Twenty Seven

11.7K 199 26
                                    

One week ang nakalipas after that incident, at hindi ko alam ang gagawin ngayon. Puno ng balita tungkol doon ang TV, radio at mga newspapers. Madaling kumalat ang balita tungkol sa naganap nung party ni Britney.

Sabagay saksi ang lahat sa nangyari, may mga taga-media ang nandoon dahil sa mga Mondragon. Kaya naman nakunan nila ang mga pangyayari.

“FINE! I BLACK GARCIA AND CARMELLA HERNANDEZ ARE COUSINS, pero nung una ay magkasintahan kami. We love each other, I love her so much pero nag-iba nung malaman naming magpinsan kami. Her mom and my mom are sisters pero HINDI TUMIGIL ANG PAGMAMAHAL KO SA KANYA!!”

Yang mga salita ni Black ang nasa mga telebisyon, pini-play sa mga radio at nakasulat sa mga dyaryo. Ako, si Black at Tasha ang mga mukha ng balita pero AKO ang mas binibigyan ng masamang imahe.

“Ayon sa mga kumalat na balita, totoo ngang magkasintahan noon sina Black Garcia at Carmella Hernandez pero nalaman nilang mag-pinsan pala sila! Hanggang sa na-engaged sina Black Garcia at Ms. Tasha Mondragon pero ang hindi alam ng lahat ay mas tinatagong relasyon pala itong si Carmella Hernandez sa fiancé ni Ms. Tasha Mondragon! Ay kaloka talaga!”

Yan naman ang naririnig ko sa mga telebisyon, walang tigil ang mga balita. Hindi sila tumitigil at may araw na dinudumog ako ng mga reporters tungkol sa issue. Kahit na hindi mga artista ang mga Mondragon ay kilala din ito sa showbiz industry dahil narin sa maimpluwensya silang tao.

Ni walang-wala kami sa kanila, hawak nila ang mga media kaya malaya silang nagagawa ang mga gusto nila.

“CC talaga bang wala kang gagawin!?” pag-alalang tanong sakin ni Britney

“Hindi ko alam Brit, hindi ko alam!” ako na tumulo na naman ang mga luha

“Nakakainis na talagang Tasha na yan ha! Ay nakuuuuuu!!” nanggigil namang sabi ni Mica

Napabuntong-hininga nalang ako sabay pilit na ngiti.  Nandito sa bahay sina Mica at Britney, ilang araw na silang natutulog dito para bantayan ako. Kaya nga sa kanila ako kumukuha ng lakas ng loob, sa mga taong mahal ko at mahal ako.

“Tapos kung makahusga naman ‘tong mga writers na’to wagas! Ugh!!” naiinis na sabi ni Britney sabay pinunit ang isang dyaryo

“Oo nga!! Akala nila kilala ka nila!” si Mica sabay pinunit lalo ang dyaryo

“Tama na guys! Wala naman tayong magagawa sa kanila eh!” sabay pigil ko sa dalawa na tino-torture na ang dyaryo

Tama nga sila, puno ng panghuhusga ang tao, sa telebisyon, radio at dyaryo. Ahas, taksil at mang-aagaw, yan ang mga panghuhusga na nakukuha ko. AKO lang at wala ng iba.

“Movie Marathon nalang tayo girls, may dala akong mga cds!” sabi ni Britney

“Yah, that’s a good idea so bili lang ako ng curls ha!” sabi naman ni Mica

“Mabuti pa nga!” sabi ko naman sabay punas ng mga luha ko

BOOK 2: Our story as Cousins? [Kathniel]Where stories live. Discover now