Chapter 13 - The Contest

216 21 9
                                    

Chapter 13

The Contest

CRYS'S POV:

Simula nung araw nung huli kaming magkita ay halos hindi na mahagilap sina Leonard at Audrey dahil busying busy sila sa training nila. Halos hindi na nga sila naga - attend sa klase pero excuse naman sila. Napag-alaman ko rin na isang networking competition yun kaya naman puspusan ang kanilang pagsasanay. Nagmumukmok ako ng biglang umingay ang hall. Nakita ko naman ang professor namin sa computer basics tapos nakita ko sina Leonard at Audrey. Si Leo ayun, namumugto na ang mga mata at gulong-gulo na ang buhok. Halatang wala ng alaga sa kanyang sarili, certified Computer Geek nga talaga siya. Kabaligtaran naman iyon kay Audrey na poise na poise pa rin ang beauty kahit na puspusan ang training.

"Good Morning class sorry for being late. I accompanied them to be here. Kanina pa kasi natapos ang training ng dalawang to. Leo and Audrey, you can now rest para naman ma relax kayo. Ilang gabi na rin kayong walang tulog kaka-training."

"Finally makakapag relax na rin tayo. That was such a tiresome job. Duuh." sabi naman ni Audrey at pumunta na sa kanyang upuan.

"Maraming salamat po sa lahat Prof." Sabi naman ni Leonard at tumabi na kay Audrey.

"By the way, in two days na ang competition nila Leonard kaya naman be sure to be there to support them guys. May plus points ang pupunta duon sa competition . Also all the faculties will be going there."

"Yes po Sir!!!!"

"Sige, yun lang and class dismiss."

Lumingon naman ako s likod ko.

"Oi, kumusta ka na?!?"

"Ok lang naman. Eto, pagod." sabi naman niya.

"Ah, I see. Magpahinga ka na kaya muna?!?”

“Oo Diyosa magpapahinga ako.”

Maya-maya pa umalis na naman siya at uuwi na raw para makatulog man lang kahit konti. Nung nawala na si Leonard lumapit naman sa akin si Audrey.

“A Flirt. You’re really a hypocrite. Pagkatapos ng pinagsasabi mo kay Leo nakuha mo pang makipag date?!? Ano yun?!? Ka plastican lang?!? HAHA.”

“Alam mo, isipin mo na ang gusto mong isipin.” Tapos akmang aalis na ako nang bigla niyang hinawakan ang braso ko.

“Hindi pa tayo tapos. Magbabayad ka sa akin. Alam ko ang alas at ang mga baho mo kaya kung ayaw mong magsisi sa huli, do what you’re supposed to do.” Sabi niya at umalis na rin siya.

Do what I’m supposed to do?!?

Ano naman yun?!?

Mukhang nababaliw na talaga ang babaeng yun. Sobrang naa adik na ata sa computer. Mukhang malala na siya -_____-.

*FASTFORWARD*

After 2 days sa wakas ito na rin ang pinakahihintay ng lahat. Ang contest na sinalihan nina Leonard at Audrey. Lahat ay required na pumunta sa contest nila dahil nakasalalay ang name ng school sa isang prestihiyosong competition na ito.

Mahigit 5 hours rin ang nasabing competition. NAkikita kong nagco connect ng mga cable sina Audrey at Leonard sa mga devices duon. Hindi ko alam kung ano ang mga pangalan ng mga yun since hindi ko field yun, kung gusto niyong malaman, tanungin niyo na lang si author since IT yun ^__^. At nakikita ko rin sila na nagco configure sa mga devices na kino connect nila. Mukhang nahihirapan sila. Masyadong dikit ang laban. Bukod sa time pressured eh maraming fields na chine check ang mga judges. Walang ni isang detalye ang pinapalampas.

Dreaming of You(HIATUS).Where stories live. Discover now