Chapter 16 - Moving On

203 15 2
                                    

Chapter 16

Moving On

CRYS’S POV :

“Well, as expected of our winner is . . . “

“Mr. Leonard Humbrighe.” Natahimik ang lahat ng ilang Segundo habang nagsi-sink in pa sa amin ang nangyari. Tapos umingay naman ng masigarbong palakpakan ang venue at lahat ay tuwang-tuwa sa nangyari. Habang ako, hindi ko alam kung magiging Masaya ba ako o hindi.

“Noo! I can’t accept this!! “ Nagulat naman ang lahat ng biglang magwala si Steven at hinagip niyaang braso ko.

“You still love me right Crystal?!? Please, please be mine again.” Sabi naman niya sa akin habang nagmamakaawa at lumuhod siya sa harapan ko.

“Ste—Steven tama na. Tumayo ka na dyan. Nakapag decide na ako. I will give the both of us a second chance, nasasaktan ako tuwing nakikita kitang ganito. Please, please stand up.”

LEO’S POV :

Fuck.

Nakakainis lang. Tama nga ang sinabi ni Fel, pagdating sa ex ni Crystal nawawala ang pagiging logical ni Diyosa at nabubulag siya sa pag-ibig. Nagalit ako sa nasaksihan ko. Not just because nagiging bulag si Crystal sa kanya kung hindi, Steven is clearly taking advantage of her weakness. Nagdilim ang paningin ko ng bigla ng yakapin siya ni Crystal at nag smirk siya sa akin. From his looks, alam kong may binabalak siyang masama kay Crystal.

“Hindi pwede!” Sigaw ko naman sa kanila at marahas na hinila si Crystal.

“Leoo!! Ano bah- - - bitiwan mo ako!!” Pagpupumiglas ni Crystal para makawala siya sa akin pero diniinan ko pa ang paghawak sa kanya.

“Can’t you see it?!? Ginagamit ka lang niya Crystal! He’s fond of hurting you! Huwag ka nang magpakatanga!!!” Sigaw ko naman sa kanya habang umiiyak na siya. Sorry Diyosa, nasasaktan man ako sa nangyayari sayo ngayon pero kailangan kong gawin ito para maimulat mo na rin sa katotohanan ang mga mata mo.

“Ano baaah! Bitawan mo ako please!!!” Nagmamakaawa na siya sa akin pero hindi pa rin ako nagpatinag. Then I kissed her in front of him. Na ikinabigla naman niya. Matapos ko siyang halikan, agad ko siyang hinila papalabas ng studio at agad na isinakay sa kotse. Tahimik lang kaming dalawa habang nagmamaneho ako at dahil alam kong galit siya, nagpadesisyunan kong pumunta muna kami sa isang lugar kung saan tahimik at kung saan makakapag-usap kami ng maayos. Kailangan ko ring humingi ng tawad sa inasal ko kanina.

Ngunit pagbaba naming sa kotse, hindi ko inaasahan ang sinalubong niya sa akin.

CRYS’S POV:

Pagkababang pagkababa naming sa kotse agad ko siyang sinampal sa magkabilang pisngi niya dahil sa ginawa niya kanina. Hindi ko alam pero bigla na lang dumidilim ang paningin ko at hindi ko maatim na Makita ang lalaking ito, ang naging dahilan kung bakit para sa akin sirang-sira na ang lahat, ang second chance na inaasam-asam ko ay nawala na. Hindi ko na naiwasan na bumuhos ang luha ko habang sinasabi ko ang mga salita sa kanya, ang bawat hinanaing na matagal ko nang pinipigil.

“Alam mo ba kung anong ginawa mo huh?!? Pinigil mo ang isang pagkakataon na binigay sa akin ng tadhana. Abot kamay ko na eh! Magkakayos na sana kami, pero nang dahil sa pakikialam mo nawala lahat yun!!”

“At ano ang gusto mo magpakatanga na naman para sa lalaking yun huh?!? Magpaloko na naman?!? Tapos iiyak ka na naman na parang basang sisiw?!? Alam mo naman kung gaano kasama ang ugali ng lalaking yun diba?!? Isa siyang malaking paasa sayo!!! Pwede bang gumising ka na sa katotohanan na kahit anong mangyari hindi ka na niya mahal at kahit kelan hindi ka niya minahal!!!” halos magimbal ako at nagulat sa sinabi ni Leonard sa akin. First time kong narinig sa kanya ang ganito, kasi madalas tahimik lang naman siya, pero kapag nagsalita siya, sapol. Dahil napaka prangka niya, hindi ko maisawang masaktan sa sinabi niya.

Dreaming of You(HIATUS).Where stories live. Discover now