Chapter 22 - Shoes

4 1 0
                                    

(Stephanie's POV)

Nasa school kami ngayon. May assembly yung mga involved sa art contest. Kasali rin sila Kristoff dito. Kasi naman po sila ang ipapaset-up ng mga kakailanganin ng mga contestants pati ng venue. Napagdesisyunan nalang naming mga sasali ang tumulong.

Inaayos ni Kristoff ang isang ilaw na para sa exhibit. Nilapitan ko siya. 'Di ko mapigilang tumitig.. Bigla naman siyang tumingin sa'kin at kinindatan pa ako.

"gwapo ba ng view?;)"

"h-ha? Hindi ah! In your dreams Kristoff."

Tumawa lang siya at pinagpatuloy ang trabaho niya.



6pm na nang matapos kami. haaay nakakapagod.

palabas na kami ng school ni Kris nang
"ay!"
"o Steph. Teka ok ka lang ba?"
"ha? ah oo. tss badtrip naman o."

bigla kasing natuklap ang sapatos ko. As in, NGANGA -_-

"susunduin ka ba ng Daddy mo Steph?"

umiling ako. "ako lang ang uuwi ngayon."

"tss. di ka naman pwedeng maglakad ng ganyan. Tsaka 'di kita makakarga. ambigat mo kaya. Ang dami mong kinaing fishball kanina. hahahahaha"

aba naman 'tong unggoy na 'to!

inirapan ko siya at natahimik naman siya.

nginitian niya ako at hinubad niya ang sapatos niya.

"t-teka Kris. Ano bang ginagawa mo?"

binigay niya sa'kin ang left shoe niya. Isang paa nalang niya ang may sapatos. Ang isa medyas nalang.

"suot Stephanie Rain Leigh"

"shunga ka ba?? pa'no ka?"

nagkibit balikat lang siya at sinabing, "sasamahan na kitang umuwi. Tara. Suot na."

lumuhod siya at kinuha ang nasira kong sapatos. Sinuot ko naman ang sapatos niya at nang tingnan ko siya, medyo nauna na siyang naglakad na isang sapatos lang ang suot,bitbit ang bag ko at ang sira kong sapatos..

Napabuntong hininga ako. Czean Kristoff. Ang shunga mo. pero sweet na shunga.

"Stephanie. Tara na? ok lang ba ang sapatos ko?"

"ha? ah oo!"

lumapit ako sa kanya at ginulo ko ang buhok niya. Tumawa naman siya at napataas ang kilay niya.
"Thank you."

Ngumiti siya at tumango. Kinamot niya ang ulo niya at napayuko siya habang sinasabing
"anything. ikaw pa. Tara na nga. Hatid na kita."

The Rampage- Breaking the RulesWhere stories live. Discover now