Chapter Thirty - One

435 13 12
                                    

I love you, goodbye.

Kathryn's POV

"Kath! Bilisan mo nga dyan! Male-late na tayo!"

Grabeng concealer ang nilagay ko sa eyebags ko. Eh sa ang laki eh. Mas mabigat pa sa maletang dadalhin ko.

Bumaba na ako at agad namang hinablot ni kuya ang maleta ko.

"Ano ba kuya? Ikaw ang ga-graduate? Ganun?"

"Tss. Bilisan mo nga sabi!"

Ano ba yan! Excited masyado.

Ang daming good news. Valedictorian ako! Talino ko no? Hahaha di lang halata. Isa ako sa mga nanalo sa contest. Di naman masyadong maganda ang boses ko eh. Pero sa halip na maging masaya ako sa mga balitang yan, umiiyak ako. Ang unfair talaga. Yung barkada, for sure, ang saya saya nila kasi tapos na ang kalbaryo ng HS. Yes, masaya naman ako na atlast, paid na lahat ng sacrifices ko. Pero hindi ganun kasaya gaya ng barkada.

"Kathryn Chandria M. Bernardo, valedictorian"

*clap clap clap*

Kumapit ako sa braso ni kuya at sabay kaming nagmartsa papuntang stage.

Sinuotan ako ng medal at umupo sa vacant chair sa stage. Magkabilang dulo kami nung salutatorian.

Pagkatapos magmartsa ang achievers ay nagsalita na ang mga teachers.

Habang nagsasalita si Sir ay napatingin ako sa harap. Sa barkada.

Kay Julia na umiinom ng tubig. Kay Kiray na namamaypay. Kay Yen na nagpu-punas ng pawis. Kay Quen na tamad na nakasandal sa upuan nya. Kay EJ na, seryoso sa pakikinig. Kay Neil na nakikipag-harutan sa katabi nyang si Jake. Kay Daniel na...naka-shades lang. Bakit sya naka-shades? Baka matulog? Oh well, para lang silang wala. So yun na talaga yun? End of friendship na? Ni hindi man lang nila ako pinakinggan.

"And now, let's hear our valedictorian's speech"

Hala. Di ako nakapag-ready!!

Tumayo na ako at kinuha yung microphone.

"Uhm, good morning teachers, parents and to my fellow graduates! Haha di ako ready. Geez! Okay, graduate na tayo guys! Grabe. Parang kelan lang nung una tayong nagki-kita-kita ano? Ang awkward nun! Pero nandito na tayo ngayon. This is it guys! Sana walang magkakalimutan kahit college na tayo. Friendship means understanding, not agreement. It means forgiveness, not forgetting. It means the memories last, even if contact is lost. Tandaan nyo yan ah! Ay alam nyo yung "Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso...extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunog kang makinig, marunong kang magmahal?" Totoo talaga yan .You have to listen, diba yan ang laging tinuturo ng mga guro natin? Alam nyo kasi, pag nagsisigawan lang kayo, kapag di kayo marunong makinig, para nyo na ring tinutulak palayo ang mga taong nagmamahal sayo. So yeah, cherish everything. Isa yan sa natutunan ko kay Miss Ortega. Diba Miss? Miss, sino yan ha? Hahaha so yeah, I want to thank God the Father for giving us the chance to reach our dreams. For letting us go through this journey. Gusto ko ding pasalamatan ang mga magulang ko sa paaralan. You've been a really good parent-slash-teachers to me. Kahit minsan ay nakakainis ang sunod-sunod na projects, love pa rin namin kayo. Thank you din pala sa mga magulang na sumusuporta at gumagabay sa mga maswerteng graduates dito. And to my fellow graduates!! CONGRATULATIONS!!! Love you all!!"

*clap clap clap*

Bumalik na ako sa upuan ko and the program goes on.

Pagkatapos ng ceremony ay marami ang nagp-picture taking. Yes, pati ang barkada... ng wala ako.

"Chands! Congrats princess! Kahit ang epic ng mukha mo kanina nung nags-speech ka, nakaya mo pa rin. I'm so proud of you!"

"Nakakainis! Thank you kuya. Thank you for being my everything. I love you"

Forever And Always (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon