WLMIH Chapter 10 - Turning Point

3.1K 93 59
                                    

Daniel's POV

BARKADA HOUSE

"Okay, nandito na ako. Kung ano man ang sasabihin niyo, sabihin niyo na para makatulog na ulit ako. Shet kayong lahat."

Lahat kami napatingin kay EJ na kakadating lang.

"Shet ka din. Hindi ka nga man lang nag bihis." Lahat kami tumawa ng makita namin si EJ na nasa pajamas niya pa.

Nandito kami ngayon sa barkada house. Time check: 4:30am.

Pinapunta kami dito nila Kiray dahil dito yung girls natulog. At bakit? Hindi ko alam. Nakatanggap lang ako ng message na kailangan ako dito, ASAP. When I arrived, kami na lang ni EJ ang hinihintay.

"Ano ba kasi yung kailangan niyong sabihin at hindi kayo makapag hintay?" Diego.

"Let me guess, nag resign na si Pnoy?" Joshua.

"Oh baka naman natangpuan na yung MH730?" Neil.

"Or baka naman namiss niyo kami? Gwapo ko talaga." Ako.

"Guys, no. Siguro gusto nilang sumakay sa isang Malaysian Airplane?" EJ.

"Gusto niyong sumali sa protesta sa Hong Kong? Democracy!" Khalil.

"No, no and no. Mas importante pa yung sasabihin namin kesa sa mga kalokohan niyo." Sabi ni Barbie.

"Eh ano nga kasi?" sabay sabay naming tanong.

Nag tinginan yung mga girls at sabay sabay nilang sinabing, "WELCOME PARTY FOR KAAAAAATH!"

"ANO?!" Yun na lang ang sinabi ko.

"Gaga, hindi mo alam kung ano yung welcome party?" Tanong sa akin ni Julia.

"Engot. Alam ko yun pero I mean, bakit?"

"Wala lang. Ba't ba?"


"Akala ko ba hindi natin sasabihin sa kanya yung past niya?" Sabi ni Khalil.

"We didn't mention revealing her past."


"At paano niyo gagawin itong 'Welcome Party' aber?"

"Sabihin na nating 'Welcome to the Group' Party."

Binato ni Neil si Kiray ng unan. "Edi sinabi niyo nalang dapat na 'Welcome to the Group party' hindi 'Welcome Party' lang."

"Sorry naman ha!"


"Hindi ba masyadong maaga?" tanong ni Khalil. Lahat kami napagtingin sa kanya.

"Bakit?"

"Face it. Noong isang araw lang natin nalaman na buhay pa si Kath. Kung tutuusin, hindi pa din ako makapaniwala. Buhay pala siya all along. Saka yung sinabi ni Kath na 'I want to make new memories'...parang..."


"Parang?" tanong ko. Yung tono ni Khalil, parang iba. Parang hindi siya naniniwala na buhay si Kath.

"Parang...rehearse."

Binato ni Kiray si Khalil ng unan. "Rehearse? Ano to? Buhay ni Kath parang script lang? Pag mali sinabi, take two?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 23, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Love Makes Its History [Book 2]Where stories live. Discover now