FIRST I DO

63 1 2
                                    

FIRST I DO: Okay na sana eh… nabulilyaso nga lang ako…

(For this chapter, kindly play the song at the right. Thankies!)

HIS POV

“Tol, nag-aral ka na’t nakapagtrabo hanggang ngayon torpe ka pa rin?”

Yan ang salitang bumagsak sa’kin pagdating ng tatay ko. Galing di ba? Parang kabarkadad ko lang?! Alam nya kasi kung kanino ako may gusto. Actually, sa kabilang block lang sila nakatira. Somewhat, childhood friend ko sya. Pero dahil TORPE nga raw ako, ayun, taon na ang lumipas waley pa rin.

“Pero dad, alam mo namang di ako gusto nung tao. Tsaka, me ka-fling yon.”

“Bah, anong nalalaman mo sa fling, aber? Palibhasa, di pa naman sinasabi sa’yo na busted ka suko ka na agad. Anak, di kita pinalaking torpe. Bakla ka ba?”

“Hindi dad.”

“Oh, di naman pala e. O sya, magmuni-muni ka na muna. Ako’y magpapahinga na.”

“Sure. Goodnight.”

At ganon nga natapos ang makabuluhang diskusyunan na naman ng aking tatay. Ganyan yan pag nakikita akong may hawak na bote ng beer sa kamay. Alam nya kasing pag ganito ako, may iniisip akong malalim… sing lalim ng pagmamahal ko sa kanya.

Bakit nga ba ko ganito?

**FLASHBACK**

“Ui tol! Yan na yung labs mo oh!” sabi yan ng blockmate ko nung college. May hawak akong roses para sa kanya, birthday nya kasi.

Lalapit na sana ako kaya lang…

“Teka, may boyfriend na sya? Naku naman tol! Ang malas mo naman. Tsk tsk tsk.” Napapailing na lang na sabi nila.

Naitapon ko na lang yung bulaklak sa nakita kong basurahan. Grabe. Hindi yun ang una. Marami rami rin yan.

Pagkatapos non, wala na akong ginawa para mapansin nya. Ang alam ko lang, lagi kaming nagkikita pag may special gathering sa subdivision namin or kung gusto lang mag get together ng pamilya nya at pamilya namin. Palibhasa, magtotropa din yung mga magulang namin nung college nila. Kaya yan.

Haaaaaaaaaaayyyyy….

**FLASHBACK ENDS**

Mabait naman ako e… maalaga… maalalahanin… di nga ko nakikipag-away e… pero ba’t ganun?

Sa kanya pa rin ako na-inlove? :(

Nak ng…

**AFTER TWO MONTHS**

“Wow hija, you’re so gorgeous on your dress.” My mom, talking to my one and only love.

“Thanks tita. For sure mom will be happy that you’re here.” Bakit ba pag sya ang nagsasalita grabe lang? Tameme ako e.

“I know. Where’s Abby? I want to congratulate her.” Yeah. You heard it right. Kasal ng ate nya. Kala ko nga nung una sya e. dalawng linggo din akong walang tulog nang malaman kong may ikakasal sa kanila. Yun pala false alarm lang. kabobohang tunay talaga. -_-

“At the principal sponsors tita.”

“Thanks dear.” At iniwan kami ng magaling kong nanay. Galing tyumempo nyan! The best!

“Uh… Yna…” pangalan ng labs ko. Ganda di ba? Kasing ganda nya. *yiiiiiieeeeehhh!!!* Tse! Makakilig naman WAGAS!

“Yes Josh?” isang smile at tinging nakakatunaw… heaven! :D

I Do (times three)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon