Chapter Thirteen

671 19 8
                                    

Neighbors

This is it! Lilipat na ako sa Inferno! Yehey! Ang sayaaa! Lalo na't lahat ng kasama mo, demonyo? Naku! Pa-party na tayo! Ilabas ang lechon na may apple!

BW*SIT!!

*DIIIINNGGG DOOONNGG*

Pang-limang doorbell ko na yan ah

(Someone opened the door)

"Hi queen bitch! Welcome home!" si Julia po yan. Julia Francheska Barreto a.k.a BARRETA ayy este Cheska pala psh Ang ganda ng pangalan pero yung nagdadala... uhmm nevermind

"Oh! Hi to my belovedslave! Paki-lagay nga tong bag ko sa itaas. Salamat *smirk*" 

Wala ba talaga siyang planong papasukin ako sa PAMAMAHAY KO??? psh kami nila mommy ang nauna dito diba? Kaya apparently, sa AKIN na toh kasi wala na si mommy. And yes, hindi si daddy ang nagpatayo ng bahay na toh. Si mommy pa nga mismo ang nag-design eh. Pati yung pera kay mommy kasi walang-wala si daddy nung naging sila ni mommy pero ano ngayon? Inaabuso niya lang ang lahat ng pinag-hirapan ni mommy. Inaangkin pa nga eh at eto namang fiancee niya, feel na feel ang kayamanan na sinimulan ni mom. Mga bwsit nga kasi!!

"Hoy! Anong tingin mo sa akin? Katulong?" Cheska

"Hmmm sa nakikita ko ngayon *tinignan ko siya mula ulo hanggang paa* bagay pala sayo maging yaya ko noh? Baka gusto mong mag-apply? Don't worry, malaki ang pa-sweldo ko. Ano, game?" Ang bongga ng pagka-pula ng mukha niya sa sobrang inis! Ang sama ko ba? Di naman, sadyang pikon lang yan masyado. 

"Arrgghhh! Mom! Andito na yung bruha!"

Arrgghhh nangangayat na ako kakatayo ah. Isama mo pa yung mga maleta kong ang lalaki. Walangyang toh

"Hello sweetie!! Dali, pasok ka. Nag-hihintay yung daddy mo sa sala" Si Marjorie yan. Ang malanding nanay ni Cheska. Ang bait noh? During occassions at kung andito lang si daddy yan nangyayari. Pero kung wala? Ang sungay niyan abot rooftop ng 10 000 storey building tapos ang buntot nya, mas mahaba pa sa EDSA!! Tapos isama niyo pa ang usok na nakapilagid sa kanya sa sobrang init.

"Stop being so plastic Marj" sabi ko sa kanya at nilagpasan lang sya. She doesn't care anyway

"Hi dad!" hindi naman talaga ako galit kay daddy, naiinis lang tsaka may sama ng loob. Ikaw kaya pagbintangan ng sarili mong ama sa kasalanang hindi mo naman talaga ginawa? Masakit diba? Tsaka mas kumakampi pa siya sa fiancee at kay Cheska kesa sa sariling anak. Kasi naman diba? Hindi niya nga dugo't laman si cheska eh! Tapos ako tong TUNAY na anak, pinagtutulakan palayo.

"Oh. You're here" 

Ayy wala dad, wala. Kaya nga andito ako ngayon at nakaka-usap mo diba? Pero syempre di ko sinabi yan. I still have respect to my own father. Wag nya lang subukang sayangin.

"Yeah. Can I go upstairs already? Pagod pa po kasi ako kaka-impake tsaka jetlag pa din po sa byahe" excuse ko lang yan para hindi ko na makita ang mga mukha ng Barreto na ang sama ng tingin sa akin which is hindi namamalayan ni daddy.

"Jetlag daw eh hindi naman matagal ang byahe" bulong ni Cheska na ako lang ang nakarinig since magkatabi kami tapos sa kabilang side ko si Marjorie at kaharap namin si dad.

"Go on" Yes! buti naman at pumayag. Sana nasa kwarto pa yung piano ko na regalo ni mommy

Pagpasok ko sa kwarto ko.....

BOOM! Andito pa! Yeheyy! Pero syempre, mamaya na yan dahil maga-ayos pa ako ng mga gamit ko

(After 3 hours of arranging my things)

Forever And Always (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon