Chapter 18 - Defective

25 2 1
                                    

(Kristoff’s POV)

….haaaaaaaaaaaaaaaay…penge naman advice o.

Alam ninyo yung ang manhid manhid talaga ni Steph minsan….. syempre ‘di ko pa sinasabi sa kanya na gusto ko siya pero ………………….(toktok) hindi ba halata????

Baka naman iniisip niya na for show lang ang lahat dahil kay Kuya…

Pero hindi eh, totoo na ‘to. Alam kong magkakagulo sa oras na malaman ni Samuel na nahulog ako kay Steph pero masisisi ninyo ba ako? Try niyo makaramdam ng ganito, kahit pagbali—baliktarin mo man ang mundo, magtumbling man ako, andiyan pa rin yun eh. Hindi nawawala………

paano ko ba kasi sasabihin…….?

Malamang bubuksan ang bunganga=_= pero para kasing sinasapian ang dila ko kapag sinusubukan kong sabihin sa kanya.. iba ang nasasabi ko..

May lumabas pa sa bibig ko dati na: “Ma…..ma-..magkano kaya si Kokey?”

O diba saklap ??+_+ congrats to me=_=

(kinabukasan)

Nasa rooftop kami ni Steph, kumakain ng fishballs

“Steph, may tanong ako….”

“Ano yun?”

“Paano kung……..kunwari lang may … may manligaw sa’yo?”

Bigla naman siyang nabulunan sa sinabi ko…

“ba’t mo naman natanong ‘yan?”

“u-uhm wala lang…..tsss.. sagutin mo nalang kasi alien nerd… ang tagal.”

“Teka lang naman suplado…hays….uhm ewan ko…………..teka ba’t ba ako tinatanong mo niyan? Diba sabi mo may mahal ka? Sino?uuyyyy share na ‘yan!”

“ha?? S-sinabi ko ba.? Wala ah!”

“hoy may tenga ako Czean Kristoff at rinig na rinig ko nang sinabi mo yun.. kumanta ka pa nga ng Terrified eh..”

“wala nga yun eh! Psh.. kulit!”

“eh sino nga kasi???”

“wala nga……” nak ng…. hay ang manhid niya talaga.. defective ata nervous system nito

“sino ngaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa….oi Kris sinooooooooo????”

“wala nga eh! Ang ingay mo!”

“che! Suplado!”

“ugh! Step ang ingay natin……” -____-

(Stephanie’s POV)

Hala ‘tong lalaking ‘to… ..kinukulit ko lang naman siya ehh.. sungit talaga.. tsaka bakit nga ba alien nerd ang bansag niya sa’kin?? ( #_# )

Nabulunan pa ako dahil sa tanong niya…. Tsaka yung kinukulit ko siya about sa girl na “mahal” niya, masakit yun noh… kayo subok… torture =_=

Minsan iniisip ko baka ako… baka lang naman.. hindi rabbit.. hehe corrrrny.. pero parang ang imposible kasi..

“Kristoff……”

“ano na naman?”-_-

“eesh magtatanong lang ako okay? Relax…. Bakit ba alien nerd??? Sobra ko na bang pangit??

“hindi ah… hindi ka na-“

“kasi palagi mo nalang sinasabi sa’kin yan eh”

“Step-“

“dahil ba  sa glasses ko????sobrang weird ko bang tingnan? Para ba akong ate ni Kokey? Mukha ba akong bruha.?”

“Steph teka nga la-“

“nerd ba talaga? Tsaka ‘di naman akong mukhang extraterrestrial eh.. o baka gannon na talaga ang mukha ko?”

“u-uy teka dahan daha-“

“kasi nagwowonder talaga ako kung lumala na ba ang pagka weird ko kaya ganyan ang tawag mo sa’kin, siguro lahat ng tao ganyan ang tingin sa’kin-“

“STEPHANIE RAIN LEIGH! Stop talking!”tinakpan niya ang bibig ko. nagulat ako sa sigaw niya.. mukang iritang irita siya…nako patay..rest in peace Steph ~_~ pero mas nagulat ako dahil nagsalita siya ng mabilis at dirediretso…….dala na ata ng pagkairita

 

“makinig ka ha..grabe ang ingay mo.. don’t talk that way again, it’s irritating ….tsaka yung tawag ko sa’yo pwede ba wag mong seryosohin yun ha???? Nilalambing lang kita kasi ang cute mo mairita, ang cute mo magalit.. hindi ka pangit….ang ganda mo nga eh. Lalo na yang mga mata mo, yang ngiti mo, ..kahit anong gawin mo parang kakaiba. ….tsaka may nagsasabi ba sayong pangit ka ha??? Hindi mo kamukha si Kokey at mas lalong ‘di ka mukhang bruha”

“u-uhm Kris oo na… sorry.. tama na-“

hindi ka weird…unique ka….alien nerd…lambing ko yun sa’yo…gusto kitang kinukulit …gusto kasi kita kausap kahit nagbabangayan tayo..gusto ko yang glasses mo. Yang ngiti mo………gusto ko lahat sa’yo…psssh gustung-gusto nga kita eh.”

Natigilan ako…………………………at napatigil din siya..parang gulat din siya sa nasabi niya…………………

“anong sabi mo?”

“a-ahm…….ano…….uhm”

Biglang nagbell…………..iniwasan niya ang tingin ko at tumayo na siya… tumayo rin ako at hinarangan ko siya

“Czean Kristoff, wag mo akong takasan ngayon kasi napapagod na ako kakabasa ng mga gestures mo na hindi ko maintindihan, sa mga bitin mong salita…diretsahin mo na ako. Ano ba talaga ha?! Ano to laro?? Ako catcher????”

 

napaluha na pala ako...tanga mo Steph.. ba’t mo yan sinasabi……..

Hindi siya sumagot…….

. kinuha ko ang bag ko at nagsimulang umalis

“St-steph t-teka lang..”

Hindi ko siya sinagot…dirediretso lang ako

“Steph ….teka nga lang…” hinawakan niya ang kamay ko..

“ano ba…..?!”

“look at me…..”

“ayoko……………”

“please………….wala nang joke ‘to……just look at me…”

“ayoko……………………………………………….”

Naglakad na ako palayo……………………….

 “gusto kita Steph………………….!”

=================================================

A/N : ang sabaw sabaw ng mga updates ko =____= sorry lang naman po...

hahay matagal tagal narin na walang updates ..haha soorry finals kasi ..aral aral din ako pag may time..hahaha

@lou: eto na ang update ha.....wag mo na ko bugbugin:D

The Rampage- Breaking the RulesWhere stories live. Discover now