ko alam kung ilang securities yata ang tinaguan at pinagtripan ko bago ako makalabas ng gate. Tumingin naman ako sa relos ko at isang oras nalang bago ang nakatakdang oras. 

Agad ako pumara ng taxi at dumiretso sa pinuntahan ko. 

Hindi ko alam pero sa loob loob ko, kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari mamaya. Mas lalo akong kinabahan dahil alam kong nilalagay ko sa delikadong sitwasyon ang batang nasa sinapupunan ko. 

Napahawak ako sa may bandang tiyan ko at tumingin ako sa may labas ng bintana.

Pangako. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa ating dalawa. 

10:25 pm

Nakarating na ako sa nasabing lugar at isa iyong abandoned warehouse. 

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko saka ako naglakad papasok. Puro dilim lang ang nasa paligid ko nung biglang lumiwanag ng kaunti sa loob. 

"Finally, you're here." Narinig kong may nagsalita sa likod ko kaya agad napalingon. 

Pero sa paglingon ko, hindi ko inaasahan ang nakita ko.

"I-IKAW?!"

-Shin's POV-

I was too busy looking over the medical results when Sulli came banging on the door.

"Oppa!" Bulalas niya pagkapasok niya sa office ko. As the son's owner of this hospital, of course I have my own space. 

"What is it?" Napakunot ang noo ko sa ekspresyon ni Sulli. Mukha siyang may pinoproblema or what. Perhaps may nangyari kay Jop? "May problema ba kay Jop?" Agad akong napatayo at the thought. 

Umiling siya pero nilabas niya yung phone niya. "Yaya Celli called me. Sinusubukan ka daw niyang contact-in pero hindi ka daw niya ma-reach." 

That made me check on my phone and found out it was low on battery. "Lowbat pala. Pero bakit naman daw siya napatawag?"

"Oppa.... Hana's missing!" 

It took me seconds before the words registered on my brain. Hana's what?!

Napuno ako bigla ng kaba at pag-aalala. Why the hell is Hana missing and where would she have gone to?!

"Lend me your phone." Inabot naman sa akin ni Sulli yung phone niya and I dialed Hana's number.

Nagr-ring yung phone pero walang sumasagot. Lalo akong kinabahan. Damn! Please don't tell me that something bad happened to her. 

"Gaano katagal na daw siyang nawawala?" 

"Sabi ni Yaya Celli, mga 30 minutes ago pa daw nung umalis si Hana sa bahay."

"And why didn't the securities there notice her leave?"

"They checked the cameras daw and apparently, she was hiding and escaping from them na parang ayaw niyang may makakita sa kanya at may makaalam kung saan siya pupunta."

BAM!

Halos magulat si Sulli sa ginawa kong pagsuntok sa table ko. Nalaglag naman ung ibang gamit ko sa may sahig and I was clutching onto Sulli's phone tightly. 

"Lend me your phone for awhile. I'll look for her." Kinuha ko ung jacket ko and car keys ko at umalis ng kwarto. Nagmadali akong pumunta sa may parking lot at bumalik sa bahay.

Pagpasok ko, nakita ko si Yaya sa may sala kasama ang ibang maids na mukhang nag-aalala din kung nasaan na si Hana.

"Yaya, tell me what happened." Sabi ko. 

"Young Master," Sabi niya. In-explain niya sakin ang nangyari at dumiretso naman ako sa kwarto para tingnan kung may kahit anong note na iniwan si Hana kung saan siya pupunta. 

Pero ni isang papel ay wala akong nakita sa kwarto until I saw her phone inside the drawer. Kaya pala walang nasagot dahil iniwan niya ito. 

Agad kong tiningnan iyon, nagbabakasakaling malaman kung saan siya nagpunta until I saw one of her logs. 

Unregistered number. 

Tiningnan ko ung oras at napag-alam kong it was 5 minutes before Hana tried to leave the house. 

Kinopya ko ung phone at sinend kay Jam. I told him to trace the owner of the number saka ko napansin ang isang draft message para sakin.

Nakita ko ung isang message na sinend niya sa'kin na "Sorry Shin, I promise I'll be back."

Pero sa baba nun ay may isa pang message na hindi niya si-nend. 

***** address. 

Kung hindi man ako makabalik sa bahay ay diyan ako nagpunta. I Love You, Shin. Sobrang mahal kita at ang mga bata, always remember that. 

Agad akong nagmadaling lumabas ng bahay at pumunta sa address.

My god Hana. Please be okay. Please. I'm not ready to lose you yet. Please Hana. 

***

A/N: Sorry for the delayed updates. Kakastart palang kasi ng sembreak namin eh hahaha. Anyways, don't forget to leave your VOTE and COMMENT.

'I Love You, My Arrogant Cosplayer' is also updated at yung 'The Wrong Boyfriend ay iu-update ko mamaya or bukas. 

Tons of thanks~! ^_^

|COMPLETED|Public Vs. Private: Hana and Shin's Married Life (FF)Where stories live. Discover now