Chapter 2

43 0 0
                                    

Chapter 2

Handkerchief

Nagising ako sa yugyog ng kung sino man. Pagkadilat na pagkadilat ko ay nagulat ako nang makita ang nakangiting mukha ni Mama.

Ang mama ko!

"Ma? Buhay ka?"

Marahan siyang tumango.

"Oo, anak. Binigyan ako ng Panginoon ng pangalawang pagkakataong mabuhay. Dahil alam Niya na kailangan mo ako..."

My heart hurt for a moment. Ma, hindi mo lang alam kung gaano kita kakailangan higit pa sa lahat. You're the only one who can comfort me. You're the only one who understands me.

"I love you, m-ma." That was my first time for the many years I have the chance to said that.

Ma, patawad kung hindi ko pinaramdam sa'yo kahit sa dinami-daming pagkakataon kung gaano ako ka-suwerte na ikaw ang naging nanay ko...at kung gaano kita kamahal. Patawad ngayon lang.

"I love you too, anak." I was all smiles when she kissed my forehead.

She hugged me. And I hugged her too, tightly.

"Ma, huwag mo na akong iwan ah? Ma, magpakatatag ka...magtatrabaho nalang ako para may maipagpapatustos sa mga maintenance mo, ma. Kaya ko 'yun. Naisip ko kasing hindi talaga sapat ang mga naipon ko. Kailangan kong doblehin ang tiyaga ko para may sapat tayong pera ma."

Kumawala ako sa yakap. Hinarap ko si mama. I smiled. Reassuring her that I will be okay, that everything will eventually fall into place. Na gagaling siya. Na magiging masaya ulit kami. Na babalik ulit sa dati.

Alam na alam ko na hindi niya gusto na napapabayaan ko 'yung pag-aaral ko kaya mahigpit siyang tutol kapag hihinto ako para lang sa trabaho at para may ipag-maintenance sa buwan-buwan niyang mga medisina. Ayaw niya noon. Kasi sabi niya, kaya pa niya. Kaya pa ng lola na tulungan siya kahit alam ko naman na may mas maitutulong pa ako kung sakali. Nagdedepende lang naman si lola sa kita sa ani, hindi rin sapat ang tulong pinansyal ng ibang kapatid ni mama mula sa ibang bansa. At sabi rin niya na mas importante 'yung edukasyon ko. Paano ba naman daw kung gagaling man siya pero hindi maganda ang buhay ko? Kasi gusto niya, na maganda ang kinabukasan ko at hindi matulad sa kanya. Kahit papaano daw, kahit na mawala man siya, may napagtagumpayan siya. At ako 'yun.

"Ma, please? Hayaan mo na ako. Promise, tatapusin ko ang pag-aaral ko kapag gagaling ka na. Pero kahit hindi man ako magkaka-diploma ma, hayaan mo na akong makikipagsapalaran. Magiging maganda pa rin naman ang kinabukasan ko, ma. Ipapangako ko 'yan sa'yo. Hindi man sa paraang gusto mo."

Mataman akong tinitigan ni mama.

"Kung 'yan ang gusto mo, 'nak."

Sa wakas!

"Magiging okay rin ang lahat ma. Ipapangako ko 'yan sa'yo. Sorry sa lahat-lahat."

Niyakap ko ulit siya. And I closed my eyes. Sana... sana ganito nalang lagi.

"Anak ng putangina naman Divana! Hindi ka pa nagsaing?!"

Nagising kaagad ako dahil sa lakas ng tinig ni Papa.

The fantasy and the happy ending I yearned for days has all gone.

Panaginip. Panaginip lang pala. Sana... tuluyan nalang akong nanaginip at hindi na nagising.

My weary eyes immediately caught him. And I know this is another day of him cursing on me and another day of me wishing I would disappear from this lifetime. I felt numb.

"Puta anong oras na? Ha?! Anong oras na't hindi ka man lang nagluto ng ulam?" He said those words along with the curses that it seems like I'm a slave to him. Utosan. Yaya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Remember, I Love You (HHS #1)Where stories live. Discover now