Chapter 28

19K 346 80
                                    

-Hana's POV-

"O'? Bakit parang pulang-pula ka diyan?" Tanong ni Shin. Kakababa niya lang galing sa taas at sinabi niya siya na daw ang magluluto ng kakainin namin. Kahit na gusto ko magvolunteer, hindi ko naman magawa dahil feeling ko umalis yung kaluluwa ko sa katawan ko. @__@

"W-Wala! Napadami lang yung paglalagay ko ng blush on na binigay ni Coleen last Christmas." Pagpapalusot ko. "L-Lalabas muna ako!"

Hindi ko hinintay sumagot si Shin at dali-dali akong tumakbo palabas ng resthouse. Umupo nalang ako doon sa may buhangin sa harap ng dagat saka ko hinawakan ang nag-iinit kong pisngi.

>//////< Oh shoot! Hindi kasi talaga mawala sa isipan ko yung tinext ni Sulli. Waaaah!!!

Kahit na alam kong hindi naman nila kami pinipilit na magka-baby agad ni Shin, siyempre, hindi ko naman maiwasan maalala yung sinabi ni Mama. Tapos hindi ko rin alam kung bakit naisipan bigla ni Shin na mag-bakasyon sandali sa trabaho niya at dinala kami dito, KAMING DALAWA.

Hindi naman sa hindi ko pinagkakatiwalaan si Shin pero -_____- alam mo namang palaging may surprises na dala iyon kahit saan magpunta. Ano naman kayang klaseng surprise ang dala niya ngayon? Ay jusme, parang ayoko na isipin! >__________<

Kaya nga hindi ko alam kung paano maging nanay doon sa kambal eh kasi maski ako isip bata pa! Hindi ninyo na kailangan ipa-mukha pa sa akin iyon.

"HAAAAAAAY!!!" Napabuntong hininga nalang ako para mabawasan man lang kahit konti ang bumabagabag sa isipan ko. Kainis naman talagaaaaa!!

Ginulo ko yung buhok ko at humiga sa may buhangin. Kung sakali mang mangyayari iyon, handa na ba ako?

AIIISSSHHH!!!! Nababaliw na talaga ako! Ang sarap ikulong ng sarili ko sa mental!

**

Mga hapon na at malapit na magdilim nung kumain kami ng hapunan ni Shin. Ang aga nga eh~ Pero nagutom ako ng maaga kaya ayon, napaaga ang kain! ^__^

Napatigil naman ako sa pagsubo nung nakita kong nakangiting nakatingin lang sa akin si Shin. Alam mo yun? Feeling ko natutunaw ako. >//>

"B-B-Bakit?!" Medyo nataasan ko yata ang boses ko kasi kinakabahan ako. Or dala lang yata ng kilig iyon.

"Nothing. Iniisip ko lang na wala ka pa ring pinagbago simula nung makilala kita noong highschool hanggang ngayon. Matakaw ka pa rin at may black hole sa tiyan. Haha!" Sabay tawa niya saka siya nagsimulang kumain.

Tinitigan ko naman siya ng masama. "-___-++ Tss. Eh kung batukan kaya kita nang matigil iyang pagt-throwback mo diyan sa isipan mo!?" Pagbabanta ko sabay turo sa kaniya ng tinidor ko. Sharp object din ito ano!

"Sure kang babatukan mo lang ako? Isasaksak mo yata iyang tinidor na iyan sa akin eh." Sabi niya.

"Pwede din! Kung hindi ka mananahimik!" Natawa naman siya doon sa sinabi ko. Sige tawa pa. =_________= Bumalik nalang ako sa pagkain habang busy siya sa pagtawa. Nakakainis! Mawalan ka sana ng hangin. Tss.

|COMPLETED|Public Vs. Private: Hana and Shin's Married Life (FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon