SECOND I DO

42 1 7
                                    

SECOND I DO: I’ve loved you ever since then…

HER POV

(A/N: ang susunod nyong mababasa ay may halong kakornihan at kalokohan. Me konting X-rated (sa paningin ko ah!) na rin. Kaya kung hindi keri ng kaluluwa mo ang mga ganyang eksena, chupi ka na sa chapter na to. Pero kung makulit ka, sige lang. Gorabels ang pagbabasa! Pero wag mo akong sisigawan sa comment box kung bakit hindi ko nabanggit yon. I told you. Kaya nga hinabaan ko e. Haha! Enjoy!) ^_^v

“It has been thirteen years since I felt it. At hanggang ngayon, sya pa rin. Bwisit nga e. Ayaw magpaalis sa isip ko… yan tuloy… pumasok ka na sa puso ko.”

Yan ang isa sa mga nakasulat sa diary ko. Tawa lang no? Even though I’m 24 I can still recall of my thoughts because of my diary.

And yes, it’s Joshua what I’m talking about.

Nakakatawa nga nung una kaming naging magkaklase nyan e…

**FLASHBACK**

“Yna, classmate kita? Di nga?” si Josh habang papasok kami ng school. Grade six kami nyan. Although mas matanda sya sa’kin ng two years. Kinarir kasi nya ang preschool e. Haha.

“Oo nga.”

“Edi lagi na tayong magkasabay nyan pag papasok tas pag uuwi tas pag magrerecess tas pag mag-p-PE tas…”

“Oo. Kaya wag kang masyadong excited dyan. Ang ingay mo ang aga aga pa e.”

“Hehe. Sorry naman” ^_^v

“Oo na lang.” at nanahimik na kami pareho. Di ko naman akalaing mapagtitripan pa kami…

“Okay, our muse and escort for this class is Mr. Saavedra and Ms. Rodriguez.” Banat ng class president namin.

“Ayyyiiiiiiiiiiiiiiiih!” halah! Makakilig naman sila wagas! E kamusta naman ang pagpapartner sa’min di ba?

“Speech! Woooooooh!” mga galing sa zoo na kaklase namin yan. Kaloka lang.

“Kelangan pa ba non?” bulong sa’kin ni Josh nung pinatawag kami sa harapan.

“Ui oh! Nagbubulungan oh! Alam na!” isang nanghudas sa’min ang biglang sumigaw. As usual, hiyawan ulit ang nangyari.

“Uhhh……” shemai. Walang lumalabas sa bibig ko.

“Salamat sa pagboto nyo sa’min.Wag kayong mag-alala, tayo ang mananalo sa intrams, Mr. and Ms. UN, at sa Mr. and Ms. Southborough Academy.” Sabay hawak ng kamay ko pagkatapos sabihin ni Josh yon. Ako namang si gaga, tulala ang beauty.

“Ayyyiiiiiiiiiiiiiiiih!” halah! Eto nanaman tayo. Don ako bumalik ulit sa earth pagkatapos kong mawala ng saglit dahil sa paghawak sa kamay ko ni Josh.

**FLASHBACK ENDS**

At nakakaloka naman kasi nung one time, same year, grade six kami…

**FLASHBACK**

“Josh, kinakabahan ako…” talent portion, Mr. and Ms. UN namin yan.

“Okay lang yan. Wag kang kabahan. Basta tumingin ka lang sa mata ko at kapag nag-iba ang lahat ayon sa plano, bubuhatin kita pauwi sa inyo.” Sabay hawak ulit sa kamay ko. Parang namimihasa na to sa kakahawak sa kamay ko ah? Nag-eenjoy naman ako. Haha. Pero sana nawala yung kaba ko e noh. Hindi e. Mas malala ngayon. Nagwewelga, nagwawala ang puso ko sa ginagawa nya. Ewan ko ba kung palabas pa rin ba to o ano na e.

I Do (times three)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon