Prologue

34 1 0
                                    

Prologue

Nanginginig ang mga kamay ko habang menamaneho ang sasakyan. Hindi ko masyadong kita ang kalsada dahil sa lakas nang buhos ng ulan. Nanlamig ang buong katawan ko habang patuloy na tumutulo ang butil ng luha mula sa mga mata ko.

Bakas parin sa aking pandinig ang sinabi ni Tita Ronora sa naging kondisyon niya matapos ang aksidente.

He's in ICU. Nag-aagaw buhay siya. There's a blood clot in his brain because of the accident that may result to a severe brain damage. At kung hindi ito agad maagapan... kung hindi niya makayanan ito. Maaari siyang.. m-a...maari siyang—I immediately shook my head at the thought.

No! No, Divana! Don't think like that! No! He will not leave you. No. H-he will...He will survive.

My heart ached. And I felt like my mind also stiffened.

Hindi ako makapag-isip ng maayos. It was surrounded with different thoughts.

Paano kung... pagkadating ko doon, wala na siya? Paano kung... huli na ang lahat? Was it my fault? It's my fault, right?! Kung hindi ko sana siya tinawagan... baka hindi sana magkakaganito! Kung hindi sana ako naging desperada... hindi siya mag-aagaw buhay ngayon!

Bumuhos na naman ang mga luha sa aking mata. Pinupunasan ko iyon gamit ang aking mga kamay na hanggang ngayon ay nanginginig parin.

Please, Divana. Don't act like this! God is always there. He will never leave nor forsake us. He's the best helper.

I started praying silently...pleading to God to give him another chance to live,  as tears pooled down beneath my eyes and my heart's hammering so fast.

Parang sa bawat bigkas ng salita sa aking utak ay pinipiga ang puso ko. Parang sa bawat pangungusap ay naninikip ang dibdib ko. Na kahit ang hininga ko ay kay hirap ko nang ihagilap.

Pagkarating na pagkarating ko sa ospital ay agad akong tumungo sa kanyang silid. Binabalewala ang mga titig ng mga taong nasasalubong ko. Mugto aking mga mata at parang kay gulo pa ng aking buhok, nabasa rin ako dahil sa malakas na ulan pero hindi ko na iyon pinansin at patuloy lang sa paghakbang.

Siya lang ang nasa isip ko. And the what-ifs thought.

Nang nakarating na ako ay agad akong sinalubong ni Tita nang yakap. Nanlumo ang kanyang mga mata. She hugged me tight and sobbed. Kaya mas lalo akong napaiyak. There's still a chance, right? Please...tell me!

"T-tita..." napaos na ang boses ko.

"M-makakayanan n-niya n-naman 'di ba, Tita? Lalaban naman siya 'di ba? Ma-mabubuhay p-pa na-naman s-sya 'di ba?" I stuttered. My voice broke. Like how my heart was. Ang sikip-sikip ng dibdib ko.

But there was no response. All I can hear was her sobs.

"Tita!" niyugyog ko siya. Like I'm too desperate for her answers pero tanging tugon niya lang sa'kin ay ang pag-iling habang umiiyak.

Please!

"Tita naman! Tita...." basag na basag na 'yung boses ko.

NO! Hindi... Hindi ko kaya!

"This is all my fault! Tita, this is all my fault! I shouldn't have called! Sana hindi ako naging desperada! Tita...."

Hindi ko na napigilan ang paghagulhol.

"N-no,Div...H-huwag kang m-magsalita nang ganyan. W-wala kang kasalanan, okay? Walang may kasalanan dito." Tita caressed my cheeks as she convince me never to blame myself.

But no, this is all my fault.

Napadausdos nalang ako sa pader at napayuko. Bitting my lower lip para pigilan ang mga takas ng luha. Pero patuloy parin itong bumubuhos na parang ayaw nang tumigil. I covered my face with my bare hands.

Remember, I Love You (HHS #1)Where stories live. Discover now