Thirty

11.5K 210 31
                                    

Carmella?

 

 

“DOC GISING NA PO SIYA!!!”

“DOC GISING NA PO SIYA!!!”

Yan ang unang narinig ko, sigaw ng isang babae at lumabas ng maputing silid na ‘to. Puting kisame agad ang nakita ko sa pagdilat ng mga mata ko.

Nasa langit na ba ako? Nasaan si Carmella? Maayos lang ba siya o kasama ko siya ngayon sa langit?

“Anak ko!” sabi ng isang babae

May lumapit saking doctor at isang nurse, I guess I’m in the hospital now! May nurse at doctor eh, pero nasaan si Carmella?

Isang babae ang nasa left side ko habang yung doctor at nurse naman ay nasa right side ko. Ano bang ginagawa nila? Checking me?

Maya-maya ay lumabas na yung doctor at nurse, naiwan ako kasama ng isang babae.

“Black anak? Naaalala mo pa ba ako?” tanong niya

Napatitig ako sa kanya, siya yung, yung pinapagamot ni Carmella uh.

“So naaalala mo nga ako, I’m Karmen yung nakilala mo sa mental hospital” nahiya pa siya sa sinabi niya

“C-Carmella” sabi ko

“Ha? Si Carmella uhm, uhm ano nasa isang silid din!” natatarantang sabi niya

“C-Carmella” inulit ko

Yun lamang ang tanging nasabi ko, wala ng iba at gusto ko siyang makita.

 

“Naku anak hindi po pa siya pwedeng makita at mahina ka pa!” Anak?

At bakit maayos na siya ngayon? Gumaling na ba siya? Bakit anak ang tawag niya sakin?

“Don’t worry Black, malalaman mo din! Parating na nga pala ang papa mo!”

Napapikit ako ulit, ang tanging nakikita ko lamang ay si Carmella. Nasaan na siya? Gusto ko siyang makita at makasama. Ilang araw na kaya akong nandito?

--

Sana naman matanggap ako ni Black ang anak ko!

FLASHBACK

“So Karmen I want you to write a name okay? Yung mga pangalan na gusto mo at alam mo okay?” sabi nung nurse kaya tumango ako

Kaya naman nagsulat na ako, isang long bond papers ang ibinigay niya sakin kapag kulang daw ang papel ay may marami pa kaya mga limang bond papers muna ang binigay niya sakin.

BOOK 2: Our story as Cousins? [Kathniel]Where stories live. Discover now